Chapter 15 : House Party & Mixed Emotions (Part 1)

818 20 1
                                    


* Chapter 15 : House Party & Mixed Emotions (Part 1) *

—Natasha's POV—

GABI na ng makauwi ako sa bahay kasama si Caifer, inihatid nya ako. Grabe nag enjoy talaga ako sa buong araw na magkasama kami. ('∀`)♡ Walang papantay sa tuwa na nadaraman ko ngayon! Mahal siguro ako ng langit dahil inihulog nila si Caifer sakin. Yiiieeeehh!!!

"Uuwi na ako Natasha, susunduin na lang kita bukas. Tulog ka na okay? I love you." Yiiieeeeeehhhhh!!!! At hindi talaga ako magsasawa na marinig yung I love you nya hahahaha.

"Ikaw din. Ingat ka sa daan Caifer, text mo ako pagnakarating ka na. I love you too." Sabi ko at ako na ang na unang yumakap sa kanya. (' ▽`).。o♡ Aaahhhh yung feeling na pinakikinggan mo ang heartbeat nya at yung feeling na parang gusto mo na syang iuwi hahahaha

"Natasha," Sya at ayan na naman hinalikan na naman ang noo ko. How I love this man so much! Lord, ingatan mo sya palagi. Mahal ko to eh.

"Sige na, baka hinahanap ka na its late." Ako ay kumalas na. Sus!!! Alexis huwag mo na syang pa uwiin hahaha

"Natasha, I love you more.. 'yan ang huwag na huwag kakalimutan." AAAAAHHHHHHHHHHH!!!! Syeeet! Nagwawala na naman ang puso ko!! Ugghh!! *dugdug*dugdug*dugdug* Caiferrrr naman!!! Unlimited ka ba talaga magpakilig? Hahahaha

"Goodnight." Sabi ko at nag flying kiss ako sa kanya at sinalo naman nya ito. Hahaha shhoooooottttt!!!

* FAST-FORWARD *

Na sa school na ako gaya ng sinabi ni Caifer ay sinundo nya nga ako at sabay kaming pumasok. Nakita ko naman si Sofia, Lauraine at Andrea. Mukhang mag la-launch na sila kaya naman nagmadali na akong lumapit.

"Girls!" Tawag ko at mabilis silang lumingon sakin.

"Alexis," Sabi pa ni Sofia at ngumiti sya ng todo.

"Mabuti nakita mo kami after ng afternoon classes kase ay magpapa-house party daw sa house nila Sofia." Aniya pa ni Lauraine. "Invited ang C4 at ibang elites sa ibat-ibang school."

"House Party? For what?" Si Andrea na mukhang wala ding alam at sa mukha nya ay parang di nya na gustuhan ang narinig nya.

"Ahmmm uuwi kase ako ng maaga eh." Sabi ko. Nag angat naman ng tingin si Sofia.

"Girl, dapat nandoon ka. Bff's ko kayo tapos kayo pa ang wala." Sabi nya at napaisip ako. Bakit parang masama ang kutob ko sa party na sinasabi nya? Huwag naman sana.

"Hmmmm.. pagiisipan ko pa." Sabi ko na kinataas ng kilay nya. Lumapit naman sya sakin at inakbayan ako.

"You know what Alexis pag hindi ka pumunta magtatampo talaga ako sayo." Sya na naka-pout pa ang labi. Natawa naman ako dahil first time kong makita 'yon.

"Sige pupunta na ako."

"Really??? Okay I'll expect you." Tumalikod na sya. "C'mon girls mag lunch na tayo my treat."

KINAHAPUNAN after ng class ay nag chat si Sofia sa gc namin. Ang sabi nya na mga around 6PM ang start ng party. Nag thumbs up naman kami. Pa punta na sana ako sa parking area ng makasalubong ko si Ace na kasama si Andrea.

"Pupunta ka sa party?" Si Ace na para bang naningkit ang mata nya. Tinitigan ko ang mukha nya at naalala ko ang sinabi ng Lolo ni Cross na magkahawig daw kami. Pero para sakin ang layo eh, ang gwapo kaya ng taong 'to at ang pangit ko kaya kung ikumpara sa kanya. (see pictures of Kim Taehyung "V" sya si Ace Mondragon)

"Oo, pupunta ako." Tanging sagot ko sabay ayos ng bangs ko.

"Isasama ko si Ace, sya ang magiging date ko doon." Si Andrea na kinagulat ko. Halaaa!?? At kailan pa sila naging ganito ka close? Uhmm si Andrea nga pala ang pinaguusapan dito sya ang babaeng pwedeng makibagay sa kahit na sino.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant