Chapter 36 : Change of Heart & Ace's Arrival

586 15 2
                                    


* Chapter 36 : Change of Heart & Ace's Arrival *

—Luna Celestine's POV—

HINABOL ko si Mon habang patawid sya na gulat nga sya ng makita nyang ako ang humawak sa kanya sa braso. Dinala ko naman sya sa may gilid ng daan na katapat lang ng Richwood.

"Bakit Natasha?" Pagtataka nya habang nakatingin sa may karenderya kung saan nandoon ang iba nakatingin samin.

"Hindi ko gusto ang naiisip mo. Huwag mong gawin.. " Oo seryuso ako sa sinabi ko. Kahit di ko sya boyfriend ay ayaw ko pa din sa binabalak nya. Palagay ko kase isusuko nya ang sarili nya kay Miracle.

"Pero wala ng ibang paraan." Sagot nya sakin.

"Ako ang gagawa ng paraan. Lalapit ako kay Kuya Ace, siguro oras na para humingi ako sa kanya ng tulong." Tama isa naman akong Mondragon. Tatawagan ko si Mommy, I need her help ngayon.

Bigla nag pop up sa isip ko ang sinabi ni Mommy sakin na kung kakailangin ko na sya ay isang tawag ko lang daw sa kanya ay ma susulosyonan na agad ang problema ko.

"This is a serious case Natasha, pag balak mong makialam na si Ace ay away pamilya na ang mangyayari gusto mo bang maglaban ang Presidente at ang Mommy mo?" Napaisip ako sa sinabi nya. Ayaw ko din naman na mangyari yon. Pero kung kailangan na talaga ay OO HINHINGE NA AKO NG TULONG KAY MOMMY.

"Pero wala na akong maisip na ibang paraan! Ayaw naman kitang ipaubaya sa kanya! Kahit na hindi ikaw si Caifer ayaw ko ma punta ka sa kanya.. " Sabi ko na kinalaki ng mata nya. Pansin kong huminga sya ng malalim at tsaka humarap sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Don't worry alam ko kung paano maglaro. And hindi ako mapupunta sa kanya gagamitin ko lang sya sa paraan na gusto kong mangyare. Nakalimutan mo yata na si Mon Jacob ang ka usap mo." Sagot nya sakin na kinapanatag ko. Pero ano nga ba talaga ang plano nya?

* FAST-FORWARD *

Naghintay pa din kami sa may loob ng karenderya. Dumating naman si Cross, sya kase ang naghatid kay Sofia sa bahay para makauwi ito ng ligtas baka kase may gawin pa si Miracle sa kaibigan ko.

"Ano na ang balita?" Unang bungad nya samin. Humarap naman si Keisha sa kanya at halata sa mukha nito na galit sya kay Cross. "Bakit ang sama ng tingin mo?"

"Wala," Sagot ni Keisha at umupo na ito sa tabi ni Mitch.

"Asan ba si Caifer?" Pagtatanong nga muli.

"Kinausap si Miracle." Sagot ni Cyril.

"Bakit kaya nya kakausapin ang bruha na yun?!" Napalingon ako kay Jasmine.

"Malamang may bibig sya kaya maguusap sila." Pilosopo pa ni Cyril kita kong umangat ang kilay nina Mitch, Keisha at Jasmine sa kanya. Habang sina Nica at Rhian ay napalaki ang mata.

"Sarap mong habalusin!" Gigil na tugon ni Jasmine.

"Alam kong masarap ako huwag mo ng ipagkalat." Walang ganang sagot pa nito. "Kayo limang minions ano bang ginagawa nyo dito?" Dugtong nito at kinutusan agad sya ni Keisha.

"Arrraayy naman!" Sigaw pa nito.

"Kanina ka pa ha!!!" Gigil pa ni Keisha matapos itong kutusan. Sinundan naman to ni Jasmine.

"Ano ba!" Sigaw ni Cyril sa kanila.

"Tama na nga 'yan hindi to ang tamang lugar para sa landian." Sabat pa ni Civ.

"Wow! Nagsalita ang malande na lalake." Si Keisha.

"Baby ikaw lang naman mahal ko." Si Civ at kinindatan nito si Keisha.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now