Chapter 17 : PENTAGON

806 21 2
                                    


* Chapter 17 : PENTAGON *

—Genesis's POV—

"Thank you sa pagligtas kay Natasha, Genesis." Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Na sa may reception area kase ako kumakain ng dinner kasama ang isa kong kakilala. Tumayo ako at humarap sa kanya. Seryuso ang mukha nya.

"No need to say thank you. Gagawin ko din naman yun sa ibang tao kung malalagay din sila sa ganong situation." Kita kong napa-angat sya ng tingin sakin. Kahit kailan talaga kahit noong bata pa kami ay mayabang na ang dating nya. Elementary pa kami ay ka klase ko na sya at panay ang pang bubully nya sa lahat, maliban sakin dahil kakilala ng parents ko ang parents nya.

Kapag tumitingin sya sakin ay parati na lang malamig ang tugon nito. Minsan na tatanong ko kung paano kaya pinalaki sya ng kanyang magulang? Ni wala kase itong bakas ng pagmamahal man lang sa na pinapakita sa kapwa, kaya nga laking gulat ko na magka-sila ni Jane Stella.

Balitang balita kase sa Emerald Academy noon na may girlfriend na sya. Umabot nga ito ng Sofia State University. Noong minsan nga dumalaw ako sa EA, ay nakita ko sya na masayang naglalakad sa hallway dala ang isang bouquet of Sun Flowers na ibibigay nya kay Jane Stella. Sinundan ko sya ng tingin ng hanngag sa maabot nya ito sa dalaga. Ngunit laking gulat ko ng itapon ito sa trasbin ni Jane Stella ng walang pagaalinlangan.

Sa unang pagkakataon doon ko na saksihan na ganoon pala sya ituring ng babaeng mahal nya. Nakakaawa sya. Ni hindi kayang suklian ng mahal nya ang pagmamahal nya. Naawa ako sa kanya kase buong buhay na nakilala ko sya ay siya parate ang hinahabol pero ngayon sya itong naglilimos ng atensyon, pagunawa at pagmamahal sa babaeng kahit kailan ay di man lang sya nagawang mahalin.

"Basta thank you talaga Genesis," Paguulit ito.

"No worries Caifer,"

"Ahm, pwede ba mag usap muna tayo ng tayo lang? Just give me a time?" Na pa tawa ako saglit kase ito ang unang pagkakataon na humingi sya sakin ng oras. Nakakapaninago.

"Sure," Ako at sabay na kami umalis. Nagpunta kami sa hindi mataong lugar. Humarap na ako sa kanya. I can see seryuso sya.

"For God sake, I know this is awkward to ask but I have a favor sana Genesis.. "

Napamulsa ako ng marinig 'yon. Ano kaya ang favor na sinasabi nya. Hindi ko ito inaasahan.

"May nalaman kase ako ngayon lang na nagpabago sa isip ko. Bantayan mo din si Natasha, habang wala ako," Napalaki ang mata ko sa sinabi nya. Baliw na ba sya?? Bakit ko babantayan ang girlfriend nya? E kanina lang gusto nya na akong tapusin dahil sa pagligtas ko kay Natasha.

.
.
.

—[ Author's Narration ]—

NAGKAKASIYAHAN na sana sa gabi na 'yon ng may sampung armadong kalalakihan ang bumaba sa itim na van ang nag gate crash sa party. Nakasuot ito ng itim mula ulo hanggang paa may takip pa sa mukha at tinutukan lahat ng bisita ng baril at isa-isa na pinadapa ang mga ito sa grounds. Kanya kanya ding siyasat ang mga armadonong lalake na tila ba may hinahanap silang tao. Sino nga ba ang kanilang hinahanap?

Sakto naman na nasa-rest room sina Andrea, Lauraine, Mitch, Keisha at Natasha ng mangyari yun at wala silang ka alam-alam sa nangyayari sa labas. Nagtatawanan pa ang mga ito ng may marinig na putok ng baril sina Mitch at Keisha. Parehong na alerto ang dalawa at pumatong ito sa isa sa mga cubicle para silipin kung ano ba ang nangyayari. May maliit kase na binta kung saan tanaw ang mga nanggahari sa labas.

Laking gulat nila ng makita ang kaganapan sa labas kaya agad nilang inabesuhan sina Natasha, Lauraine at Andrea na huwag lalabas dahil sa delikado. Kinuha agad ni Mitch ang cellphone nya at tinext si Ace. Si Mitch at Keisha kase ay dalawa sa kasapi ng WEB kung saan ang sinusunod nila ay si Ace Mondragon na leader ng Pentagon.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon