Chapter 51 : BLACK • GOLD CELEBRATION || Finest Guest || Ending Planner (Part 2)

639 13 0
                                    

[CHAPTER 51]

* Chapter 51 : BLACK • GOLD CELEBRATION || Finest Guest || Ending Planner || Meet Luna Celestine (Part 2) *

—Luna Celestine's POV—

It's 3pm at busy ako sa paglalaro ng Candy Crush sa cellphone ni Ace, kasi naman yung phone ko di ko alam kung nasaan. -.- At ngayon ko lang nalaman na mahilig pala ito si Ace sa mind games.

Nakita ko lang naman ang mga games sa phone nya at ito po iyon.

Candy Crush
Block Puzzle
Wordscapes
Matchington Mansion

Yan ang mga games na naka-install sa phone nya pero ang pinakahinahangaan ko ay yung Matchington kasi ang laki na nang Mansion na nagawa nya! Grabe pala maglaro si Ace, ngayon ko lang na discover.

Nabobored na talaga ako kanina pa ako dito naka-upo sa harapan ng salamin. Inaayosan kasi nila ako mula sa buhok, make up sa muka, earings and jewelries na isusuot at pati gowns and dresses pa.

Hindi ko alam na ganito pala ka mabusisi ang lahat. Inaantok na talaga ako parang gusto kong pumikit saglit. Ang lamig din ng lugar aaaahhhhhh sarap matulog sobra!

Binaba ko na ang phone ni Ace, bakit kaya ang tagal nyang dumating? Nasaan na kaya 'yon?

"Happy birthday Darling!" Dinig ko mula sa gilid at tinignan ko agad ang repleksyon ng salamin and it's Mommy Silvia kasama ang apat na bodyguards nya.

Nilapitan nya agad ako at kiniss sa chick. Kinuha naman nya ang kamay ko at may pinusot sya na singsing sa gitnang daliri ko.

"Ano po ito Mom?"

"That's a gift for you from a friend of mine mula pa sa Japan. It's a Phoenix ring na may Diamond, Jade, Silver and Gold sa isang buong singsing."

"Talaga po? Kung ganon ang mahal nito?"

"Indeed Hija, it's a Phoenix Ring galing kay Lady Ayano Samejima Satoshi ang Prinsesa ng Phoenix, sila ang pinaka-makapangyarihang pamilya sa buong Mundo. And that ring symbolizes na ka alyado nila tayo. So no need to worry dahil walang ibang hinangad ako na Mommy mo kundi ang mapabuti tayo."

"Mom, thank you for everything I love you"

"I love you too Luna, mahal na mahal ko kayong dalawa ni Ace, kayo ang kayamanan ko na hindi ko ipagpapalit sa kahit ano man sa mundo" Hindi ko na natiis at niyakap ko na agad si Mommy.

"Luna be prepared dahil nandito ang Seven Constellation at kasama nila si Lady Ayano at ang combat butler nito si Lady Kyoko. Silang lahat ang haharapin mo mamaya sa Captains Suite. Siguro may paguusapan kayong importante kasi nga ni request ka pa sakin."

"Mom? It's okay haharapin ko sila ng pormal,"

"Not just in formal way Luna dapat with grace din dahil hindi sila ordinaryong VIP lang. Sila ang dahilan kung bakit angat tayo sa lahat. Sila ang dahilan kung bakit walang kumakalaban satin." Muli ay hinalikan ako ni Mom sa chick ko at umalis agad sya kasama ang bodyguards nya.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Lady Ayano Samejima Satoshi. Siguro nga wala pa akong sa mundong ginagalawan ni Mommy at kung anong koneksyon ang meron sya, ngunit masisigurado ko lang ay gagawin ko lahat para sa kanya.

* FAST-FORWARD *

It's 4pm at pa punta na ako sa Captains Suite. Kasama ko ngayon ang limang escort na inatasan ni Mommy na samahan ako sa pag harap ko sa Prinsesa ng Phoenix. Kabado man ay hindi ako magpapahalata.

Ngayon ay nag-hihintay na lang ako na ma buksan ang pinto papasok sa Suite: sobrang higpit ng security at pati mga kasama kong escort ay hiningan pa ng access card.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now