Chapter 49 : School Festival Day 3

564 17 0
                                    

* Dedicated to : Mr. Sandoval, I love you Love! *
[CHAPTER 49]

* Chapter 49 : School Festival Day 3 *

—Luna Celestine's POV—

LUMABAS na kami sa sikat na boutique ni Mrs. Ross. Sumakay na agad kami ni Ace kasama sina Rhian at Nica sa kotse nito.

"Saan naman tayo ngayon pupunta Ace?" Tanong ko habang binabaybay na namin ang highway. Pansin ko din na lumampas na kami sa boarder ng Greenville.

"Sa mansion muna tayo, Mom wants to spend some time for us Luna" saad nya at tumango naman ako. Dapat pala tawagan ko si Mama Chanel para magpaalam na hindi muna ako makakauwi ngayon. Kinuha ko na ang cellphone ko.

"Don't bother. Nagpaalam na ako sa Mama Chanel mo Luna at pati na kay Caifer; alam na nila na nasa amin ka." Direktang sabi pa nito at pinikit ang mata nya. Mukha matutulog ata si Ace.

Kung ganun alam na pala nila. Wala na pala akong dapat ipag-alala pa. Siguro naman magiging okay lang si FOR ngayon.

Tumingin naman ako sa labas ng bintana ng pansin ko na mukhang uulan ata dahil sa biglang nagdilim ang kalangitan. Mabuti na din siguro na umulan.

* FAST-FORWARD *

It's 7:15pm ng makarating na kami sa Mansion. Habang papasok ako kanina ay may nakita akong dalawang magagara na sasakyan ang naka-park sa parking area. Di lang yun may helicopter din akong nakita sa may unahan. May bisita kaya si Mommy?

Naglalakad na kami pa punta sa staircase ng sinalubong kami ni Mommy, naka-elegant LV cocktail dress ito na kulay maroon. Di lang yun may dalawang kasama din syang naka-men in black suit.

"Oh dear! Welcome home mahal kong Ace Exodus at Luna Celestine" niyakap nya kami ni Ace at ganon din kami sa kanya. "Look at you darling you look so exhausted nagpa-massage kana ba? How about foot spa? Oh! Darling you seriously need to take good care of your skin."

"Mom okay lang talaga ako—"

"Hindi sya okay Mom, look at her hair wala man lang ka alaga-alaga—"

"Ace!" Agad kong sita kasi naman pati ba naman ayos ng buhok ko pinakikialamanan.

"It's a joke" sabay peace pa nya sakin, inirapan ko nga nakakainis sya.

"Anyways my twins may business meeting pa ang Mommy nyo kaya wait lang kayo sa leisure room" tumingin sya kay "Ace kumain na kayo ni Luna alright?"

"Okay po Mom"

* FAST-FORWARD *

"Ang siba mo palang kumain kambal" gulat pa nitong sabi kasi naman kanina pa talaga akong gutom, kaya ng makita ko ang naka-handa sa dining area namin ay wala nang preno-preno pa at kumain na ako. "Baka tumaba ka nyan at di na mag kasya sayo ang gown na susuotin mo sa birthday"

* cough * cough *

Agad nyang tinap ang likod ko at binigyan ako ng tubig. Na bulunan kasi sa kakasalita nya. -.- Ako tataba ng agad-agad? No way! Kainis naman to si Ace. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Ohh wag na magalit pinagsabihan lang naman kita" aniya pa at kung may laser lang ang mata ko kagaya nang kay Superman man ay matalagal ko nang ni-liseran itong si Ace.

"Kambal gwapo ba ako?" Tanong pa nya at muntik na naman akong mabulunan. Wew!

"Bakit mo na tanong?" Sabay irap ko kasi naman hindi ko enexpect ang tanong nyang 'yon.

"Bumaba kasi ang self confidence ko sa sarili—"

"Dahil iniwan ka ni Mitch?" Nag-angat naman sya ng tingin at seryuso itong naka-titig sakin. "Ace, ang gwapo mo kaya. Minsan naiisip ko talaga na humarap ng ilang daang beses pa sa salamin kung bakit ako ang naging kakambal mo eh sa" ni lahad ko ang kamay ko at naka-gesture ito lahat sa kanya "ang bait, gwapo, saksakan ng talino at not to mention isa kang Ace Exodus Mondragon, anyone would be lucky to have you kaya cheer up ka kambal makakahanap ka din ng tao na kahit hindi mo hiling na tulungan ka o patawanin ka ay kusang lalapit ang tao na yun at hahawiin nya ang maulap mong mundo"

Pagkasabi ko non ay kita ko nanlaki ang mata ni Ace. Luhh bakit kaya? Sino kaya ang naiisip nya ng sinabi ko yun? Maya-maya pa ay napahawak sya sa ulo nya at tumawa sya sabay hawak nya sa tiyan nya. Ano bang nangyayari sa kanya? Nabaliw na ba sya? Ganyan ba ang epekto ni Mitch? Pa mental ko na kaya 'to si Ace.

"Hahahahahaha Luna thanks nga pala sa sinabi mo." Aniya pa at nakangiti na syang kumain. Halata sa kanya na masayang masaya sya. Luuhhh ano kaya ang sumapi sa kambal ko?

* FAST-FORWARD *

"Ace, ano ba ang plano nyo ni Mommy sa birthday natin?" Inaantok kong tanong habang nakahiga kaming dalawa dito sa leisure room sa may rooftop nitong mansion, na shock talaga ako kasi first time kong pumunta dito: and the place is so cozy lahat naka-bulletproof glass mula sa wall at sa roof.

Ang style din ng paligid ay naka-starrynight mula sa couch, sofa, queen-sized bed. Kitang-kita din mula dito sa kinahihigaan ko ang malawak na kalangitan, sobrang ganda wala na akong masasabi pa. Kahit siguro umulan ay di ka mababahala kasi naka-glassroof ang sarap sigurong mahiga dito gabi-gabi.

"Hindi daw pwedeng sabihin yan ang bilin nya sakin. She wants to surprise you." Malambing nyang sagot.

"Ah ganon ba. Matanong ko nga sayo Ace sino ang nakaisip nang ganitong set up dito sa leisure room? Ikaw ba o si Mom?" Pansin kong bumangon sya kaya naman bumangon na din ako. Feeling ko kasi napaka-special nang lugar nato.

[ A/N : BUSY NA PO AKO KAYA MATATAGALAN TALAGA BAGO AKO MAG UD. ]

"Siguro nga hindi muna maalala pero ang lugar nato ang favorite spot ni Dad dito sa buong mansion. He even designed this place according to your wish noong 4th birthday natin." Nanayo ang balahibo ko sa narinig ko. Si Dad ang nag design ng place nato? At.. at ako ang humiling sa kanya na gawin 'to?

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora