Chapter 39 : And We Fell 3000 Kilometers Apart

664 15 0
                                    


* Chapter 39 : — And We Fell 3000 Kilometers Apart —

—Caifer's POV—

"Mon Jacob, kinahihiya kong naging ka kambal kita. Paano mo nagagawang sikmurahin ang ganito? Inaagaw mo si Natasha sakin, hindi ka ba marunong mag hanap ng sayo? Akin sya at una syang naging akin bago ikaw—"

"Mali ka!" Sigaw pa ni Mon sakinna kina-lisik ng aking mata. Ako pa ngayon ang mali?! Ang kapal ng gagong 'to! Di ko alam na may ganito pa lang ugali si Mon!

"Dahil una ko syang na gustuhan kaysa sayo at mas una ko syang nakilala kaysa sayo! Una syang naging akin bago mo sya nakilala sa Richwood!" Sigaw pa nya sa harapan ko sabay turo nya sakin gamitang index finger nya. Bwesit! Ano bang pinagsasabi ng taong to? Una nyang nakilala si FOR?

Agad kumunot ang noo ko. "Ano?!" Napatingin ako kay FOR saglit.

"Anong pinagsasasabi mo Mon?" Gulat na reaksyon pa nito sa kakambal ko. See? Kahit nasi FOR ay di alam ang pinagsasabi ng Mon nato!

"Nababaliw ka na ba? Paano ka nya nagging una?" Pagtataka kong tanong kay Mon. Hindi ko talaga sya ma intindihan. Hindi ko alam kung ano din ang pumasok sa isip ko at hinila ko muli si FOR palapit sakin.

"Ano ba tama na! Nasasaktan ako!" Sigaw nya at di naman ako nakinig basta ang alam ko lang ay di ako magpapatalo kay Mon. Pansin ko na binitawan nya na ito.

"Sinasaktan mo sya," Saad pa ni Mon nakina-init ng ulo ko.

"Wala ka ng pakialam," Sabi ko kay Mon. Bigla naming bumitaw sa kin si FOR. "FOR, bakit?" Pagtataka ko sa ginawa nya.

"Siguro mag cool-off na muna tayo. Nag-iba ka na. Hindi ka na si Caifer nakilala ko. Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nag-iba? Ilang araw ka lang nawala anglaki na ng pinagbago mo. Na saan na ba ang Caifer na minahal ko?" Na pagting ang tainga ko sa sinabi nya. Bakit ako pa din naman ito ah? Wala naming nagbago sakin o sadyang naging mas maganda lang ang tingin nya kay Mon. At gusto nya ng cool-off? Ibibigay ko sa kanya total sa tingin ko yon din ang nararapat sa ngayon. Para makapag-isip na din kami.

"Cool-off? Gusto mo ba ng ganon Natasha?!" Sigaw ko sa galit at Natasha na din ang tinawag ko sa kanya. Tangina talaga! Hindi ba sya nakakaramdam na masakit din to sakin? Maiiyak na ako dapat umalis na ako ngayon di ko na kayang pigilan ang nangingilid kong luha.

"Kung 'yon ang nararapat." Saad pa niya na kina bagsak ng magkabilang balikat ko. Kita ko ding umiiyak na sya. Kaya nagkapag-desisyon na ako.. kung gusto nya talaga ang kakambal ko ako na ang mag paparaya. Masakit man pero isusuko na kita Natasha. Pero dapat maging masama ako sa paningin mo para naman kamuhian mo ako.

"Sige kung yan ang gusto mo! Dumikit ka pa kay Mon kung gusto mo." Sabiko at tinulak sya pa punta kay Mon. Kita ko sa kanya na nagulat sya sa ginawa ko. Tangina na talaga ayaw ko pa naman yung gawin. Naiyukom ko ang aking dalawang palad. "MAGSAMA KAYO MGA TAKSIL!" Sigaw ko at mabilis na akong umalis sa harapan nila.

Nagmadali akong umalis sa Peak, gamit ang motor ni Mon kasi nga nagpalit kami. Nag-speed up ako pa uwi sa bahay. Sakto naman na naka-salubong ko si Cassey sa may front door and now she's looking at me like I was an idiot.

"Caifer?" Saad nya na parang di sya sigurado kung ako ba ito o hindi. Pinahid ko naman ang mukha ko.

"The hell of you, it's me." Lakad ko sa harapan nya, wala akong time na makipag-usap sa kanya.

"Tungkol ba ito sa girlfriend mo?" Salita nya habang pa layo na ako. "Naghiwalay ba kayo-"

"Can you just shut up? Wala ako sa katinuan para ka usapin ka Cassey." Ako habang nagpatuloy sa paglalakad pa punta sa staircase naming.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now