Chapter 47 : School Festival Day 1 (Part 3)

664 21 1
                                    


[CHAPTER 47]

* Chapter 47 : School Festival Day 1 (Part 3) *

—Keisha's POV—

"Anong nangyari sa binti mo Keisha?" Lapit pa nya sakin habang binibigay nya kay Isaiah ang pamunas sa mukha nya. Ngayon nasa-harapan ko na silang lahat malibang kina Lucifer at Ezekiel.

"Keisha ano nangyari sayo?" Si Isaiah at tinignan ng maigi ang binti ko. "Mukhang mababaw lang naman ang sugat pero dapat pa din na di ka gumalaw."

"Makakapag-perform ka pa ba Keisha? I think masakit yan." Pag-aalala pa ni Nimrod.

"Nasaksak po sya Boss pero hindi naman malala." Sagot pa ni Nica at pinaypayan nya muli ako. Kita ko naman na inabotan ni Rhian ng tubig ito.

"Bakit ano ba ang nangyari?" Direkta pa nya sakin at umupo sya sa tabi ko. Kita ko kay Ace ang labis na pag-aalala nya sa kalagayan ko. He's kind and gentleman kaya nga nagtagal ako sa serbesyo ko sa kanya.

Ace Exodus Singson Mondragon. Mabait sya at maaalahanin. Ngunit minsan may pagka-abnormal at kung minsan naman ay sobrang strict. Maswerte kaming lima na naging under nya kami. Ngunit ginago sya ni Mitch.

Nakatingin ako sa kanyang mga mata ngayon, bakas dito ang labis na pangamba. Bakit na gawa ni Mitch ang ganun klaseng pagtataksil kay Ace? Hindi nya deserve ang ganoon. God, knows kung gaano namin pinakaiingatan ang taong nasa-gilid ko tapos siya mismo ang gagawa ng ikakalungkot nito?

"Answer me Keisha! Who did this to you?" Muling tanong nya at nag-angat ako ng tingin kay Nica at Rhian. Girl's help me out! Sigaw ko sa isip ko pero sana nga maunawaan nila.

"Boss kailangan nyo na pong bumalik sa stage tinatawag na po kayo ni Lucifer at Ezekiel." Si Nica at tumayo naman si Ace tas napa-buntong hininga ito. Safe.

"I'll ask you the same thing after ng event nato Keisha. Let's talk." Seryusong saad niya sakin at umalis na sya kasama si Isaiah at Nimrod. Nakahinga naman ako ng maluwag. Muntik na!

Ayaw ko kaseng sabihin sa kanya kasi may tutugtug pa kami sa stage mamaya. Baka mawala sa focus si Ace pag nalaman nya na pinagtaksilan siya ng fiancee nya.

Tumabi naman sakin sila Nica at Rhian bakas sa mukha nila ang lungkot dahil sa nangyari. Paano na nga ba? Paano ko ba sasabihin kay Ace ang kasalanan ni Mitch? Mahal na mahal kasi nya 'to na halos ginawa niya 'tong mundo nya.

"Ang pagkakasala ni Mitch ay isang kahihiyan sa buong WEB. Ano na lang ang masasabi ni Mrs. Mondragon sa grupo natin? She treated us as her own daughter. She trusted us at ito ang ibabalik ni Mitch? Stupid her! She's so stupid and a big fool!" Galit na nanginginig pa na sabi ni Nica. Napahawak naman ng mahigpit si Rhian sa bottle of water nya.

"She violated the law. Dapat syang parusahan." Tingin pa ni Rhian sakin habang sinasabi nya yon. Seryuso sya. Bigla ko naman naalala ang isa sa limang batas na ginawa namin.

"Katapatan para sa pinuno ng Pentagon" salita ko at nanlumo silang dalawa "yun ang pinaka-unang batas pero binalewala ito ni Mitch"

"Pansin ko na wala si Jasmine nasaan ba sya?" Tanong pa ni Nica at tama nga sya nasaan ba si Jasmine? Hindi kaya..? Wag naman!

"Oo nga noh? Nasaan kaya sya? Pansin ko din na palagi syang wala." Salita ni Rhian at tumayo na sya sabay kuha nya ng cellphone nya.

"Tawagan mo." Ako ay tumango naman sya.

.
.
.

—Luna Celestine's POV—

Patapos na ang final song ng special performance nila FOR, kami naman nila Andrea ay panay ang palakpak sa kanilang grupo. Pero may napapasin ako kay Kuya Ace. Halata sa kanya na may bumabagabag sa kanya. Hindi na kasi ito ngumingiti, ano kaya ang problema nya?

**
"Alright! Yun po ang bandang EXODUS sa kanilang special performance! Yes! Excited na ba kayo sa first finalist natin?" Salita pa ng babaeng host na si Jennelyn Megallen.

