Chapter 27 : LANDOWNERS & CHERRY BLOSSOM

631 15 0
                                    


* Chapter 27 : LANDOWNERS & CHERRY BLOSSOM *

—Luna Celestine's POV—

Na sa bahay ako ngayon ng tatlong bata na tinulongan ko kanina. Magkakapatid pala sila. Ang panganay ay si Jake sunod ay si Ivan at ang babae na bunso ay si Mikaela. Hindi kase sila makauwi kase daw ni nakaw ang kanilang bike na naka-park sa may malaking puno. Medyo takot din sila maglakad kase nya gumagabi na at walong kilometro pa ang layo sa kanila, kaya ang ginawa ko ay inangkas ko silang tatlo sa motor at heto nga na sa bahay nila ako ngayon.

Na punta kase sila sa lugar na yun para pumitas ng manga at ibinta. Gusto kase nilang tumulong sa mga magulang nila.

"Ate Alexis, baka hinahanap ka na sa inyo," Lapit pa ni Mikaela sakin katatapos lang kase nyang maligo.

"It's okay wala namang maghahanap sakin dun. Wala ngang may kailangan sakin maliban sa boyfriend ko." Naisip ko si Caifer alam kong nagaalala na yun pero hindi na muna ako uuwi kase nga nagtatampo ako. : (

"May boyfriend po kayo? Gwapo ba sya ate?" Pagtatanong pa nya sakin. Naku kung alam mo lang na sobrang gwapo non ang dami ko ngang ni lampaso bago ko naging tahimik ang realasyon namin. -.- Bigla kung naalala ang mukha ni Stella at Candice.

"Maam Alexis, kumain na po tayo." Sabi ng Mama nila Mikaela. Tumayo naman ako at lumapit sa maliit na mesa nila.

"Huwag nyo na po akong tawaging Maam. Alexis na lang po hindi ako kumportable sa ganon. Haha" Sabi ko at ngumiti naman sila.

"Kung ganon Alexis, kumain na tayo." Sabi naman ng Papa nila Mikaela. Medyo matanda na ito. Umupo naman kami.

"Ate kumakain ka ba ng tuyo at mga sari-saring gulay?" Tanong pa ni Ivan. Natawa naman ako.

"Haha oo, naman! Hindi naman ako ma arte." Sagot ko.

"Kase ate may kapit-bahay kami na palagi akong inaaway kase po mahirap lang daw kami at palaging ganito ang ulam namin." Turo pa nya sa tuyo. Eh ang sarap kaya ng tuyo.

"Paano ka ba inaaway?" Tanong ko at ako na ang tumayo at kumuha sa kaldero ng kanin. Ako na din ang naghain sa kanina.

"Pinag sasabihan po kami na wala kaming karapatan na manirahan dito baryo dahil daw mahirap kami at palagi tuyo ang ulam namin. Naiiyak po ako ate dahil sumasali din yung Nanay nya at ate nyang masungit at minsan inaaway si Mama at Papa ng walang dahilan." Sumbong pa nya sakin. Tumaas naman ang kilay ko.

"Ganon ba? Don't worry pagsasabihan ko ang mga yan bukas." Sabi ko at kumuha ng isang tuyo at ni lagay sa plato ko.

"Naku Alexis, huwag mo na silang patulan dahil baka mapaano ka pa." Sabi ni Nay Lourdes. Ang sabi kase nya kanina ay pwede ko syang tawaging Nanay.

"Oo nga Alexis, ayaw namin na madamay ka pa dahil bisita ka namin." Sabi naman ng padre de pamilya nila.

"Don't worry Nay at Tay, ako ang bahala. Pag ginulo kayo bukas ay ako ang makakalaban nila." Sabi ko at natahimik naman sila.

Kumain na kami at nag kwentuhan tungkol sa lugar nila. And after kumain ay tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan tas ng matapos na ay nag hilamos na ako at tumulong sa pagbabanig. Maliit lang bahay at tabitabi sila kung matulog kung tutuosin ay kaseng laki lang kuwarto ko ang bahay nila. Naawa ako dahil sa sitwasyon nila. Ang swerte ko pala dahil may kaya ang pamilya ko at naisip ko din na isa nga pala akong Mondragon na sobrang yaman din. Ang unfair talaga ng buhay.

Humiga na ako sa may dulo tas katabi ko naman si Mikaela. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagiisip ko nakatulog na pala ako.

* FAST-FORWARD *

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora