48. Desperate Measure

655 29 7
                                    

Nakumpleto na ung bahay ko by 2nd week ng February.. Ayos.. Ang ganda ng pagkakagawa.. Buti na lang, beteranong mga karpintero din yung kinuha ni Jayson..

Bininyagan agad namen.. Nag-inom kame.. Tuba.. Nagkatamaran kasing pumunta ng bayan para bumili ng beer e.. Tas adobong pato sa gata yung pulutan.. Solid!!!!

"Pinsan.. Wika mo nung nakaraan e isasama mo na yung iyong irog dito pag balik mo.. Ay nasaan na??" tanong ni Jayson saken..

"Busy sa work pinsan e.. Pero chill ka lang.. Makikita mo din yun.." sagot ko..

"Nakita ko na.. Ay kagandang dalaga e.."

"Ha? Pano? Pano mo nakita?"

"Ay di ga't iyang larawan sa iyong selpon ay yang nobya mo? Iyang nakahalik sa iyo.. Ay katamis e.."

Napatingin ako sa cp ko.. Hehehe.. Oo nga pala.. Pinalitan ni Bianca 'to nung nasa Sagada kami..

"Oo.. Maganda 'to brad.."

"Ay tunay.. Ikaw ga nama'y pipili ng maiba(panget)?"

Napangiti lang ako.. Usapang lasing na 'to.. Pero hindi naman ako umiinom.. Konti lang..

"E kayo ni Veronica? Anu nang balita?" tanong ko..

"Ay yun nga yung sasabihin ko sana sayo pinsan e.."

"Ano yun?"

"Sabi sa akin ni Nica.. Ay siya daw e hindi pa dinadatnan.." sabi nia..

Lumaki mata ko.. Sobrang saya ko dun sa sinabi nia..

"Weh.. Seryoso!?"

"Oo nga.. Ay dapat daw e nung nakaraang linggo pa siya nagkameron.."

"Hala Umpong.. Magiging daddy ka na.. Yahahaha.."

Ang laki ng ngiti nia.. Kung sa bagay.. 28 na din naman siya.. Pwedeng pwede na..

"Ako'y medio kinakabahan e.. Ay nais ko sanang kami'y lumuwas pa-Maynila nang makausap yung magulang nia.. Aking sasabihing, pakakasalan ko na si Nica.."

"E ano bang sabi ni Nica..?"

"Ayaw e.. Tsaka na daw pag nakalabas na yung bata.. Kung sakali ngang siya'y buntis.."

"O e yun naman pala e.. Alam mo pinsan, siya dapat ang masusunod.. Dapat hindi nasstressed ang buntis.."

"Nasstressed? Ibig mong sabihin ay naaaburido?"

"Ah.. Oo.. Oo.. Yun nga yun.. Dapat hindi din sumasama yung loob nia.. Kung anong gusto nia, bigay mo agad.."

"Ay siya.. Ay yun nga ung pinagtatampo sa akin kanina e.."

"Baket?" tanong ko..

"Ay ako'y pinipilit na humanap ng bayabas.. Ay san ako kukuha ng bayabas? Pebrero pa laang.. Ay ang bayabas ay Agosto hanggang Oktubre ang bungahan.."

Hahahahaha.. Ang kulit niang magkwento.. Problemadong problemado..

"Wahahaha.. O, e anong ginawa mo..?"

"Ay ako'y tumungo ng bayan.. Ay wala din akong nakita.. Ginawa ko ay bumili na lamang ako ng melon.. Baka kako magustuhan nia.."

"O, ansabe?"

"Ayun.. Ay nakow.. Ay lalo laang akong inaway.. Kalayo daw naman ng bayabas sa melon.."

Hahahahahaha.. Bahahahahahahaha..

"Pero parang ang aga niang maglihi ha.. Teka wait.. Jan ka lang.."

Umalis ako.. Tas pag balik ko, may dala na kong box.. Inabot ko sa kania..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now