Chapter 38

1.3K 49 1
                                    

Chapter 38

( Zamira )


Katahimikan lang ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nanahimik, napaisip ako bigla sa tanong na binuksan niya.

Paano nga kaya kung siya?

Pinilig ko ang ulo ko. Sira na ata ang pag-iisip ko dahil pumasok pa ang ideya na iyon sa utak ko, malamang na hindi niya iyon magagawa. Mabait si Saging at alam kong hindi niya maaating na pabayaan si Ashley gayo'ng nasa mahirap itong sitwasyon.

Saka isa pa tingin ko naman ay hindi niya iyon papatulan dahil kaibigan iyon ng kapatid niya, malayo talagang mangyari ang iniisip ko. Siguro ay sinusubukan lang ako ni Big Banana?

Hays, nakakahiya yung sagot ko! Baka isipin niyang mabilis ko lang din siyang iiwan kapag kasal na kami..

Bagsak ang balikat na tinitigan ko ang malapad niyang likod. Kasalukuyan kaming naglalakad sa pasilyo papunta sa kwarto niya.

"You can visit Dexter if you want," pagkuwa'y mahinang usal niya. Hindi niya ko nilingon at diretso parin sa paglalakad habang hinuhubad ang suot na suit. "He's on his room." dagdag pa niya.

"Ah s-sige.." utal na sagot ko.

Tumigil siya ng saktong nasa harap na kami ng pinto ng kwarto niya, "Zamira.." pagtawag niya sa pangalan ko. Sa kaloob-looban ko'y nataranta ako kaya mabilis akong napatingala sa kanya.

"B-bakit?" sagot ko.

Hinarap niya ko at marahang hinila sa braso, "You know I can't lose you.." bulong niya pagtapos ay magaan akong hinalikan sa noo at kinulong sa mga braso niya.

Nagtataka man sa kung anong pinupunto niya ay ngumiti nalang ako at ibinalik sa kaniya ang mainit niyang yakap.

"Magpahinga ka nalang kung gusto mo, ahm.. Baka kasi pagod ka na sa trabaho mo.." iwas ang paningin na sambit ko ng maghiwalay ang mga katawan namin.

Narinig ko ang pagngisi niya kaya mabilis na gumapang ang kahihiyan sa katawan ko. Baka isipin niyang nagpapaka-asawa na ako?

"P-pero kung gusto mo lang naman. Kung ayaw mo edi... Bahala ka d'yan.." dagdag ko at medyo umatras para hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa.

"Thanks. I will just change my clothes then let's eat." ngiti niya na tinanguan ko nalang.

"Pupunta na ko sa kwarto ni Dexter." paalam ko pero nanatili akong nakatayo sa harapan niya.

"Ok." aniya na nakangiti parin.

"Okey din." usal ko at tumango-tango pa, hinihintay ko kasing pumasok na siya sa loob bago ako pumunta sa kwarto ni Small banana.

"Yeah.." aniya na hindi parin natitinag sa pagkakatayo niya sa labas ng kwarto niya.

"Pupunta na ko do'n.." animo sirang plaka na pag-uulit ko.

Tumango siya, "Go on.."

"Ahm," sinenyas ko sa kanya na pumasok na siya sa loob ng kwarto niya, pero ang kumag naman ay mali ata ang pagkakaintindi.

"Huh? You want to enter?" tanong niya at iminuwestra pa ang pintuan. "Gusto mo akong panooring magpalit ng damit?" malapad ang ngiting aniya.

"Ha? H-hindi! Ang ibig kong sabihin ay pumasok ka na sa loob." pagliliwanag ko sa sinasabi ko.

"Oh," nakataas ang dalawang kilay na aniya. "I thought---"

"Ganda!?"

Naputol ng isang malakas na tili ang sasabihin niya, at segundo nga lang ang lumipas ay may kutong lupa na agad na nakayakap sa dalawa kong binti.

