9. First Date

938 27 3
                                    

True enough, alas-3 na nga ako nakatulog.. Lam nio un, ung excitement.. anticipation.. ung plano.. actually, wala akong naplano.. bahala na bukas.. Buti na lang may naipon akong P2K.. sa totoo lang iniipon ko un para makabili either ng basketball shoes, or ng bagong cellphone.. pero wala.. eto na.. napalaban na..

Gumising ako ng 7am (Oo 4hrs lang tulog ko).. nagkape.. tas mamamasada na ko.. kailangang kumita ulet.. Buti na lang madami pa din pasahero.. by 11am, naka-P150 din ako.. ayos!.. direcho sa barber shop para magpagupit.. kailangan pogi..

Pero something's bothering me.. 12nn na, ndi pa din nagtetext si Bianca.. Ndi ko alam kung san magkikita, wat tym, or pano kami magkikita, or kung tuloy ba..

Kumakain kami ng tanghalian ni nanay nung biglang nag-ring ung telepono ko.. Si Bianca..

"Hello?".. medio kunyari cool lang ako.. ndi ako excited..

"Edward.. hindi tayo tuloy ngayon.. sorry".. sabi nia..

"(P@k$het naman!!! Sayang ung pinang-pagupit ko!!)" sigaw ng isip ko..

"ha?? Ok.. next time na lang".. nasabi ko..

"joke lang..hahaha.".. ndi nia napigil ung tawa..

"ano?? Para kang baliw." Sabi ko..

"hehehe.. 2PM, sa SM.. dun na tayo magkita" sabi nia..

"ok.. ingat ka"

"yes po.. ikaw din"..

Hung up..

"may date ka anak??" tanong ni nanay..

"nay naman.. si Lester po un.. classmate ko.".. sagot ko..

"wag mo nga akong pinaglololoko Edwardo.. kilala kita.. unless bakla ka.. Maniniwala akong ung Lester na yan ang ka date mo.. kasi kumikislap pa ung mata mo kanina nung may kausap ka".. natatawang sabi ni nanay..

Hindi ako sumagot.. naiirita ako.. actually, nahihiya ako.. hindi ko maamin kay nanay..

"basta anak, know your limitations ha.. may tiwala ako sayo".. sabi nia..

"opo nay"..

"Kilala kita.. alam kong hindi tayo mayaman.. pero pinalaki ka naming matinong tao.. mabait ka.. and kung sino man yang ide-date mo, sobrang swerte niya kung sakaling maging kayo".. dagdag pa nia..

Ngumiti na lang ako..

"teka, yan ba ung pumunta dito dati? Ung kasama nung kaklase mo?".. tanong nia..

"hindi po nay".. maiksi lang sagot ko..

"mganda un ah.. bagay kayo".. hirit pa nia..

Ndi na ko sumagot..

Ok.. alam kong abangers na kayo dun sa actual date.. pero wait.. ibibida ko muna ung get up ko..

Syempre sinuot ko ung pinaka-marangal na T-shirt ko.. Top40 na Nickelback na black.. faded jeans na madalang kong masuot.. Lumang Jack Pucell na binenta saken nung kapitbahay naming adik.. tas syempre naka-Gel ako.. para sleek and smooth ang hairdo.. so all in all, feel ko ok nman ung bihis ko.. pagitan ng baduy at japorms.. Medio rakista/bandista..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon