Chapter 18 : THOU SHALT NOT KILL

760 18 0
                                    


* Chapter 18 : THOU SHALT NOT KILL *

[A/N : Warning! Scenarios you in counter might be inappropriate for young readers. Parental guidance is a— ge basahin nyo bahala kayo. Haha!]

—Caifer's POV—

PINABABA na nila kami sa van tas pinalakad ng kaunti. Wala pa din akong makita. Nasaan kaya kami?

"Bakit kulang kayo ng isa?" Dinig kong paguusap nila. Boses yun ni Christian. Sinasabi ko na nga ba. Ano bang sadya nila samin??

"Na baril sya Chris,"

"MGA WALANG SILBI! Kinuha nyo sana sya!"

"Pasensya na.. "

"Tss! Sige na dalhin na sila sa loob.... Oh saglit lang.. Lucifer kasama ka pala?"

"Subukan mong hawakan ako Christian, aapakan ko 'yang mukha mo mamaya."

"Aba! Ang lakas ng loob mo ha? Bakit sa tingin mo ba pupuntahan ka nila Exodus?" Matapos sabihin ay tinulak nya ako. Tsss..

"Tanggalan mo ako ng tali, makikita mo ang hinahanap mo Christian."

"At bakit naman? Alam ko ang kakayahan mo.. " sabay hawak nya sa kaliwang braso ko. "Wait ka lang bugbog aabutin mo mamaya."

"Siguraduhin mo lang kundi wasak ang mukha mo sa oras na makawala ako.. "

"SIGE NA!! DALHIN ANG DALAWANG TO SA BODEGA. TAWAGAN DIN SI MR. GO, IPAPATUBOS NATIN SI GENESIS."

Ipapatubos nila si Genesis? Kidnaper na pala ang grupo nila Christian ngayon? Hindi ko 'to inaasahan ah. Tinulak nila ako hanggang sa maramdaman ko na lang na pinasok nila ako sa isang silid. Kainis wala akong makita. Sana man lang inalis nila itong nasa-mata ko. Anong lugar kaya 'tong pinagdalhan nila samin?

"Caifer? Nandyan ka ba?" Dinig kong tanong ni Genesis.

"Oo," sagot ko at umupo na ako sa sahig.

"Akala ko ako lang magisa." Sya at ramdam kong lumalapit sya. Si Genesis halata sa boses nya na takot sya sa possibleng mangyari. Tss.. nahahalata tuloy na mabait syang tao. Di gaya ko. Normal na sakin ang ganitong sitwasyon. Sa tantsa ko mahigit limang beses na akong na kidnap at na ligtas ng grupo ni Ace.

"Sa tingin ko makakalaya ka mamaya pag nag bigay ng ransom money ang pamilya mo." Iyon na ang nasabi ko para gumaan din ang loob nya.

"Pagnakalaya ako hihingi ako ng tulong para maligtas ka."

"No need. Kaya ko ang sarili ko."

"Caifer, isipin mo naghihintay si Natasha sayo.. "

Pagkasabi nya non na tigil ako. Oo nga pala si FOR, sana okay lang sya. Pero I'm sure okay sya dahil kasama nya naman sina Mitch at Keisha mga bigating assassin yun. Hindi nila pababayaan ang girlfriend ko.

Dapat makalabas na ako dito para ma sundo ko mamaya si FOR, dahil 'yun ang naipangako ko. I'm sure nagaalala 'yon dahil di ko sya na hatid pa uwi.

"Caifer, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ka kanina? Aalis ka ba?"

"Tsaka ko na sasagutin ang tanong mo Genesis, hahanap ako ng paraan para ma ka alis tayo dito." Kailangan kong makauwi sa kanya.. kay FOR.

***

—Ace's POV—

MATULIN ang takbo namin lahat habang binabaybay ang kahabaan ng highway pa punta sa Demorts City, bayan yun na kasunod ng Knoxville, malayo-layo din 'yun pero madali lang puntahan sa ganitomg oras kase it's already 1:38AM at wala na masyadong mga sasakyan ang kasabayan namin sa daan.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now