Chapter 5 : BLACK VIOLET GANG!

1.5K 25 0
                                    

🎈🎈🎈

* Chapter 5 : BLACK VIOLET GANG!  *

" AT KAILAN KA PA NAGING KPOP—??

🎈🎈🎈

—Natasha's POV—

DINALA nya ako sa likod ng stage pagkatapos nyang mag bigay ng maikling speech. Honestly, na gulat ako kase nga hindi ko enexpect na ang anak ng isang Mayor, ay hindi alam kung papaano mag bigay ng magandang speech. Oh, sadyang tinatamad lang talaga ang taong 'to. Biruin nyo ang sinabi nya lang ay..  "Sana nag enjoy kayo sa pa tournament ni Dad, that's it thank you sa pagpunta. Till next year." Ayon! Tapos agad. Oh diba walang ka amor-amor pakinggan? -__- Wala man lang words of encouragement or words of wisdom man lang. Anak ba talaga 'to ng Mayor ang FAKE boyfriend ko?

Oh well, hindi din ako makapaniwala na nakatanggap ako ng isang limited edition na t-shirt na may perma ni Almira, na isang sikat na online gamer streamer, cosplayer at designer. Plus na ka pagpapapicture pa ako kasama ang Team Genesis na champion sa taon nato sa Dota. Okay na sana eh! Ngunit hindi ko katabi si Genesis, kase nga masama ang titig ni Caifer sa kanya. Haaaaayyyysss!!! Kung alam mo lang Genesis na ikaw talaga ang pinunta ko dito. Pero okay lang at least naakbayan nya ako kanina. Eeeehhhhh parang ayoko nang maligo HAHAHAHAHA! Dumikit na kase ang amoy nya sa damit ko.

Ngayon nakatingin ako kay Caifer, na nakikipagusap sa dalawang organizer. Nakaupo lang kase ako sa may puting chair habang hinihintay sya. Napaisip ako. Bakit ba ang MALAS ko pag nasapaligid ko sya? Siguro dapat ay dumistansya ako sa kanya. Nakikita ko din na mukhang busy sya sa pakikipagusap. Oras na para tumakas ako tutal nasa akin ang susi ni Jaguar. Dahan-dahan akong tumayo at mabilis na naglakad doon sa maraming tao. Naki-halo ako upang di na nya ako makita. Kinuha ko naman ang phone ko at agad na tinawagan ang number ni Mama Chanel.

* Calling Mama Chanel..  "

"Hello Ma! Nasaan po kayo?" Sakto ng makalabas ako sa convention.

"Nasa-salon ako sa Greeneast Mall, bakit?"

"Pupuntahan ko kayo. Sakto lang na sa mall din ako. Magpapagupit ako." Sabi ko at naglakad ng mabilis.

"Are you sure? Diba mahal na mahal mo ang maganda mong buhok?" Gulat na tanong ni Mama Chanel.

"Basta Ma! Pupunta ako dyan. Nabasa ko kase sa status ni Genesis sa facebook na gusto nya ang babaeng may bangs na medyo light brown or golden brown ang buhok." Yay! Naisip ko tuloy ang mukha nya kanina haha! Kinikilig ako sobra! :'D

"I see, mag move on kana kase kay Genesis, Darling, may Caifer Carredo kana!"

"WHAT—???" Paano nya nalaman ang pangalan na yun??

"Nabasa ko sa lang sa ilalim ng black leather jacket nya ang pangalan. Ang galing may clothing brand sya. Sya ba ang owner Hija?" Manghang sabi pa nito sa kabilang linya. Clothing brand?? Impossible!

"It's Yaya Ritha, right? Napakapakialamera nya talaga at chismosa pa!" Inis kong sabi habang tumitingin sa paligid. Agad kong naisip yung puting Van na nangunguha ng chismosa. Bakit ba ang tagal non dumaan samin ha? Nang ipakuha ko na yung Yaya namin. -__-

"Hahahaha! Don't blame her. Ako ang nag-utos sa kanya." Sinasabi ko na nga ba eh! Sya talaga ang punot dulo.

"Caifer Carredo, po ba talaga ang nasa ilalim ng jacket Ma?" Pagdadalawang isip ko habang nasa escalator. Pa akyat kase ako sa 2nd floor.

"Nope, Caifer John A. Carredo, ang nandoon. In fairness gwapo at cute ang owner! Hahahaha" Napaisip ako bigla. Hindi ba Cai Lucifer Matthew-Carredo sya?

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now