Chapter 19 : HIS ABSENCE & HER SADNESS

698 21 0
                                    


[A/N: Thank you so much sa 500+ na supporta! Muaaahhhhh!]

[CHAPTER 19]

* Chapter 19 : HIS ABSENCE & HER SADNESS *

—Mitch's POV—

NI LABAS na namin si Caifer mula sa gusali. Sakto naman na dumating ang isang malaking helicopter na may kasamang paramedics. Kinuha nila si Caifer at nilagay sa stretcher at sinakay na sa helicopter. Sumama kaming dalawa ni Keisha habang si Ace ay nakatayo lang sa harapan namin. Kaya ang ginawa ko ay bumaba muli ako at hinigit ko sya pasakay.

Kinakabahan ako para kay Ace, dahil simula ng makita nyang ganon ang kalagayan ni Caifer ay hindi na sya nagsalita pa. Nakatitig lang sya at ang dalawang masigla nyang mata ay nabalot bigla ng kadiliman. Ganon ang mga mata nya ng una syang pumatay ng tao 5 years ago.

"Magiging okay si Caifer, " sabi ko at niyakap ko sya.

"Si Luna, magagalit sakin si Luna.. " napakalas ako agad sa pagkakayakap sa kanya. Sino si Luna??

"Sino si Luna?" Kabado kong tanong. Pinaupo ko naman sya at tumabi ako sa kanya. Ngayon pareho kaming nakaharap sa stretcher na sa kabilang side naman si Keisha kasama si Sun, isa din sa WEB.

"Ang kapatid ko." Pagkasabi nya ay nagsimula ng mag start ang engine ng helicopter. "Si Luna Celestine na walang iba kundi si Natasha Alexis.. ang nawawala kong kapatid."

Na pa buka ako ng bibig sa nalaman ko. Matagal ko ng alam na may kapatid na babae si Ace pero ang sabi nya ay nawala daw ito. Kung ganon si Alexis ang nawawala nyang kapatid paano nya ito na hanap? At alam na ba ito ni Alexis na isa syang Mondragon?

Napatingin ako kay Caifer, na ngayon ay nilalagyan ng oxygen tube. Now I know kung bakit ganon na lang ka desperado si Ace na maligtas ito dahil mahal ito ng kapatid nya. At pagmahal ito ng kapatid nya ay p-protektahan din nya ito dahil alam nya na ito ang kaligayan ni Alexis.

Muli ay niyakap ko si Ace. "Ssshhhh.. magiging okay si Caifer,"

* FAST-FORWARD *

Pagkababa ng helicopter sa helipad ay nagmadali na ang lahat na bumaba at mabilis na dinala si Caifer sa ER (emergency room) ang sabi ay ooperahan daw sya para tanggalin ang bala sa right chest nya bumaon kase ito.

Na sa labas kami ng ER ng mag ring ang cellphone ni Ace na hawak nya pero mukhang di nya ito narinig dahil tulala pa din sya. Kinuha ko naman ito sa kanya at ako na ang sumagot.

"Hello?"

"Ace Mondragon, si Allister to kuya ni Caifer, nakita mo ba sya?" Pagkarinig ko ay tinignan ko ang relos ko. 3:15 na pala ng madaling araw.

"Ahmm, hindi ito si Ace, si Mitch to kaibigan nya.. "

"Ahh sorry, hey Mitch pakitanung naman kung nakita ba ni Ace si Cai? Worried na ang parents namin—"

"Na sa private hospital kami sa may Greenfield Hospital—"

"Sinong na ospital?!"

"Si Caifer—" hindi ko na tapos.

* beep * beep * beep *

Binabaan nya ako, ni lingon ko si Ace. Tulala pa din sya. Hindi nato normal kailangan nyang bumalik sa katinuan. Lumapit ako sa kanya. Nakaupo lang kase sya sa sahig sa labas ng ER. Kunuha ko ang dalwang kamay at pinatayo sya. Nanginginig ang parehong kamay nya.

"Ace, "

"Wala akong kwenta.. m-magagalit sakin si Luna—"

* I kiss him.. *

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now