25. Sundo..

576 22 1
                                    

Mga past 12nn na nung natapos ung meeting.. Sobrang tinde nung pinagmeetingan.. Sa sobrang tinde, wala akong naintindihan.. kasi pre-occupied ako.. magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.. Eight years ko ding hinintay ang araw na to.. magkikita na kame.. after all these years, wala e.. sya pa rin talaga.. kamusta na kaya sya? I know mganda pa rin sya.. pinapakita saken ni boss ung mga pictures nia.. Lalo syang gumanda.. Sabi din ni boss, parang nagiging tomboy na daw ung anak nia.. hindi daw nagboyfriend kahit kelan.. kaso madalas puro babaeng friends nia ang kasama.. Ok lang saken yung thought na un.. at least di ba?? Alam nio na..

So ayun nga.. dumaan muna ako sa mall.. kumain... then naghanap ako nung fake na bigote tsaka fake na nunal sa department store.. hehehe.. matagal ko ng naplano to.. nung pagkasabi pa lang ni boss na ako ung pagsusunduin nia kay Bianca sa airport, naisip ko na to.. Alam ko kasing galit sya.. And baka pag namukhaan nia kung sino ung sumusundo sa kania, baka hindi siya sumakay.. magtataxi na lang un..

Eksaktong 3pm, nasa airport na ko.. Nakahilera kasama ung mga iba pang magsusundo.. pero, may nakalimutan ako.. wala akong karatula.. ung pangalan nung susunduin ko para madali niang makita ung magsusundo sa kania.. Shit! Buti na lang nakita ko ung isang magsusundo na may dalang ganun.. And buti na lang may malapit na 7-11.. so nakabili ako ng pentel pen.. tas nanghingi na lang ako ng karton.. Dyahe..!! ang pangit nung karatula.. pero ang mahalaga, meron.. alas-tres kinse na!! kailangang makabalik.. "WELCOME BIANGCA DEVERA".. hehehe.. sinadya kong maliin ung spelling para dun mafocus ung attention nia.. hindi saken..

Saktong 3:30 nga nung nagland ung plane.. buti na lang nakapag "change outfit" na ko.. Naka polo barong ako.. driver na driver ang datingan.. naka-cap.. nakashades na pang-goons.. tas may bigote at nakaka-iritang nunal sa may kanang pisngi.. medio OA ung laki nung nunal..

Then naglabasan na ung mga balik-bayan.. Hindi ako nahirapang makita sya.. Matangkad na magandang babae.. parang tumangkad pa sya lalo.. cgruo mga 5'7" or 5'8" na sya.. And nahulog na nman ang puso ko.. Lalo nga syang gumanda.. And she's sexier.. Pero sya pa rin ung dati kong minahal.. There's this innocent sweetness in her face.. Yung alam mong mabait kahit hindi mo pa sya kilala.. Then lumapit na sya saken.. nakatungo ako..

"Bianca de Vera, manong?" tanong nia na nakangiti.. natatawa siguro dun sa spelling ng name nia..

"Yis mam.. kayo po si mam Bianca Debera?" tanong ko.. pinipilit na papangitin ung accent tsaka pronunciation..

"Yes po!" sagot nia..

"Ay welkam po mam.. sunod po kayo saken" sabi ko..

Pinagbuksan ko sya ng pinto.. then we're on our way..

"manong, palakas naman po nung AC" sabi nia..

"ay sige po mam.. sa Belenswela po tayo diritsu mam.. dun daw po uuwi sina mam at sir mamaya.." sabi ko..

"Ok manong" sagot nia and she slowly doze off.. pagod siguro sa byahe.. so medio binagalan ko pagmamaneho.. ayokong magising sya..

I took that time para titigan sya sa rear view mirror.. I still can't believe im seeing her now.. Mukha pa rin syang diwata.. sya pa rin ung babaeng minahal ko.. minamahal ko.. at mamahalin ko pa rin..

Then, dahan-dahan kong tinanggal ung bigote ko.. then, tinanggal ko din ung buset na nunal.. Inayos ko ung buhok ko.." Ayos! Pogi na ulet!" sabi ko sa sarili ko..

Then bigla syang nagising.. hindi na siguro kumportable sa pwesto na..

"Manong, malayo pa po ba?" tanong nia..

"Mga 1 hour pa po.. Let's hope na wala ng traffic para mas mabilis.." sabi ko.. Medio inayos ko na yung salita ko.. Nasa may ortigas na kame..

Nagkatinginan kame sa rear view mirror.. nakakunot ung noo nia.. nagtataka siguro kasi parang biglang nagbago ung driver nia..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon