Chapter 50 : BLACK • GOLD CELEBRATION || H&H De Silva (Part 1)

705 18 2
                                    


* Chapter 50 : BLACK • GOLD CELEBRATION ||H&H De Silva (Part 1) *

—Luna Celestine's POV—

MATAPOS ang kasiyahan namin kagabi ay umuwi na ako sa bahay ni Mama Chanel, sakto mga 3pm ng hapon. Matagal kasi akong nagising tanghali na talaga. -.-

Binati ko naman ang apat kong aso. Hahayyys! Ano kaya ang magandang pangalan para sa inyong apat? Hmmm..

Naglakad na ako at binuksan ko na ang pinto nang makita ko si Mommy Rosette at Daddy Raymond. Sila yung kinalakihan kong mga magulang. Agad akong lumapit at nagmano sa kanilang dalawa.

"It's been awhile" saad ko at niyakap ko sila ng mahigpit. Syempre mahal na mahal ko din sila at kung di dahil sa kanila ay malamang wala na sana ako ngayon. They save me and very thankful for that.

"Nandito kana pala Natasha" pagkarinig ko sa boses na yun at agad kong hinanap kung sino at hindi ako nagkakamali! It's Kuya Alexander Luis Sabellano! OMG!!

"Kuyaaaaa!!!!!" Tumakbo ako at niyakap ko agad sya ng mahigpit. Whaah! I miss this guy so much!

"Kuya kailan ka pa dumating galing America?" Pagtatatalon ko pa sa tuwa! Whaaah! Miss na miss na miss ko na kasi sya eh! Huhuhuhu!

"Kahapon lang and sinabi na ni Mom sakin ang lahat. I never expected na sa susunod na araw birthday na nang nagiisang Luna Celestine Singson Mondragon. Im happy for you Nat— I mean Luna."

"Kuya naman eh! Pinapaiyak mo ako! Whaaah! But thank you so much Kuya Alexander. Im glad you're back."

Nagyakapan naman kaming lahat nang dumating si Mama Chanel kasama si Yaya Ritha. Tuwang-tuwa ang dalawa habang pinagmamasdan kaming apat. Kumalas naman ako at ni yaya ko silang dalawa kasi parte naman talaga sila ng pamilya Sabellano.

"Two days from now kikilalanin ka nang si Luna Celestine Singson Mondragon. Awwwe mamimiss ko na tawagin kang Natasha Alexis Sabellano. Huhuhu" Drama pa ni Yaya. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

"Yaya naman pwede mo pa din akong tawaging Natasha or Alexis. Basta wag mo lang akong e chismis kaloka ka talaga minsan eh."

Nagtawanan naman kaming lahat matapos ko yung sabihin. Minuto pa ang tinagal nang pagyayakapan namin ng pansin ko na parang may nakatingin samin mula sa labas kaya naman tinignan ko kung sino. And to my surprise it's Mommy Silvia ang tunay kong Mommy; di lang yun may mga kasama din syang bodyguards na nakapaligid sa kanya.

"Mommy" tawag ko habang papasok sya ng bahay. Kita kong nag-angat sya ng kilay at inilibot ang paningin kung saan-saan.

"So dito ka pala lumaki Luna" usad pa nya tas lumapit sya sakin "at sila din ang kinikilala mong pamilya" strikta pa nyang saad. Ngayon nagkaharap na sila ni Mommy Rosette.

"I'm Silvia Singson Mondragon, it's nice to finally meet you Mrs. Sabellano" naglahad ng kamay si Mommy kay Mommy Rosette. Kita naman sa reaksyon nito ang pagka-mangha.

"This is unbelievable. Ikaw nga si Mrs. Mondragon, such an honor to meet you" nag shake-hands pa nilang dalawa. Ako lang ba o may pagkapareho sila nang aura? -.- Pareho silang maldita.

"Hindi nga ikaw si Lady Dragon ng Empire ang kinatatakutan sa business world? Wow! This is impossible." Mangha pa ni Daddy Raymond. Bakit parang celebrity kung ituring nila si Mom?

"So makiki-insert ako sa inyo uhmm.. ano po ang ginagawa nyo dito Mommy?" Ngumiti naman si Mommy Silvia sakin at hinarap nya ako.

"Pupunta tayo ngayon sa cruise ship at isasama natin ang buong pamilya mo." O(≧▽≦)O Niyakap ko agad si Mommy. Whaah! Im so blessed to have her. "No need to bring anything else may mall sa ship and bibigyan ko sila ng VIP Access to get and order anything they want so let's go."

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now