Chapter 28 : Waterfalls and Tears of Happiness

757 15 0
                                    


* Chapter 28 : Waterfalls and Tears of Happiness *

—[ Author's Narration ]—

NABALITAAN NI MRS. SILVIA S. MONDRAGON ang nangyari pambubugbog kay Luna sa baryo ng Gemarina, nag sumbong kase si Ace at sabi na hindi nya iyon magalaw ang baryo dahil nangako sya kay Luna. Kaya naman ang Mommy na nila ang gumawa ng paraan at dali-daling inutusan nito ang tapat nyang butler na si Mr. Loki, na ipa-demolished ang buong baryo maliban sa pamiya nila Nanay Lourdes na ilipat na sa syudad at pabibilhan ng isang buong bahay at bigyan ng marangal na trabaho.

Kaya kinabukasan din pagsapit ng haring araw ay nagpadala ng mahigit dalawang daan na taga-demolition team doon sa nasabing lugar. Labis na nagulat ang mga tao sa maliit na baryo na iyon dahil ang akala nila ay okay na pero hindi pa pala. Samut-saring reaksyon ang nararamdaman ng mga taga doon. May iba ay napaluha na lang habang sinisira ng demolition team ang kabahayan nila. Ang iba ay nakipag-laban pa ngunit ng maglabas na ng baril ang mga taga-SWAT ay hindi na ito naka-palag pa.

Sinisisi naman ng mga taga roon ang Kapitan at ang kanyang asawa sa biglaang pagpapaalis ng mga Mondragon sa kanina.

Samantala, nagising na si Caifer sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Unang hinanap nya ay si Alexis at hindi naman sya na bigo dahil na sa tabi lang nya ito natutulog. Nakita din nya na naka-upo sa unahan si Ace at nakatingin sa kanya.

"Anong nangyari kahapon? Bakit kayo magkasama at bakit naka-bandage ang kaliwat kanang, braso't kamay ni Natasha?" Agarang pagtatanong ni Caifer. Tumayo naman si Ace at kinuha ang cellphone nya sa bulsa.

"Sabihin na lang natin na, lumayas sya at may nakasalubong na tatlong bata tas tinulongan nya sa daan. Sumama sya sa kanila at doon nagpalipas ng gabi. Kinabukasan din ay napaaway sya dahil maraming bully sa baryo na napuntahan nya at kinalaban nya ang mga ito.. dumating naman ako dahil nga nagkataon na binibisita ko ang lupain namin sa baryo na yun at.. alam mo na ang mga sumusunod." Pagkukwento pa ni Ace at binuksan na ang pinto tsaka walang sabi-sabi na lumabas.

.
.
.

—Ace's POV—

Lumabas ako ng bahay at sinama si Mitch at Keisha. Sinagot ko na din ang tawag ni Mommy kaninang madaling araw doon malapit sa sasakyan ko naandoon kase ang signal booster para magka-signal ako dahil nya sobrang hina dito sa probinsya.

Ang sabi ni Mom ay ipapalinis na nya ang baryo at buburahin na daw nya ito sa mapa. Si Mommy talaga napaka-strict hindi talaga sya marunong maawa. Oo nga naman saan pa nga ba ako nagmana kundi sa kanya. Isa kaming Mondragon, wala kaming kinatatakutan dahil kami ang batas.

"Mitch, yung pinapautos ko sayo kahapon ano na ang balita?" Tanong sa kanya.

"Medyo mahina ang signal booster natin dito Ace pero nakuha ko naman ang impormasyon at nandito na lahat sa phone ko ang buong detalye. Pakibasa na lang." Sabi nya at binigay ang cellphone nya sakin.

"Exodus Mondragon," Napahinto ako tas nilingon kung sino ang tumawag sakin. It's him Mon Jacob Matthew-Carredo. "Can we talk?" Pagkasabi nya non ay sumenyas naman ako at pinaalis sina Mitch at Keisha.

"Ngayon tayo na lang dalawa. Anong paguusapan natin Mon Jacob." Salita ko dahil alam kong dilikado ang tao nato. Ang alam ko kabilang sya sa KNIGHTS pero di ko sya namumukhaan dati dahil palagi syang may suot na black face mask at palagi din itong nakasalamin kapag nag memeeting ang grupo. Masyado din syang tahimik at tila nakikinig lang sa mga usapin. And I learned from my Mom na pag may nakilala ka ganitong klaseng tao ay mag-ingat dapat dahil lubha silang mapanganib.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now