10. JS Prom

773 26 6
                                    

JS Prom.. ito ung isa sa pinaka-inaabangan ng lahat ng hiskul.. Kasi, eto ung pormahan.. Hindi ako masyadong interesado.. kasi bukod sa magco-contribution na nga (sobrang kunat ko talaga), mahihirapan pa ko paghanap ng mahihiraman ng damit na isusuot.. pwede nmang mag-rent ako.. kaso nga, ayokong gumastos.. again, mahirap lang kame.. halos lahat ng centimo na meron ako, pinaghihirapan ko..

Decided na ko na hindi ako aattend.. kaso biglang:

"Edward, kailangan kita sa Cotillion sa JS.. mga 5'6" pataas ang kinukuha ko.. anu nga height mo??" si Ma'am Marayan, PEHM teacher namen..

"5'2" lang po ako ma'am".. sagot ko.. na halos lumuhod ako sabay tungo na lowered na lowered..

Pinukpok nia ko ng hawak niang kartolina.. sabay sabing; "sasampalin kita.. 6 footer ka na nga yata e"..

"ma'am, ndi po kasi ako a-attend.. sori na ma'am.".. sabi ko..

"pag hindi ka umattend, ibabagsak kita.".. banat nia..

"kelan ba practice ma'am..? hindi mo natatanong ma'am, dati akong ballroom dancer.. gustong gusto ko yang mga sayawan na ganyan. ".. sagot ko..

"sira ulo.. so anu nga height mo?" tanong nia..

5'10" po.. (opo, tumangkad na ko ng konte).. sagot ko

"ok, starting Monday, from 3-5pm ang practice.. 1week na lang, un so araw-araw na un."..

(UTANG NA LOOB!!! KAYA AYAW KONG SUMALI E!!!!)

"yes po ma'am.".. un na lang naisagot ko..

"attend ka JS, Chong?".. si Lester habang nagbubunot kami ng sahig.. cleaners na nman kami..

"Oo pre e.. pinilit ako ni Ma'am Marayan.. sasali pa ko sa cotillon."..

"yahaha.. yari ka.. araw-araw praktis nun.. gagabihin ka dito..".. sabi nia..

"oo nga e.. ikaw aattend ka?" tanong ko..

"gusto ko sana.. kaso ang pangit ng schedule e.. umaga.. buset!".. sabi nia

"anong umaga?? Nagtatakang tanong ko..

"tanga.. ung JS naten, 9am to 4PM.. ang panget!!"..

"ha?!?!?! Seryoso??".. ndi pa din ako naniniwala..

"tanga oo, nga.. kasi daw last year, ung JS, gabi dba?? E may nagrambol daw.. mga 3rd year.. ayun, parusa daw sa kanila.".. paliwanag nia..

"anak ng teteng!!!".. oo, bwiset talaga..

JS na! Buti na lang inisponsoran ni Ma'am Marayan yung Barong ko na pang cotillion.. tas si nanay naipanghiram naman ako ng amerikana.. pwede pa naman ung black shoes ko.. ayos!! Mukang kagalang-galang ako ngayon..

And totoo talaga.. umaga nga.. 9am.. so around 8:30 nakahilera na kame.. kania-kaniang partner.. and no, hindi si Cath ang partner ko.. Si Melissa.. Classmate ko.. Uhmm.. wala kasing gustong pumartner sa kania.. Ndi sya panget.. trust me.. normalan lang sya.. pero kasi, maiksi ung isang leg nia.. Nabiktima sya ng polio nung baby pa sya.. And I would admit, may kasama ng awa.. But more than that, friend ko si Melissa.. and I don't want her to feel sad..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now