Chapter 57 : Untitled

1.7K 31 8
                                    


I would like to thank you all for supporting this story! Thank you, thank you talaga ng marami! Hindi ko talaga inakala na nang dahil sa story nato ay marami akong mapapasaya at mapapaibig sa kuwento ng .

And yup, I gained friends from all over the Philippines! "Gihigugma jud tamo" sobra!

Taos puso din po akong nagpapasalamat sa walang sawa niyong paghihitay kahit na matagal ako mag update minsan. Naging busy eh kaya pasensya na talaga.

"Dating The Mayor's Son"
Author : senpaiyoora
Chapter : 1 - 57
Status : Completed (BOOK 1)

—Luna Celestine's POV—

"Ayun nakita ko na FOR!" Bulalas ko habang tinuturo sa bulletin board ang pangalan ng top student dito sa Richwood. Dama ko na inakbayan niya ako tas hinalikan pa ang ulo ko.

"Ang galing talaga ng kakambal mo noh? Biruin mo 6 months lang simula nang lumipat sya dito ay siya pa rin ang tinanghal na Valedictorian ng taon na may passing rate na 99.8% halos perfect na! Abay talagang ginalingan ni Xavi" Saad ko at tinignan ko si FOR sa tabi ko, nakapamulsa siyang tinitignan ang pangalan ng kakambal niya.

For these past months na nagdaan ay pansin ko ang biglang pagtangkad ni FOR. Naging mas guwapo din siya at kasabay noon ang pagka-busy din niya sa lahat ng gigs nila ni Ace na pang out of this country palage.

Minsan naiisip ko talaga na ang bait ko sigurong tao noong nakaraan buhay ko dahil biniyayaan ako ng panginoon nang mabait, masipag, mapagalala, matalino, guwapo at talented na boyfriend na kagaya ni FOR.

Alam kong walang perpektong taong nilikha ang Diyos, ngunit para sakin ay si Ezraell Xavi Cortes De Silva na boyfriend ko ang perpekto sa paningin ko. I love him to infinity and beyond.

Pansin ko na papatingin na sya sakin kaya naman nagiwas na ako ng tingin. Sheettt! Para nagkaka-crush yata ako sa boyfriend ko. Haha! Pwede pala 'yon? Yung boyfriend mo na tapos nagkaka-crush ka pa sa kanya?

"Matagal ko nang alam na matalino talaga yan si Mon or Xavi, mga bata pa lang kami ay siya na ang may maraming medalya ang nauuwi, tuwang-tuwa nga sila Mom at Dad sa kanya dahil sa achievements niya." Sagot pa niya sakin na may halo ng pagka-proud sa tono niya.

Nga naman, sino ba ang hindi mapa-proud pag ganyan ka talino ang kapatid mo. Siguro nang nag saboy ng katalinohan sa mundo ay gising buong magdamag si Mon or mas mabuti na tawagin kong Xavi. Siya kasi nakasalo ng lahat.

"Ay ganon ba hmmm.. so kamusta naman sila ni Yoora? Pansin ko kasi na di ko na sya nakikita dito sa school. Tapos na ba ang OJT niya FOR?" Tanong ko pa habang papaalis na kami sa harapan ng bulletin board.

"FOR, hiwalay na sila ni Yoora" aniya pa tas napahinto ako.

"Eh? Hiwalay na sila? Papayag ba si Xavi non? Eh, sa halata na mahal na mahal niya ang babae na 'yon. Hala! Bakit naman?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hindi ko alam hindi naman sinabi ni kambal ang detalye kung bakit." Si FOR at muli kami nagpatuloy sa paglalakad papasok sa campus. Napaisip naman ako nang maalala ko na naparito pala kami sa school para sa graduation ceremony.

"Ahh sayang bagay pa naman sila" ako at inayos na ang suot kong cocktail dress na kulay pula.

"Ganon talaga FOR may mga bagay na akala mo ay tinadhana na para sayo ngunit di pala" saad nya na nagpatingin ko sa kanya. Bakit parang double meaning yun?

"Anong gusto mong sabihin FOR?"

"Sabi ko na akala ko talaga noong una ay si Jane Stella na pero hindi ko inakala na sa isang Mondragon pala ako babagsak hahahaha"

"Loko ka ah, baka gusto mo pa bagsakin talaga kita FOR" -.-

"Sige ba basta sa kama" ngisi pa niya at siniko ko agad sya.

"Aray naman FOR!" Himas pa niya sa tiyan niya. Kahit kailan talaga ay lumalabas pa din ang pagkalokoloko ng boyfriend kong 'to.

