22. The Decision

615 30 1
                                    

5 days after nung prom.. nagtext si Bianca..

“Mahal nandito na sina daddy at mommy.. sa Sunday lalabas kaming family.. you have to be there.. they’ll be expecting you”..

“ok po.. I’ll be there” reply ko..

Pero naglalaro pa din sa isip ko ung thought kung anong mangyayari.. I wont deny the fact na ayoko talagang makipagmeet.. kasi nahihiya ako.. pano ko ipapakilala ang sarili ko? Sasabihin nio, just be myself.. well that’s bullshit.. I can be myself, but that wont erase the truth na hindi ko masisigurong mabibigyan ko ng mgandang buhay ung anak nila sakaling magkatuluyan kame.. ni hindi ko nga alam kung pano ako makakapag-college e.. Sure, siguro mabait sila.. baka matanggap nila ako.. pero pano kung hindi..? pano kung paghiwalayin kame.. talo.. pero kung anuman, kung hindi sila pumayag sa relationship namen ni Bianca, then fine.. hindi ko ipipilit.. tanggap ko nman mula pa lang nung simula na suntok sa buwan ung ginusto ko.. na maging kame ni Bianca.. and hindi ko rin mahahawakan ng matagal ung buwan na un.. magkakahiwalay din kame..

Muntik na kong maiyak dun sa mga naisip ko.. pero hinde.. hindi ako iiyak.. kaya ko to.. im a realist.. alam ko ang lugar ko.. and sinwerte na lang na minsan, kahit papano, minahal ako ng diwatang handa kong pag-alayan ng buong buhay ko.. Yeah, I know, sobrang advance kong magisip.. pero ganung klaseng tao kasi ako e.. hindi masyadong nage-expect..

Then, that day came.. Dinner pala ung pupuntahan namen.. mas ok saken un kase makakapamasada pa ko.. kailangan kong kumita.. ayokong may nasasayang na oras..

“mahal, dapat nandito ka na sa house by 4pm ha.. we’ll be going to Tagaytay fo dinner”.. text ni Bianca..

“Yes po mhal.. anong susuotin ko..?” tanong ko..

“kahit anu po.. hindi nman formal event ung pupuntahan naten.. magdidinner lang tayo.. excited na sila to see you”.. sagot nia..

“Ok po.. see you later.. luv u..” textback ko..

10:30am pa lang naman.. Makadalawa o tatlong byahe pa ko before ako umuwi ng tanghali.. kasalukuyan akong naghihintay ng pasahero nung nakita ko si Barok, mabilis na papalapit saken sakay nung pedicab nia..

“Dward!! Uwi ka muna..!! Si nanay mo! Nawalan ng malay!!” sigaw nia..

Hindi na ko nagtanong ng detalye.. pinasibat ko ung pedicab.. Naabutan ko si nanay na nakahiga na sa papag.. Nandun ung nanay ni barok tsaka ung isa pa naming kapitbahay..

“Edward, may sakit ba tong nanay mo?” tanong ni Aling Elma (nanay ni Barok)..

“Ok nman po sya kanina pag-alis ko..” sagot ko..

“Kanina kasi, pagkagaling sa tindahan, biglang napa-upo.. umiiyak sa sakit.. nakahawak sa tagiliran..” dagdag nia..

Naku! Eto na ung kinakatakutan ko.. baka ito na ung mga symptoms ng sakit nia sa bato..

“Aling Elma, pwede po bang makisuyo? Baka pwede po kaming magpasama sa ospital.. dadalhin ko na po si nanay..” sabi ko..

“Oo naman, saglit at magbibihis ako.. babalik agad ako..” sagot nia..

Dali-dali ko ding kinuha ung perang naipon ko.. P5000.. hindi ko alam kung kakasya to sa kung anu mang magiging findings kay nanay.. Pero hindi naman ako nagkukulang sa panalangin.. Pinaparanas saken 'to ng Ama.. alam kong tutulungan din Niya ako dito..

“Mr.Castro, medio malala na po yung nangyari sa kidney ng nanay nio.. parang napabayaan na po kasi.. pero kung mada-dialysis naten, marerevive naten ung bato nia.. pero mga 3 or 4 times a month po yun..” sabi saken nung doktora..

“Magkano po kaya magagastos kada isang dialysis?” tanong ko..

“Dito po sa amin, mga around 5 to 6 thousand.. depende pa po sa mga gamot nia.. pero kung madadala nio sya sa NKTI, siguradong mas mura.. mas madali pang makakalapit sa PCSO dun kung kailangan nio”.. sagot nia…

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now