19. The Ballgame

645 27 0
                                    

A month has passed.. Growing strong kami ni Bianca.. Everything’s all right..

Then, dumating yung day na kami naman ung dadayo sa St.Claire.. Kumpleto kami ngayon.. matibay ang line-up namen.. kaso wala kaming practice.. kanya-kanyang laro sa lugar namen..  buti na lang, naawa samen ung school, binigyan kami ng maayos-ayos na uniform.. Pero eto malupet, kung ung varsity team ng St.Claire e naka-school  bus, kami nakatricycle.. yahaha.. commute kame.. tas nung sila dumayo samen, may dalawang cooler sila na Gatorade ang laman.. Kami may dalang isang malaking ice chest na may lamang ice tubig.. ang dumi pa nung ice chest tas may nakasulat na “Buko Juice P15 only”.. Seryoso, nakakahiya ung arrive namen.. and kung nung pumunta sila samen, kagulo ung mga estudyante namen na parang pinakawalang baboy.. nung dumating kame sa kanila, parang wala lang sa mga estudyante nila..

Syempre hinanap ko si Bianca.. And nagulat ako kasi kinalabit na nman nia ako sa likod.. tas biglang yumakap saken.. I hugged her back.. and tulala ung mga kateam ko.. hindi nman nakakapagtaka.. ang ganda kaya ng gf ko.. tas nakaporma sya kasi siya ulet nung muse ng team nila..

“Ang pogi mo ngayon.. sakto pala sayo ung shoes.. bagay sayo..” sabi ni Bianca..

“Oo nga e.. ang ganda.. ang galing mong pumili.. Actually, ayoko sanang suotin.. sayang kasi..” sabi ko..

“what?! Kung hindi yan ang sinuot mo, susuntukin talaga kita!”.. Ang cute nia talagang magbanta..
“hey, magsisimula na.. balik na ko dun.. galingan mo ha..” paalam nia.. Tas bigla syang tumingkayad ng konte.. humalik sa pisngi ko.. then she hugged me again..

Ayun, tulala ulet ung mga team mates ko..

“Huy Castro, Muse nila un dba?? Kilala mo??” si Levi, Ung centro namen.. matangkad na maputi na nakasalamin.. Labo ang tawag namen sa kania.. parang si Kogure sa Slam Dunk.. Malakas maglaro, matinding dumepensa kaso bano sa shooting.. puro malapitan lang ang kaya.. hehehe..

“Oo, pre.. friend ko un”.. sabi ko..

“Hoy Edward, un yung syota mo dba??” si Kenneth.. kasama nga pala yung dalawang kolokoy..

“tangina mo, syota mo pala e..” sabi ni Levi..

“hehe, low profile lang kame..” sabi ko..

“tibay mo talaga.. hampogeee mo!”.. sabi nia..

So ayun nga.. start na ng game.. pumarada na ung magkabilang line-ups.. Ako ung kapartner ng muse namen.. Maganda din naman ung muse namen.. matangkad na curly.. hindi ko lang maalala pangalan nia.. tas sa kabilang team, Si Bianca.. tas ung kapartner nia, hindi ko kilala.. Matangkad.. mas matangkad pa kay Levi.. tas mas malaki ung katawan.. Hindi sya kasama dun sa mga nakalaban namen dati sa school..

Ang daming nanonood.. mas malaki ung gym nila kesa samen.. actually, wala pala kaming gym.. basketball court lang talaga.. walang cover e.. Kaya namuti ung mata nina Kenneth at Lester sa dami ng mgagandang estudyante.. pati mga kateam ko, bumubula na bibig.. na-overwhelmed.. ako lang yata ung hindi tumitingin sa ibang babae.. YEEESS!!! LOYAL..

Malakas line up namen.. Centro si Levi.. Ung kambal na Blanco, Sina John at Louie ang forward.. ako ung Off Guard.. si Torio ang Point guard.. pwede to.. lalaban kami ng dikdikan neto..

Kaso nakita namen ung line up ng kalaban.. Ang tatangkad.. tsaka mas malalaki katawan samen.. delikado.. Centro nga nila ung malaking kapartner ni Bianca kanina.. Mga 6’3” ang height neto.. hanggang baba nia siguro ako.. 5’10” lang ako e..

“mga brad, home court nila to.. hindi papayag yang mga yan na mabastos sila dito.. todohan na agad ang laro nila.. so chill chill lang muna tayo.. pag napagod sila, tsaka tayo kakabayo..” sabi ko sa mini huddle namen.. acting captain ball ako ng team..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now