Chapter 40 : Luna the Bully & Mr. Amrace meets The Mondragon

655 14 0
                                    


* Chapter 40 : Luna the Bully & Mr. Amrace meets The Mondragon *

—Mon Jacob's POV—

KINALADKAD ko si Cassey pa punta sa rooftop ng bahay namin. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap sya. Naiisip ko pa lang yung nakita ko kanina habang pinapanood namin ang cctv footage ay parang gusto ko na syang itulak sa rooftop na 'to.

"Ano ba Mon!" Sigaw pa nya at sinampa ko sya sa terrace ng rooftop. "Ouch ano ba?!" Ayos pa nya sa nakalugay nyang buhok.

Binitawan ko na sya at sinamaan ko sya ng tingin. "Ngayon mag uusap tayo," Giit ko sa kanya.

"Wala tayong dapat pagusapan, nakita mo na kanina na ako talaga ang may gawa. Ano masaya ka na na sinampal at inalisan ako ng karapatan ni Dad sa lahat ng ari-arian sa pamilya nato?!" Sigaw pa nya kinuha ang lighter sa kanyang bulsa.

"Kasalanan mo kung bakit ka nagka-ganyan. Ikaw ang may gawa nyan sa sarili mo. Bakit ba ang laki ng galit mo sakin?" pa crossarms kong tanong. Ngumisi naman sya.

"Dahil hindi ko matanggap na ikaw lang ang napapansin parati nila Mom at Dad, "Salita nya at umiyak na sya. Sabay tapon sa lighter sa malayo. "Si Mon na matalino, si Mon na mabait, si Mon na masyadong mahal ang kakambal nya at si Mon na favorite ni Dad!" Singhal pa nya at kinuha ang isang packed ng sigarelyo. Binato nya to sakin.

"Favorite ako ni Dad?" Medyo na gulat ako sa huli nyang sinabi.

"Oo, kahit na pinalayas kana sa bahay nato dati ay ikaw pa din ang iniisip nila Mommy at Daddy, ang pagkawala mo ay naging isang masamang bangungot sa kanila. Hindi man nila gusto na palayasin ka pero ginawa pa din nila dahil iyon lang ang paraan para maligtas ka," Pinahid nya ang luha sa mata nya. "Dahil pag hindi ka umalis noong panahon na yun ay malamang na abotan ka ni Uncle at sya ang magpapahirap sayo."

Napakunot ako ng noo. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Diba kilala mo si Uncle Hedrick Matthew-Carredo na kapatid ni Dad?"

"Diba Mayor sya ng Knoxville? At ano naman ngayon?"

"Si Uncle kasi ang na atasan ng pamilya Mondragon na imbestigahan si Lolo kasi naniniwala sya na may alam si Lolo sa pagkamatay ng Dad ni Ace. Dahil sa pamilyang Mondragon kaya naging Mayor si Uncle Hedrick, kaya malaki ang utang na loob nya sa pamilya na yun," Paliwanag pa nya.

"Kaya ba galit si Uncle sakin dahil pinatay ko si Lolo na ikaw naman talaga ang may gawa? Kung ganun haharapin ko si Uncle bukas at maguusap kami. Lilinisin ko ang pangalan ko kaya mag impake kana doon kana sa Singaporean mong boyfriend—"

"Paano mo nalaman?!" Agad nya akong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hindi ba kaya ka wala palage pag gabi ay dahil sa negosyo nyo na party drugs? Hindi mo ba alam na pag na huli ka ay madadamay ang pamilya natin sa kahihiyan! Iisipin ng lahat na ang ka isa-isang anak na babae ng Mayor ay naka-drugs. Tabloid yun"

"Mon Jacob! Hindi ka dapat nangingialam!" Sigaw at tulak nya sakin. Napa-atras naman ako.

"Bakit Cassey, gumagamit ka din ba?" Kita kong tumahimik sya. Totoo nga kaya pala mukha syang sabog ngayon. Kumapit naman sya terrace at tumingin sakin.

"Mon, huwag mong sabihin kina Daddy at Mommy ang nalaman mo. Ayaw kong ipa-rehab nila ako. Hindi ako baliw Mon, na pasama lang ako sa barkada."

"Bad influence ang barkada mo at sasabihin ko pa din kina Mom at Dad para mailigtas ka Cassey,"

"Mon," Untag pa nya.

"Ayaw ko na may ate akong naka-drugs. Hindi sa kinahihiya kita pero dapat alam mo na ang tama sa mali. Mas matanda ka bunso kami ni Caifer dapat sana ikaw ang nag p-protekta samin, hindi yung ikaw pa mismo ang nag-didiin samin. Galit man kami sayo ngayon pero kinabukasan nyan mawawala din yun dahil kadugo ka namin at mahal ka namin. Sana mag bago ka na," Pagkasabi ko nun ay napayakap syansa sarili nya.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum