Chapter 24 : PROBINSYANA

747 23 0
                                    


* Chapter 24 : PROBINSYANA *

—Lauraine's POV—

HINDI KO ALAM kung saan kami dadalhin ni Andrea. Basta bay sumama na lang kami sa kanya. Today is Saturday and it's 5AM in the morning. Its been 3 hours na din kaming nag b-byahe. Nakasakay kaming apat sa Toyota Futuner nila habang si Tito Stephan ni Andrea ang nagmamaneho.

Lumigon ako sa likuran ko. Tulog si Sofia at Alexis habang si Andrea ay busy sa pagkalikot ng phone nya.

"Andrea matagal pa ba tayo?" Tanong ko habang tinitignan sya.

"Malapit na," Ayan na naman yung malapit nya. Kanina pa yan eh. -.-

Hindi na muli ako nagtanong at sa halip ay tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Siguro magiging productive ang araw nato. Ano kaya ang magiging araw namin doon?

* FAST-FORWARD *

FINALLY! Nakarating na din kami after 1 hour of suffering ko. Hahahaha At hindi nga ako nagkamali. Probinsyang-probinsya talaga ang lugar nila. Kada bahay na matanaw ko ay may malalapad pa na espasyo bago ang kasunod na bahay. May mga nadaanan din kaming mga ilan-ilan na kalabaw, baka at mga palayan kanina. Natuwa din ako ng masaksihan ang mga batang naglalaro sa may basketball court na nadaanan namin. Ang simple ng buhay nila di gaya sa kinalakihan namin na puro mararanya at minsan puno pa sa problema. Nakakalanghap din sila ng preskong hangin samatala kami puro alikabok sa syudad ang natatamasa. -.-

"Girls, gising na!" Si Andrea habang ginigising si Sofia at Alexis.

Nauna na akong bumaba at tinignan ang cellphone ko. WALANG SIGNAL! What the?? Anong silbi nito ngayon? Hmmm.. kinuha ko na ang bag ko at ang dalawang paperbags ko na may lamang tsinelas. Utos kase ni Andrea na mag tsinelas na lang kami kase nga probinsya.

"Woaaah!" Bukang bibig ko ng makita ko ang bahay kung saan huminto sa tapat ang kotse. It's an old house na may 2nd floor and with all color light yellow ang theme.. at may terrace pa sa harapan. Made of cement sa baba at woods naman sa ibabaw. Simple lang ito at sa nakikita ko may apat na kuwarto ito sa taas. Hindi din sya gaano kalakihan. May malawak din na hardin sa harapan na may maraming bulaklak ng gumamela, orchids at iba pa.

"Ang liit ng house ah?" Si Sofia na mukhang di makapaniwala sa nakita. Ito na nga ba ang sinasabi ko, si Sofia kase ay laki sa karanyaan at minsan nakakalimutan na hindi lahat ay katulad nya ng estado sa buhay. Ako naman ay ganon din pero naiintindahan ko naman ang sitwasyon.

"Masanay ka dahil 4 days tayong titira dyan! Hahahahaha" Si Andrea, muli kong maalala na apat na araw pa kaming walang pasok. Saturday, Sunday, Monday at Tuesday. Ohh diba simenar na naman daw kase. Ewan ko ba kung bakit palaging may simenar ang mga teachers. Ano kayang nakukuha nila doon?

"Ohh Leigh, apo!" Tawag ng isang matatanda at sa tingin ko ito na siguro ang Lolo nya. Lumapit ito samin at may nakasunod dito na isang binata din na ka edad lang namin.

"Lolo, how I miss you so much! Muuaaahh! Asaan si Lola?" Beso pa nito at nag mano na din. Kahit kailan talaga ang arte pa din nito hahaha. "Lo, ito nga pala ang mga kaibigan ko. Ito si Alexis, Sofia at si Lauraine. Hindi ba ang gaganda?"

"Abay tama ka hija hahahaha" Tawa pa ng matanda. "Oh sige na pumasok na kayo at mamaya eyy mamalingke pa kayo sa bayan.

"What?!" React ni Sofia na mukhang gulat talaga sya sa narinig.

"Hahahahaha ge ba!" Si Alexis naman.

"Ohh sure Lolo : ) " Si Andrea.

Tumango naman ako. I think magiging kakaiba ang apat na araw na pag s-stay namin dito.. kakaiba sa lahat.

DATING THE MAYOR'S SON (COMPLETED SEASON 1)Where stories live. Discover now