Prologue

5.7K 117 43
                                    

Prologue

1 year ago...

( Zamira )

Renta sa bahay,

Bayad sa ilaw at tubig,

Pambili ng pagkain,

Pambili ng gamot ni nanay,

Pambaon ni Yura sa School,

At pangbayad sa utang sa sugal ni Tatay...

Napapikit ako ng mariin sa dami ng gastusin. Ako lang din ang maaasahan dahil ako ang panganay at may sakit pa si Mama. Si Papa naman, wala ng ibang ginawa kundi ang bumarkada at magsugal.

Nakapag-tapos naman ako ng Senior high kahit papa'no, pero wala talaga akong mapasukan na maayos at legal na trabaho.

Maraming lumalapit sa'kin para bigyan ako ng trabaho, pero hindi naman sasapat ang magiging suweldo ko ro'n. Unang una ay ang pagbebenta ng sampaguita...

Matino naman ang kaso ay kakaunti nalang ang papatos sa sampaguita kaya paniguradong sobrang liit lang ng makukuha kong kusing d'yan. Ang pangalawa, binalak akong i-recruit ng pinsan ko bilang isang snatcher. Gago ba siya? Baka mamaya ako pa ang makalasan ng buto kapag nang-snatch ako. Sa hina ba naman ng katawan kong 'to? Pangatlo, pagbubuhat ng bloke-blokeng yelo..

Sinubukan ko 'to at hinimatay lang ako. Nakakagago ang mga inaalok nila sa 'king trabaho na parang mas gusto ko pang katayin sila at laman-loob nila ang ibenta ko sa wet market.

Hulog nalang talaga ng impyerno ang pinsan kong si Jellaine, pokpok siya at palaging maraming pera. Kung minsan nga ay sa kanya pa ako nangungutang lalo na kapag walang-wala na talaga ako.

"Relax ka lang, nasnip." bulong niya sa'kin habang naglalakad kami papasok sa madilim na lugar na ito, mausok at tanging kulay pulang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag. Marami rin kaming nadadaanan na pinto na puro mga halinghing at ungol ang mapakikinggan.

Kuta ng mga pokpok.

At minuto lang, alam kong magiging isa na rin ako sa kanila. Ire-recruit daw kasi ako ni Jellaine sa Madam-Boss nila kung tawagin.

Kinakabahan ako, nagdadalawang-isip din ako pero kapag naiisip ko ang tadtad na bayarin ay napapa-sige nalang ako.

Isang beses ko lang 'tong gagawin, pagkatapos noon ay tama na.

Pumasok kami sa pinaka-dulong silid kung saan nadatnan namin ang isang mataba at may katandaan ng babae. Makapal ang make-up nito at pulos mga alahas ang katawan.

"Hello, Madam-Boss!" masayang bati ni Jellaine at nakipag-beso dito.

Ngumisi lang ang matabang babae at ibinaling sa 'kin ang tingin.

"Magre-recruit ka?" tanong nito kay Jellaine pero ang mata ay sinusuri ang panlabas kong anyo.

"Yes Madam-Boss," nakangiting sagot ni Jellaine at nilapitan ako para higitin sa braso palapit sa babae. "Pinsan ko po siya, actually." dagdag pa ni Jellaine.

Napatango-tango ito. "Ok siya, pero mapayat." komento nito.

"Naku! Mahirap kasi ang pinsan kong ito, Madam-Boss.." sabi ni Jellaine at hinawakan ako sa balikat. "Kaya nga po naghahanap ng trabaho." dagdag pa nito at saglit akong sinulyapan para ngitian.

"Ok--" naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang telepono sa katabing lamesa. Agad itong tumayo at mabilis na sinagot ang telepono. "Oh! Yes, Mr. Jha cole?"

Ngiting-ngiti ang matanda sa kausap sa kabilang linya habang kumikinang ang mga mata.

"Oh? Mr. Davidson is coming?" gulat na tanong nito. "Ok, ok." sabi pa nito at saka ibinaba ang tawag. Agad niyang hinarap si Jellaine na malaki ang ngisi, "Ayusan mo na 'yang pinsan mo at 'yan ang ihahain ko kay Mr. Davidson." tarantang sabi nito.

Eat My Banana [Book 1]✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin