Chapter 6 : Marriage and The Lead Guitarist of EXODUS

1.3K 21 1
                                    


[!] Author's Revelation [!] — Thank you so much everyone who came here to read the latest updates. But before you proceed mind if I can have your attention first, I would like to introduce my friend of mine the REAL, Mr. Caifer John A. Carredo!!! *confetti * *confetti* Yeah he existed. Add him on facebook Caifer Carredo and be nice to this multi talented kidddooo. Mabait po sya hindi sya nangangagat. Swearrr! HAHA

🎈🎈🎈

* Chapter 6 : Marriage and The Lead Guitarist of EXODUS *

🎈🎈🎈

—Genesis's POV—

KAGAGALING lang namin ng Team ko sa Office of the Principal, para iparating ang pasasalamat namin dahil sa pagpayag ng school na sumali ang grupo namin sa Mayor's Cup Tournament. Ako ang leader ng grupo at ako na din ang tumayo na Team Captain. Natuwa ako sa resulta kahapon pero hindi mawala sa isipan ko ang pagdating nya sa stage.. ang pagdating ng bunsong anak ni Mayor. Si Cai Lucifer Matthew-Carredo. Dinig ko sa mga sabi-sabi na bully ito ng Emerald Academy, dati at ngayon ni lipat na sa Richwood dahil sa na sangkot ito at ang kanyang grupo na sa isang malaking away.

May nakapagsabi din na isa ito sa limang leader ng isang malaking grupo na kung tawagin ay "PENTAGON" na hawak ng isang private group. Ang pentagon ay binubuo ng limang magagaling na skilled fighter kung saan ang unang leader ay walang iba kundi si Ace Exodus S. Mondragon na anak ni Mrs. Silvia Singson Mondragon, na owner ng limang naglalakihang kompanya at may malawak na tatlong Hacienda sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. Kilala din si Ace Exodus dahil sa kanya nakapangalan ang sikat na banda na EXODUS, kung saan isa din syang Bassist at Vocalist.

Pangalawa naman si Ezekiel Salvador. Ang alam ko ay kasama din sya sa banda bilang drummer. Pumangatlo naman si Jess Isaiah Gomez sa Keyboard at si Nimrod Morimoto na rhythm guitarist. Silang apat lang ang kilala ko at kung totoo man na kasali si Cai Lucifer or Caifer ay malamang magpapakita sya mamaya bilang kasama sila. If tama ang hinala ko ang kulang sa banda ay ang lead guitarist sya na kaya? Malalaman ko din ni request kasi ang bandang Exodus ng School Principal na mag perform sa school ngayong araw.

Nagtataka nga din ako kung paano napapayag ang isang Ace Exodus Mondragon na mag perform ng libre.. e samantala sa iba eh kahit mag bigay pa ng TF na malaki ang mag e invite sa kanila ay tinatanggihan pa nila ito.

"Genesis, tawag tayo ni Moon."

"Si Nectar Moon Traverser na isa sa kambal? Bakit daw?" Moon or Ice, kase ang palayaw ng tao yun at sya din ang President ng Supreme Student Council. Bakit kaya kami pinatatawag?

"Dito tayo dumaan Genesis para mas madali." Turo pa Leon at naglakad kami sa gitna ng campus square hanggang sa makarating nga kami sa office nya.

.
.
.
.

"I heard nanalo ang team nyo Genesis. Congratulations!" Normal na sabi nya na walang ka emosyon-emosyon tas naglahad ito ng kamay. Inabot ko ito at nakipag-shakehands sa kanya.

"Thank you." Yun lang ang nasabi ko at kumalas na sya.

"Well, pinatawag ko kayo para ibigay to sa inyo." Nag-abot sya ng itim na sobre. Kinuha ko at binuksan to. Its a cheque na worth of two hundred thousand, mas malaki pa kaysa natanggap namin sa Mayor's Cup.

"Para saan 'to?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Binigay 'yan ng Lolo ko to encourage your team na magpatuloy pa kayo." Agad kong naalala na ang Lolo pala nya ay may malaking shares dito sa school at hindi lang yun General pa. "Sinabi kase ni Sun, na nanalo kayo kaya gift nya 'yan sa inyo. Just accept it. Magagalit si Lolo pag tinanggihan nyo."

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now