12. Miss Barangay

729 33 0
                                    

Natapos na ung school year.. ayos!! Bakasyon na.. tas next na pasukan, pang-pang hapon na ulet ako.. makikita ko na araw-araw si Bianca..

Mga 1 week after ng klase.. dumaan ako kina Bianca.. Syempre naglako ako ng kakanin..

"Hey, Edward.. Flight namen ni tita bukas.. magbabakasyon kami kina Mommy at Daddy.. 1month lang naman.".. sabi nia habang inaabot ko ung order nia..

Natigilan ako.. totoo ba?? So 1month kitang hindi makikita.. 1month na walang communication.. haayst.. olats..

"ganun ba?? So ndi na ko dadaan dito pala.".. sabi ko..

"e pano ung mga suki mo??" taniong nia..

"dba may iba nmang naglalako dito? Dun na lang muna sila bumili."..

"anong gusto mong pasalubong??".. she asked..

"uhmm.. naku.. wag na.. anu ka ba? magaabala ka pa." sagot ko..

"cge ako na lang bahala".. sabi nia..

"hey.. magiingat ka dun.".. sabi ko..

"thank u.. ikaw din.. mamimiss kita.".. sabi nia..

Then umalis na ko..

T@&#%!nang bakasyon to.. talo.. so ganun na nga.. hindi na muna ako naglako ng puto at kutsinta.. Pedicab lang ako.. mas malaki nman kinikita ko dito..

walang masyadong ganap ung bakasyon.. actually meron.. pero ndi nman importante so hindi ko na ikekwento..

Sige na nga ikekwento ko na..

Isang araw.. hapon actually.. nagmamadali akong umuwi galing sa pamamasada.. pawis na pawis ako.. nadaanan ko si nanay sa labas ng bahay.. may dalang softdrinks at tinapay.. hindi ko na maalala kung tinawag ba nia ako o hinde.. basta may misyon ako.. at walang makakapigil saken.. halos tumalon na ko pagsapit ko sa cr namen.. dali dali kong tinanggal ako shorts ko kasi parang tutubuan na ko ng buntot.. pagka-upo, ayun na.. lumabas na ang satanas na ilang oras ko ng tinitiis sa tyan ko.. "wahhhhh!!!!!".. sumisigaw sigaw pa ko.. mga 10 minutes din ako sa loob ng "washroom" namen.. paglabas ko, pawis na pawis ako.. pero masaya ako.. relieved.. parang isang mandirigmang nagwagi sa kanyang larangan.. nasa pintuan si nanay.. nkatingin saken.. mga matang mapanghusga..

"grabe nay!.. muntik na kong abutan kanina.. buti natiis ko pa.. yahaha." Sabi ko..

Hindi sya nagsalita.. dumako ang paningin niya sa kanan.. dun sa sofa.. may nakaupong babae..

"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING HERE?!?!" gusto kong isigaw.. pero mas nauna ung hiya ko.. tas nakahubad pa ko pangtaas.. and ung mga noises na ginawa ko sa loob ng CR.. gusto kong magevaporate..

"Hey.. Catherine.. kmusta?? Anong ginagawa mo dito??".. un na lang nasabi ko..

"Hi! Bumisita lang.".. sabi nia..

"wala akong sakit.. bakit ka bumibista?".. gusto ko na nmang sabihin pero sa isip ko lang..

"yung.. yung mga narinig mo sa CR.. wag mo na lang pansinin.. may alaga akong hyena dun.. nagagalit lang.".. kunyari dinaan ko na lang sa comedy.. wala e.. nkakahiya talaga..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now