Chapter 34

1.4K 50 11
                                    

Chapter 34


( Zamira )

“She can go now, but Mr. Dolorosa don't let her do heavy works. Bawal siyang mapagod,” tuloy na pagbibilin ng Doktor na umaasikaso sa'kin.

Hindi na ako nakinig sa kanila at hinanap nalang ng mga mata ko si Saging. Medyo nasanay na rin kasi akong makita siya sa paligid ko.

Nang makita itong inaayos ang bag ko na naglalaman ng mga pinaggamitan kong damit ay napangiti ako. Sino nga ba namang mag-aakala na isang araw ay mangyayari ito, na ‘yung masungit kong amo dati ay aalagaan ang dating katulong ng anak niya.

Mabilis kong sinupil ang ngiti ko ng makitang papalingon siya sa gawi ko, umayos ako ng upo at sinalubong ang tingin niya.

“I already packed your clothes,” pagmamalaki niya.

Tumango ako, “Salamat.” ani ko kasunod ang isang tipid na ngiti.

“Let's go now, Zam.” singit naman ni Itay at inalalayan akong tumayo.

“Kaya ko na po..” pagpigil ko sa kanya at maayos na tumayo.

Pilit siyang ngumiti kahit may bahid pa ng pag-aalala sa mukha niya.

“Alright.” aniya. Wala na siyang nagawa ng lampasan ko siya at lapitan ko si Big Banana.

“Are you sure you're fine?” tanong niya ng makalapit ako. Kunot noong tumango naman ako. “You know I can carry you,” alok niya pa na tinanggihan ko lang din.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang isang palad ko at ipinatong sa braso niya.

“At least hold to my arm, ok?” pinal na aniya bago pinulot ang bag ko at simulan ng maglakad palabas ng kwartong inukupa ko.

Napangiti ako at madiing kumapit sa matigas niyang braso. Nauna ng lumabas sa'min si Itay na mukhang busy na sa cellphone niya.

“Kaya ko namang maglakad mag-isa, hindi ako baldado Saging.” usal ko habang pilit na sinasabayan ang malalaking hakbang ng higante na ‘to.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago iikot sa bewang ko ang braso niyang kanina'y pisil—hawak ko at hilahin ako palapit pa lalo sa katawan niya.

“Ehh enebe..” mahinang bulong ko sa sarili dahil sa gulat.

“I know. I just want to do all of these.” balewalang sambit niya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

Nakatingala lang ako sa mukha niya sa loob ng ilang segundo bago ko nilipat ang paningin ko sa kawalan. Medyo inilayo ko rin ang sarili ko sa kanya sa takot na baka marinig niya ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko na pilit kong pinapakalma.

Hindi ko alam kung ano na ang status namin ni Saging, para kasing kami na sa ikinikilos niya. At wala akong pagtutol na nararamdaman sa lahat ng ginagawa niya.

Hinihintay ko nalang naman na tanungin niya ulit ako kung puwede bang maging kami at sasagutin ko na siya. Siguro naman kasi ay sapat na ang mga ginawa niya para patunayan na seryoso siya sa'kin.

“Saging..” mahinang tawag ko sa kanya ng marating namin ang parking lot. Tanaw ko na agad mula sa kinaroroonan namin si Itay na nakaabang sa nakabukas niyang kotse, hinihintay ako malamang.

“Hmm?” sagot niya.

“Si Ashley,” panimula ko. Saglit siyang natigilan bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

“What about her?” aniya pagkuwan.

Ngumuso ako, “Hindi mo naman siya gusto ‘diba?” iwas ang paninging tanong ko.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now