4. Enrolan

864 30 3
                                    

Patapos na bakasyon.. Enrolan na..

Ang daming enrollees.. buti nakita ko si Lester at Kenneth..

"brad, nakuha mo na card mo??" tanong ni Ken saken..

"oo last week pa.. kayo??" tanong ko..

"oo", sabay nilang sagot..

"anong average mo?" tanong ni Lester..

"87.5.. kayo?"..

"ayos!! Cgurado star section pa rin tayo.. 86 ako.. si Kenneth, 87".. sagot ni lester..

Natapos na kong makapag enroll.. ok na.. pauwi na ko.. pero may kumalabit saken.. nilingon ko..

Si Catherine.. nakangiti saken..

"oi Edward, sori nung last time.. si Rica kasi.. Galit ka ba samen..?? saken??" tanong nia..

"ui, nu ka ba? Hindi no.. nahihiya nga ako e.. ndi ako nakapunta nung nagpramis ako".. sabi ko..

"sobrang dami ko kasing ginagawa e.. lam mo na.. anak-mahirap.. kailangang kumayod.. kaya minsan nkakalimutan ko na mga "appointments" ko.. hehehe.." dagdag ko..

"wow na wow ung "appointment" mo ha.. hahaha".. sabi nia na natatawa..

Ayan.. nacoconfuse na ko.. ang ganda nitong babaeng 'to.. bakit nga ba ndi ko sya bigyan ng chance (kasi napaka-pogi ko talaga)..?

"hehehe.. pero sori talaga.. bawi ako.. pramis".. kabobohang nasabi ko..

Pramis pramis.. I don't even have to.. bakit ako babawi?? May utang ba ko sa kania?? Kaso wala na..nasabi ko na..

"weh.. talaga?" pagconfirm nia..

"Ayun na nga,.. yan na nga ba sinasabi ko.. ang bobo mo Edward!!!" sabi ko sa sarili ko..

"oo.. pramis".. sabi ko..

"ok sige hatid mo ko samen ngayon".. sabi nia..

(P&+@&#!na!!! ang dami ko pang gagawin!!).. Sigaw ng isip ko..

"ahmm.. ok.. san ka ba nakatira?".. tanong ko..

"Karuhatan".. sagot nia..

"ok tara" (laban na to.. napasubo na e).. sabi ko..

"kain muna tayo.. gutom na ko e" sabi nia..

(anim*l!!! Sabi hatid lang!! walang kain!!).. sabi ko na nman sa sarili ko..

"cge ok lang.. libre mo ko?!".. pabiro kong tanong..

"of course, ako nagyaya e".. sagot nia..

"7/11 na lang.. para malapit".. sabi ko..

"anong gusto mo?" tanong ko..

"kaw bahala".. sagot nia..

Ok.. so kumuha ako ng all time favorite ko..

Chicken hotdog tsaka pepsi.. tag-isa kame..

Tas derecho bayad sa counter..

Oo, kuripot ako.. pero times like these, lalaki pa din ako.. Kahit sabi nia, sya ang manlilibre, if she's considering this as our first date, ako ang gagastos.. buti na lang may extra P300 ako.. pambili ko sana ng charger..

walang imikan habang kumakain kame.. cguro kasi nahihiya din sya saken.. at ako nman, ndi marunong magsimula ng conversation sa babae..

so ayun na nga.. bumaba na kami ng jeep.. I asked her kung malayo pa, sabi nia isang kanto lang tas bahay na nila..

pero ung isang kanto na un e parang isang kilometro ang layo..

eto malupet.. habang naglalakad kami, nagkekwento sya.. pero wala akong maalala sa mga pinagsasabi nia.. nagrereflect na ko.. mga kasalanang nagawa ko.. mga plano ko sa buhay na malamang hndi ko na matutupad.. pano na ung nanay ko?? Sinong magaalaga sa kania.. naging mabuti ba akong tao?? Sa langit ba ko pupunta??

Kasi halos lahat ng madaanan naming tambay, parang may pagbabanta sa mata.. nakita ko pa ung isa, kala ko naglabas ng ice pick.. pero screw driver lang pala.. bawat eskinita, bawat likuan, tinatandaan ko.. in case na kailangan kong tumakbo for my dear life..

Alam ko, pantasya ng barangay to si Catherine.. tas biglang may maghahatid na lalake sa kania pauwi..

"buset kang babae ka, hinding-hindi na kita ihahatid dito.." bulong ko sa sarili ko..

Sa wakas, nakarating din kame.. nagthank you naman sya.. tas umalis na din ako..

Habang binabaybay ko ung daan palabas sa kanila, biglang may humarang na 3 lalake.. mukang mga durugista..

"Hoy! Pinopormahan mo ba si Catherine?!" malakas niang tanong..

Kaya ko tong mokong na to sa sapukan, one on one.. kaso tatlo sila.. ndi ako sure sa fighting skills ko..

Napatigil ako..

"hoy! Tinatanong kita.. nanliligaw ka kay Cath?!".. inulit nia..

Wala na.. cornered na ko.. laban na to.. kailangan ko ng ilabas ang secret technique ko..

Akmang kukuwelyuhan na nia ako tas biglang:

"hindi po kuya.. bestfriend ko si Cathy.. nagpasama lang.. kasi ung nanliligaw sa kania sinusundan sya".. oo! Oo.. boses bakla ako.. Nagbading-badingan na lang ako.. kahiyaan na to..

Napahagalpak ng tawa ung dalawang kasama nia..

"sino ung nanliligaw?? Taga saan?".. tanong nia..

"ndi ko kilala kuya".. sagot ko..

"ok.. cge.. sabihin mo saken pag nakilala mo ha.. ingat ka".. sabi nia..

"Tseh.. kanina, parang papatayin mo na ko".. biro ko..

"sorry po.. lam mu nman, alaga ko yan si Cath.. future wife ko yan".. sabi nia..

"taray!!" sabi ko.. at umalis na ko..

Teka, linawin naten un.. ndi ako bakla.. nagkagipitan lang..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon