Chapter 15

2.1K 76 11
                                    

Chapter 15

( Zamira )


“Shh, Small banana tahp na..” pag-aalo ko kay Dexter habang pinapasadahan ng palad ko ang likod niya. “Thea, dalian mo d'yan.” baling ko kay Thea na naghuhukay dito sa garden.

Muli kong binigyan pansin si Small banana na panay ang pagtulo ng luha at miya't-miya kung sumigok.

“Tahan na,” sabi ko rito at ginulo ang buhok niya. “Bibili nalang tayo ng bago, okey?” sabi ko pa.

Namatay kasi ang sisiw na ibinigay ko sa kanya, naipit sa pinto ng kwarto niya kanina nung nagmadali siyang salubungin ako.

Nagkalat ang sipon at luha sa mukha niya ng lingunin niya ako, “Z-zammy is dead.” iyak niya.

Ngumiwi ako ng maalalang ‘yun din ang tawag sa'kin ng Tita Danna niya.

“Uu, naipit kasi siya sa pintuan ng kwarto mo.” sabi ko at pinunasan ang luha't sipon niya gamit ang suot niyang damit.

“I-I'm sorry, Ganda..” usal niya pa.

“Shh. Okey lang ‘yun, ma-mi-meet na ni Zammy si Lord.” pag-aalo ko rito habang nakatingin sa walang buhay na sisiw.

“Oh, tapos na.” anunsyo ni Thea habang nagpupunas ng pawis.

Tumango ako at dinampot ang sisiw saka inihagis sa hinukay na lupa ni Thea, “Tabunan mo na.” sabi ko pagkatapos.

Muli na namang humagulgol si Small banana.

“Shh, ibibili nalang kita mamaya ng bagong pet.” bulong ko rito.

Nagliwanag ang mukha niya at hinarap ako, “Really!?” tanong pa niya. Tumango ako. “Yay! Thank you, Ganda.” masayang sigaw niya at niyakap ako.

Parang di namatayan ng sisiw Small banana ah?

“Ibibili kita, sa isang kundisyon.” nakangiting bulong ko. Lumayo siya at tiningala ako.

“What condition, Ganda?”

“Hingi ka ng pera sa Daddy Banana mo, hehe.” kakamot-kamot sa ulo na sabi ko. Yung isang daan kasi na nasa wallet ko no'n ay naibili ko na ng bigas, kaya heto at mistulang bakanteng lote ang pitaka ko.

Ngumiti siya at tumango-tango, “I will!” aniya pa at nagtatakbo na palayo.

“Naks! Lakas nating mang-uto ah?” natatawang sabi ni Thea. Humalakhak ako at sinenyasan siyang manahimik.

“Bigyan nalang kita ng balato.” sabi ko at nakipag-apir sa kanya.

Scammer goals, putek!







...



Ligang-liga si Small banana ng dalhin ko siya rito sa MOA, Mall Of Aresa. Panay ang linga niya sa kung saan na akala mo ngayon lang nakalabas ng bahay at nakita ang mundo.

“Wag kang lalayo sa'kin Dexter ah, kundi kukutusan kita.” sabi ko rito habang hinahanap sa paligid ang bentahan ng mga Hamster. Yun kasi ang balak kong bilhin para sa kanya.

“I won't po.” aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Ma-tao kasi ngayon dito sa palengke, basa din ang sahig kaya nag-aalala ako na baka mapapano ‘tong si Dexter.

“Tara do'n.” hinila ko siya papunta sa gilid ng palengke kung saan ko madalas nakikita ang bentahan ng daga noon nung nagt-trabaho pa ko dito sa palengke.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now