"OOOOOHHHHHHHHH!!!!" Dinig kung sigawan sa paligid.

Tumayo naman ako at nag excuse saglit. Kailangan kung maka-usap si Kuya Ace. Bumaba na ako at mabilis na nagpunta sa may backstage. Buti na lang na nasa-VIP ako at may access kami sa backstage.

**
"Yes! Pero bago muna ang lahat gusto kung ipakilala ang anim na magiging hurado natin sa gabing 'to! Pakilala muna sila partner Silvester"

Pagkarating ko doon ay agad kong nakita si Kuya Ace na may ka usap sa cellphone nya. Tamang-tama at malayo sya sa grupo nila FOR.

**
"Salamat Jennelyn, so ang una kung ipapakilala ay walang iba kundi ang butihing Principal ng Richwood!"

"WHOOOAAAAAAAAHHHHH!!!!"

"Ace!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman sya sakin. Tumingim naman sya sa grupo nya at nang ma secured na walang naka-pansin ay mabilis sya nag punta sa puwesto ko. Nagtago naman kaming dalawa sa may malaking sound system.

"May problema ka ba Kuya?" Diretso kong tanong. Nag smile naman sya.

"I'm okay. May bumabagabag lang sakin bunso." Saad nya at napa-singhap sya tsaka inayos ang buhok nya.

"Ano naman yun? Baka may maitulong ako sayo." Saad ko at tumingin sya sakin. Bigla kung naalala na may itatanong pa nga pala ako sa kanya.

"Ahh wala naman bunso okay lang ako. Don't worry. Yan tuloy nagaalala ka pa." Ngumiti sya sakin at hinawakan ang ulo ko.

"Sure ka lang ba? Uhmm sya nga pala Kuya Ace may itatanong sana ako sayo."

"Sige ano naman yun?"

"May pinakita kasi sakin si Lauraine na picture at sa black card naka-saad doon na malapit na ang birthday mo? Hindi ko alam kuya na malapit na pala ang birthday mo! Woah! Hindi mo man lang sinabi sakin." Ngumisi naman sya ng malapad. "At ito pa Kuya nalaman ko na may kakambal ka pala? Totoo na may kakambal ka?" Sunod sunod kung tanong.

"Ah oo malapit na ang birthday ko. At tama ka may kakambal nga ako." Napahulikkip si Kuya at ngumisi ng malapad. Nakakaduda ah.

"Talaga?! Nakita ko na ba ang kakambal mo? Kasing gwapo mo ba din sya Kuya Ace?" Kung may kakambal nya si Kuya ibig sabihin kasing gwapo nya din ito at fierce! Woah!

"Nope kakaiba sya dahil maganda sya kagaya ni Mommy." Sabi nya at sumandal sya sa block. Babae ang kakambal nya? ( ° △ °)

"Eh? Babae ang kakambal mo? Na meet ko na ba sya?" Pagtatanong ko at tumuwid sya ng tayo at niyakap ako saglit tas kinurot ang pisngi ko. Ouch!

"Oo araw-araw mo syang nakikita." Maikli nyang sabi sabay ngisi pa sakin. Napaisip naman ako.

"Talaga? Saan? Hindi ko yata pansin—" Hindi ko natapos kasi tinuro nya ako.

"Kaharap mo siya palagi sa salamin Luna." Napalaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaharap ko sa salamin? Ehhh???? Sarili ko ang kaharap ko sa salamin ah Σ(⊙▽⊙")

"AKO ANG KAKAMBAL MO—HMMMP!" At tinakpan nya ang bibig ko. (O_O;) Laking-laki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na kakambal ko sya?! Ehhh??? Si Ace Exodus Mondragon na Kuya ko ay kakambal ko pala?! Sh***ttt!!! May pa Kuya-Kuya pa akong tawag sa kanya eh magkapareho lang naman pala kami ng edad!

"Totoo kakambal kita. Hindi ka ba nagtataka na pareho tayo ng edad? Hindi ka rin ba nagtatanong kung bakit may pagka-hawig tayo ng mukha? Kung naging babae ako ay siguro ganyan din ang hitsura ko." Sabay kurot nya magkabilang pisngi ko.

"Arraaayy naman! Kuya ay este Ace na pala ang itatawag ko sayo." Sabi ko at binitawan na nya ako.

"Ikaw ang bahala hahahaha" Tawang sabi pa nya at pinahinto ako saglit. "Magsisimula na." Aniya.

**
"At ang panghuling judge ay ang ating Mayor ng Greenville na walang iba na si Mr. Carredo!" Nagpalakpakan sa buong paligid halos ma bingi na ako. Dad ni FOR ang isa sa Judge.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now