"Buti nga! Busseett naman oh! Ay ewan ko sayo" erap ko at di ko siya pinansin pa.

"Biro lang naman halika ka nga" ngumisi na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pagkarating namin sa entrace ng malaking event center dito sa loob ng Richwood ay nakita ko agad si Ace na kasama sila Keisha, Rhian, Jasmine na naka-cocktail dress at bitbit ang toga nila.

"Can't wait na grumaduate ang kambal ko." Pahayag pa ni Ace sakin at niyakap ako. Kahit kailan talaga napaka-supportive niya sakin.

"Thank you sa pagdating dito Ace," bulong ko at gumanti naman ako sa pagkakayakap niya.

"Para sayo naman willing akong mag cancel ng appointments" napangiti ako sa sinabi niya at kumalas na sa pagkakayap.

"Thank you talaga!" Saad ko at hinawakan ang kamay niya.

"Pumasok na tayo magsisimula na ang ceremony" saad pa ni Keisha at pumasok na nga kami maliban kay Ace.

Naalala ko bigla na tapos na pala siyang mag highschool at finake lang niya ang pag eenroll dito sa Richwood upang mapalapit sakin. Siya na talaga ang pinaka-sweet na kapatid sa buong mundo.

Sabay kong naglakad si FOR sa carpeted na daan at pagdating nga sa may dulo ay naghiwalay na kami kasi nga iba ang section niya at section ko.

Umupo naman ako katabi ni Honey Claire. Inilibot ko ang aking paningin sa buong event center, lahat ay nababalutan ng kulay maroon at ang ganda din ng pagkaka-set up ng stage may samut-sari itong mga bulalak na siyang nagpapabango sa buong paligid.

Mula sa kinauupoan ko ay nakita ko si Xavi na kausap ang School Principal at ibang mga guro. Gaya ni FOR ay tumangkad din ito at naging mas gwapo. Well, magkamukha naman sila pero alam ng puso ko kung sino talaga ang taong kinikilala nito.

Maraming nagsasabi na naging strict daw si Xavi at hindi na daw ito ngumingiti. Siguro nga dala iyon ng emosyon niya sa paghihiwalay nila ni Yoora. Naiintindihan ko naman siya ngunit ang laki talaga ng pinagbago niya ni hindi na ito ngumiti pa kahit kailan.

Sabi nga nila kung sino ang nag-iwan ng sugat sa puso mo ay siya lang din ang makapagpapahilom nito.

"Please stand up for the opening prayer"

Dinig ko na sabi ng taga-council. Tumayo naman kami lahat at napatingin ako kay FOR na nakatingin din pala sakin. Nag smile siya at gayun din ako sa kanya.

"Our Father, God, how wonderful are the works of Your hands. As we gather here today to celebrate a step forward into new places with new people and new experiences, let us not forget the blessings that follow behind us.."

Pikit mata akong nakinig at inalala ang unang pag-apak ko sa paaralan nato. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat hanggang sa huli.

Napamahal na ako ng husto sa pangalawang tahanan ko kung saan na akala ko noong una ay magiging boring lang ang paglipat ko dito. Ngunit iba pala talaga ang plano sakin ng panginoon.

Dahil sa paaralan nato, dito ko natagpuan ang ibang mga kaibigan ko na kagaya nila Honey Claire, Emierose, Nemuelle at iba pa. Sa school din na ito natagpuan ko ang taong pinakaiingatan ko na si Cai Lucifer na ngayon ay si Ezraell Xavi.

Nang dahil din sa school nato at sa pag-invite sakin ni FOR sa bahay nila ay nakilala ko si Ace Exodus na kinalaunan ay siya palang kapatid ko.

Nakilala ko din ang tunay na parents ko at mas lumaki din ang pamilya na kinikilala ko.. from Sabellano to Mondragon. Thank you talaga Dear God, sa lahat-lahat.

Dinilat ko na ang akin mata at napangiti na lang ako dahil sa galak. Tunay ngang hindi ka pababayaan ng maykapal bastat bay manalig ka lang sa kanya dahil lahat ng decision niya ay para din sa ikakabuti mo.

Sa una ay hindi mo ito magugustuhan kasi nga mas gusto mo na naka-permi ka lang sa kinalalagyan mo dahil nga sa iyon na ang nakasanayan mo. Pero mali ang ganon na mind set kaya sa susunod ay ipagpanalangin ko na lang kung anuman ang maging kahihinatnan sa susunod.

"Please remain standing for the national anthem"

Nilagay ko na ang kanang kamay ko sa aking dibdib at taas noo na tinignan ang watawat ng Pilipinas.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now