"I miss you so much!" tili pa nito at tiningala ako gamit ang namimilog at maluha-luha nitong mga mata.

"Talaga?" nakangiting tanong ko rito at hindi na nag-abalang buhatin siya, mabigat kasi ang isang 'to.

Mabilis siyang tumango ng sunod-sunod, "It's true po!" sagot niya. Ginulo ni Saging ang buhok niya pagkuwan ay tumingin sa'kin.

"Go downstairs and wait for me, naghahanda na si Manang for dinner." aniya.

"Yey! Ganda is eating with us!" nakakatulig na tili na naman ni Dexter bago ako hilahin palayas sa harapan ni Big Banana.

Huli ko pang nilingon si Saging na nakatanaw sa'min hanggang sa makababa na kami ng hagdan.

Kailan ko nga ba huling nakita ang kikiam na ito? Hindi ko na matandaan.

"Ang Tita Danna mo nasaan?" tanong ko kay Small banana ng hindi ko makita sa paligid ang huli.

"Ay, bumalik na po si Mam Danna sa Europe. Ang totoo po niyan ay noong isang linggo pa po.." si Maria ang sumagot na kanina pa pala nakasunod sa amin. Ito iyong bago nilang katulong.

Nginitian ko ito bago naupo sa sofa.

"Ganda, you know what? I have my own phone na po!" aniya at bumungisngis, ipinakita niya sa akin ang cellphone niyang nakakabit pa sa isang lace na nakasabit sa leeg niya.

"Wow," komento ko.

"Can I got your number po?" malaki ang ngiting tanong niya. Sa paraan ng pagtatanong niya ay para bang nangunguha lang siya ng numero ng mga chix.

"Wala ka namang load, wag na." ismid ko.

Lumabi siya. "What load?"

"Hindi mo alam 'yon?" tanong ko na sinagot niya ng tango. "Pag meron ka no'n puwede ka ng mag kol en teks sa mga contacts mo." sambit ko na sinamahan ko pa ng pagtaas at pagbaba ng kilay ko.

"Cool!" manghang aniya, pero nababasa ko sa mukha niya na wala naman siyang naintindihan sa mga sinabi ko.

Inabot ko ang cellphone niya at itinipa ang numero ko, pagtapos ay sinubukan kong tawagan ang sarili ko.

Mabilis na tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag.

Nagkatinginan kami ni Small banana. "I have this thing load po?" nanlalaki ang matang tanong niya.

Pinutol ko na ang tawag at walang imik na ibinalik 'yon sa kanya.

Wala ngang load pero naka-line.

"Let's go eat," singit ni Big Banana na kabababa lang ng hagdan. Nakasuot na ito ng dilaw na V-neck shirt at puting sweat pants, tanaw ko rin dito sa pwesto ko ang mahabang tattoo niya sa kanang braso na hindi ko maintindihan ang pigura.

"Dad I got her number na po!" pagyayabang ni Small banana at dinilaan pa ang huli habang ipinapakita ang cellphone niya kung saan ko sinave ang numero ko.

Nilingon ako ni Saging at tinaasan ng isang kilay. "You gave your number?"

"Hiningi niya.." sagot ko.

Naiiling na naglakad siya palapit sa puwesto ni Small banana. "Let me see." aniya at inilahad ang kamay sa harap ni Dexter.

Proud namang ibinigay ni Small banana ang cellphone niya na agad namang kinuha ni Saging.

"Where is it? Wala akong makita." bigla'y kunot noong usal ni Big Banana habang kinakalikot ang cellphone ng bata.

"What? It's right here po.." ani Dexter at umakyat sa sofa para agawin ang cellphone niya saka tiningnan ang screen nito.

Napabuga nalang ako ng hangin ng lumipas ang minuto'y tumitili na si Small banana na nauwi sa pagngalngal.

"You deleted it!" nakakabinging atungal nito.





© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 1]✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora