39. Her Happiness

687 36 6
                                    

Nagbreakfast muna kame sa isang cheapanggang resto sa Baguio.. Tamang tapsilog lang kaming dalawa para hindi naman kami maduling sa gutom habang nasa byahe..

"Bakit parang kabisado mo na ung way..? Nakapunta ka na ba ng Sagada..?" she asked..

"yep..twice.." i replied..

"madadaanan ba naten ung Mt. Pulag?" tanong nia ulet..

"hindi na naten dadaanan.. Mapapalayo tayo e.."

"dun tayo dumaan.. Please.."

"Bianca.. Gagabihin tayo.. From here, 4hrs pa to Sagada.. Pag dumaan tayo dun, another 3hrs.."

"gusto kong makita.. Please.."

"sobrang mapapalayo nga tayo.. Magsho-shortcut nga sana tayo e.."

"ayoko ng shortcut.. Gusto ko long cut.. Kung gusto mo iderecho mo na sa Batanes.." sabi nia..

"Baliw ka.. Hinihintay nila tayo dun.. Anong oras na tayo makakarating.."

"e gusto ko pang magride e.. Nageenjoy pa ko.."

"i thought nahihirapan ka? Hindi na ba masakit?"

"masakit pa rin.. Pinaalala mo pa.. Pero sayang kasi.. Nandito na din lang tayo e.. Sige na please.."

"fine! Sige na.."

"yehey.. i love you.." and she wrapped her arms around me..

Wala na.. Talo na.. Ganun lang un.. Konting lambing lang with her mushy, sweet voice.. Napasunod na ko.. Well done De Vera.. Well done..

By 10am, nakarating kame sa Ranger Station ng Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet.. We decided na maglunch na rin.. Ok naman ang food dito sa Benguet.. Masarap ang mga lutong ulam.. And hindi ko lang bet ay yung kanin nila.. Organic rice daw yun kaya medio mahal.. Pero kasi yung itsura nung rice.. Brownish na may pula pula.. Parang patuka sa kalapati.. Naghanap ako ng plain rice.. Nakakahiya.. Hindi ako sanay sa mamahaling kanin.. Wala daw silang plain rice.. So ayun pinipilit kong ubusin ung kanin ko.. Pero si Bianca, pangalawang extra rice na! Naligayahan siya dun sa sinampalukang manok.. Kaya ang dami niang kain..

Then, after lunch.. Ride na ulet kami.. Pahirapan na naman siya sa pagsampa sa motor.. Yahahahahahhaha.. Kala mo may kulani.. Wahahahaha.. Yahahahaha..

Dun kami dumaan sa way na papuntang base trail ng Mt. Pulag sa Ambangeg.. Ang sarap ng hangin.. Ang lamig.. Kahit tanghaling tapat.. At itong bruha sa likod ko, picture ng picture.. Hindi tuloy ako makapagdrive ng maayos..

"tingin ka dito sa kaliwa.." sabi ko..

"ito na ba un?? Mt. Pulag na 'to?" she asked..

"hinde.. Yung mountain sa likod nian yung Pulag.. Hindi nman makikita yun dito e.. Nasa gitna ng mountain ranges yun.. Natatabunan ng ibang bundok.."

"You mean, hindi naten makikita yun along the way?

"hinde.."

"nakakainis ka!!! Bakit hindi mo sinabi?"

"hehehe.. Nakalimutan ko din e.. Pero at least diba, nagandahan ka naman sa tanawin.. Best spots dito sa norte.."

"ewan ko sayo.. Sayang yung time.. Bilisan mo na lang magdrive.." sabi nia..

Hahaha.. Mukang badtrip nga.. Kala nia makikita nia ung bundok.. Yahahahaha..
Nagstop over pa ulet kami para makpagpahinga.. Buti may nagtitinda ng banana cue sa tabing daan.. Nakasimangot pa din si Bianca.. Mukhang pagod na sa byahe..
Now i was thinking, ididirecho ko na ba sa Sagada or i'll bring her somewhere na macocompensate yung frustrations nia for not seeing that beautiful mountain.. Alam ko na..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now