20. Edward's Sick

685 27 0
                                    

"Edward, kasama ka ulet sa Cotillion ha.." Si Ma'am Marayan.. Sinasali na nman ako..

"Sige po Ma'am.." sagot ko.. Wala nman akong choice e.. "Umaga po ba ulet ang JS..?" Pahabol kong tanong..

"No! Gabi na.. Start ng 5pm.. Hanggang 10pm.. Sa Feb.13 un.. Next saturday kaya dapat wag kang aabsent sa practice.." Sagot nia..

"Yes Ma'am" sagot ko..

Ayos.. At least normal na JS namen..

Halos patapos na din ang school year.. Yeeesss!! Gagraduate na ko..

Kaso, panu un?? Wala nman akong perang pangenroll sa college??

Ung kinikita ko, oo naiipon ko, kaso halos linggo linggo ko ding nagagastos sa pambili ng gamot ni nanay.. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip kong timbangin kung ano ang mahalaga, un bang ipon ko para makapag-college, o para sa gamot ni nanay.. Kahit gumapang ako sa hirap.. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang nanay ko.. E ano kung hindi ako maka-graduate..? Makakahanap pa rin nman siguro ako ng disenteng trabaho.. Balita ko, tumatanggap daw ung ibang callcenter kahit High School grad lang e.. Yun ang igo-goal ko pagkagraduate ko..

"Hi mahal.. How r u?? Col ako, pwede?" Text ni Bianca..

Syempre, wait muna ako mga 3mins.. Naghugas muna akong bigas na pangsaing..

"Yes po.. Col ka na mahal" reply ko..

"Hello?"

"Hi mahal!!" bati nia..

"Ay sorry po, sino po kailangan nila??" banat ko.. Hehehe.. Gusto kong makipagkulitan..

"Ay sorry po.. Si Edward po.. Nanjan po ba si Edward Castro..?" sumakay ang bruha..

"Ay sori po ma'am.. Ndi po ba nagsabi sa inio si kuya Edward?? Umalis na po sya.. Nag seaman.. Hindi ko alam kung kelan babalik.." Sabi ko..

"Ganun po ba?? Naku.. Yang Edward na yan!!! Iniwan na kami nung mga anak nia.. Idedemanda ko sya.." Sabi nia..

"Ay dumating na si kuya..!! Kuya Edward.. Bumalik ka na pala.. May naghahanap sayo.." Kunyari binigay ko ung phone..

"Hello.. Oi mhal.. Nakauwi na ko.. Kamusta??" Sabi ko..

Hindi sumasagot si Bianca.. Narealize ko lang na mapuputulan na pala sya ng hininga sa pagtawa nung bigla syang nag inhale ng malalim.. Seryoso.. Napakababaw talaga nitong babaeng to..

"Hoy mhal.. Ok ka lang jan??" tanong ko..

"Napakasira-ulo mo!!!!!" katatapos lang niang tumawa..

"How's my boo?? Miss mo na ko??" tanong ko..

"Oo miss na kita kahit nagkita tayo kanina.. Wait, may itatanong ako sayo.." sabi nia..

"Ano??"

"Ahmm.. Hindi pala tanong.. May request ako sayo.." sabi nia..

"Ano nga??"

"Ahmm.. Pwede bang ikaw ang date ko sa JS prom namen??" sabi nia..

"Ha?? Pwedeng taga ibang school ung date nio??" tanong ko..

"Uhmm.. Pwede.. Ganun talaga samen.. So pwedeng ung mga jowa ang kasama.." sagot nia..

"Talaga? Ang galing! Sige.. Kaso wala akong damit e.. Anu bang susuotin dun..??" tanong ko..

"Basta anything formal.. Kahit nman anu suot mo, ok lang e.. Ang gwapo mo kaya.." sabi nia..

"Ok po.. Sige.. Kelan ba JS nio?" tanong ko..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now