Chapter 14 : Queen Serpent

858 21 1
                                    


* Chapter 14 : Queen Serpent *

—Natasha's POV—

PINAANDAR na ni Andrea ang kotse nya ng biglang sumulpot sa harapan si Caifer, na gulat kami dahil akala namin nakasagasa kami ng kung sino man. Lumapit sya sa may bintana kung saan ako nakaupo at pinagkakatok ito. Alam kong gusto nya akong pababain pero naiinis pa din ako. Oo, nagseselos ako at selosa ako!!!

"Hindi mo ba sya lalabasin?" Si Andrea na naaawa kay Caifer.

"Ayoko." Sabi ko tinitignan si Caifer sa labas.

"Natasha ang pride mo babaan mo. Mag usap kayong dalawa." Natahimik ako at napahinga ng malalalim tsaka binuksan ang pinto. Okay.

Pagkabukas ko ay bumaba na agad ako at walang tanong tanong ay mabilis nya akong ginawaran ng yakap na mahigpit. Ayan na naman sya maiinlove ako lalo!

"Huwag mo naman akong iwan." Bulong nya sakin habang di ako binibitawan. "And I'm sorry kung may nagawa man akong ikinagalit mo."

"I'm sorry too." Mahinang sabi ko at gumanti na ako ng yakap.

* peeeeppp!!! *

Ayan bosena pa ni Andrea. Agad akong bumitiw kahit kailan talaga panira sya ng moment hahahahaha!!!

"Caifer, uwi na tayo." Sabi ko at nag-smile naman sya.

"Sige uwi na tayo."

* FAST-FORWARD *

THURSDAY afternoon at hindi maganda ang mood ko. Ngayong araw kase ay nakita ko na magkausap ang Civ, Cyril, Cross at si Sofia sa may grounds. Mukhang may kung anong tinatanong si Sofia kase base sa pagkakita ko ay sya ang nag approach sa kanila ng una. Kinakabahan ako sa di malaman na rason. Pero I'm sure wala naman sigurong gagawin si Sofia na ikasisira naming apat. Sana nga.

Kinagabihan ay inihatid na ako ni Caifer sa bahay. Nag stay muna sya saglit at nakipag-kwentuhan ng mga kung anu-ano. Kinilig talaga ako sobra kase first time kung makita syang humalakhak ng ganon. Ang mukha nya, ang mata nya, ang ilong nya, ang pisngi nya, ang lips nya at lahat lahat nang sa kanya ay syang bagong paborito kong pagmasdan. Sana hindi sya mawala sakin. Aiissshhh!!! Ano ba 'tong pinagiisip ko hahaha!

"Natasha, I have to go. See you tomorrow." Sabi nya habang lumalabas sya ng gate. "I love you." At ngumiti sya ng malapad.

"Ingat ka and I love you too Caifer." Sagot ko at ngumisi sya ng malapad.

"Can I kiss you?" Sya na kinamula ng pisngi ko. What the?!!! Wala ba talaga syang pinipiling lugar? AAAHHHHHHHH!!!!!

"Eehhhh!!!!" Patawa kong sabi. Lumabas naman ako ng gate at humarap sa kanya. Ngayon nagkatitigan kami ng mayamaya pa ay hinila nya ako bigla at ginawaran ng halik sa labi. Bumitiw na agad sya at ngumisi ng malapad sabay sakay kay Jaguar. Habang ako ay NAKATULALA LANG AT NA SHOCK SA NANGYARI.

"I love you more Natasha." Sabi nya tsaka umalis na. HOLLLYYY!!! ANO BANG NANGYARI??? LUTANG AKO AAAAHHHHHH!!!!!

FRIDAY wala ako sa mood na makipag-usap dahil sa may dalaw ako. Oo, ka buwanan ko at hindi ako okay pag ganito dahil pa iba-iba ang mood ko. Tahimik lang ako buong araw sa klase. Sinundo naman ako ni Caifer at pati sya nagtaka kung bakit ako nakasimangot. Tinanong nya ako at sinabi ko naman ang totoo medyo na shock nga sya and after ng malaman nya yun ay nagpakabait sya. Binilhan nga nya ako ng ice cream ube flavored at ng marshmallows yung isang pack talaga at OO ANG GALING NYANG PAGPAAMO NG MAY MOOD SWINGS!!! Naging okay ako hanggang sa makauwi na muli ako sa bahay. Hindi naman sya nagtagal pa dahil daw may late dinner sila ng pamilya nya.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now