Chapter 41 : Dragon's Wrath || Cassey's Revelation || 300 Kilometers

623 17 1
                                    


* Chapter 41 : Dragon's Wrath || Cassey's Revelation || 300 Kilometers *

—Ace's POV—

4PM check ko sa watch ko. Pinuntahan ko agad ang helicopter upang salubongin siya. Pagkakita ko sa kanya ay medyo nagtaka ako kung bakit ba ganyan ang suot nya? She's wearing a full-black suit tas naka-black heels din ito. Tapos naka-ponytail pa ang buhok na may dalang dalawang Katana. Si Mommy ba to? Ang cool nya kasing tignan di halata na may dalawang teenager syang anak. And I always knew na maldita sya pero sa dating nya ngayon e para syang leader ng isang buong Mafia.

Sunod na bumaba sa malaking helicopter ang apat sa kanyang tauhan. Matindi to dahil ang apat sa kasama nya ay mukhang ito na yung sinasabi nya sakin dati na apat na pinagkakatiwalaan nyang bodyguard. Madali akong lumapit kay Mommy.

"Exodus, hindi ko gusto ang suot mo." Aniya pa tas inayos ang blazer ko. Kahit kailan talaga sobrang maarte si Mom when it comes sa pananamit. Gusto nya kasi lage na presentable ako.

"Mommy naman," Ako at nagmano sa kanya. Pansin ko na may isang hikaw sya sa kaliwang tainga nya na gintong Phoenix: na kagaya sa nakita kong symbolo na pinakita sakin ni Alexandria doon sa Japan.

"Kamusta si Luna? Nagkita na ba kayong dalawa?" Striktang tanong nya pa sakin habang tinap nya ang ulo ko. Tinignan ko ang hawak nya na Katana; kung hindi ako nagkakamali yan ang Katana ni Dad.

"Hindi pa kami nagkita Mom mula ng bumalik ako galing Japan. Pero ayon sa source ko na kasama nya ngayon ang tatlo nyang kaibigan sa isang beach resort."

"Ganon ba. Let her be gusto ko na mag enjoy sya. Malapit na pala ang kaarawan nyong dalawa. Excited na akong maipakilala ko kayo sa buong mundo."

"Mundo talaga Mom?" Na pagting ang tainga ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Yes, Exodus. Darating ang mga bigatin kong bisita mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Kayong dalawa ni Luna ang magiging successor ko. Ako na din ang magpapahanda ng magiging venue at lahat lahat ng kakailanganin. All you need to do is wait," Salita pa nya na para bang alam na nya ang magiging kalabasan ng lahat. "Si Mr. Amrace na sa loob na ba?" Tanong pa nya at lumingon sya sa unahan kung saan tanaw ang pintuan pa punta sa silid kung saan nandoon ang Presidente.

"Nandoon na po Mommy," Pagkasagot ko sa kanya ay kinuha nya ang shade nya at sinuot ito. Okay! Siya na talaga ang mukhang Mafia.

"Kung ganon tayo na," Sabi pa nya at lumakad na ito dala ang dalawang Katana. Sumunod naman kami kasama ang apat na bodyguards nya.

Habang papalapit kami sa pintuan ay dama ko ang mabangis na aura ni Mommy. Para syang Dragon na pwedeng mag buga ng apoy anumang sandali. Ang pag hawak pa nya sa Katana ni Dad ang nagpapatunay na galit sya at gusto nya ng paghihiganti!

Masyado pa akong bata para maalala ang lahat tungkol kay Dad pero ayun sa kwento ni Mommy na si Dad ay magaling sa paghawak ng espada. Sa mansion nga may isang silid doon kung saan nandoon ang lahat ng koleksyon ni Dad na Kanata, at ang dala ngayon ni Mommy ay ang dalawa sa favorite ni Dad na ang tawag ay Dragon's Wrath.

Inunahan ko sa paglalakad si Mommy at binuksan ang bakal na pintuan para sa kanya. Nag smile naman sya sakin at nauna na itong pumasok. Pagkapasok nya ay nakasalubong nya si Alexandria na agad din naman nag bow sa harapan nya. Huminto si Mom at tinignan ang fiancee ko.

"Hindi ba ikaw si Mitch?" Tingin pa nya dito. Yumuko naman ng husto si Alexandria.

"Opo Madam," Mabilisan sagot nito na halata sa boses ang kaba.

"Ahh so ikaw pala ang fiancee ng anak kong si Exodus." Direktang sabi nito na nagpa-angat ng tingin ni Alexandria. Teka paano nya iyon nalaman? Napa-harap naman ako kay Mommy.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon