Chapter 40

1.8K 57 11
                                    

Chapter 40

( Zamira )


"Here, tissue." abot nito sa'kin ng isang rolyo ng tissue na mabilis kong tinanggap. Kanina pa kasi ako mukhang dugyot, baka nandidiri na sa'kin.

"S-salamat dito.." pasasalamat ko at agad nilinis ang mukha ko.

"That's not free. You have to say your name in exchange." malaki ang ngiting aniya.

Kinunutan ko siya ng noo. Yun lang ang kapalit? Di niya ba 'ko sisingilin?

"Your name is enough." ngiti pa niya.

"Zamira Dolorosa," pakilala ko at suminga sa bagong kuha kong tissue. At tulad kanina, tinapon ko nalang din 'yun sa kung saan.

"Nice name." komento niya. "I'm Elliot. Elliot McCain." dagdag niya at inilahad ang palad sa harapan ko.

Tinitigan ko lang iyon hanggang sa kusa na rin niyang ibaba ng makuha niyang hindi ko iyon tatanggapin.

"I love cars, that's why pinaalis kita kanina sa hood ng sasakyan ko. Besides that's new, baka magasgasan.." kakamot-kamot sa batok na sabi niya.

Napapatangong tinignan ko ang kotse niya. Maganda ito at halata ngang bago dahil sa kinis nito at kintab, isa pa bago sa paningin ko ang ganitong estilo ng sasakyan. Mababa lang kasi ito at mahaba ang nguso, kaya rin siguro mabilis ko lang itong naupuan kanina.

"Do you mind if I ask you why are you crying?" bigla'y tanong niya habang kapwa ko'y nakatingin lang din sa sasakyan niya.

Hindi agad ako nakasagot, hanggang sa nauwi iyon sa muli na namang pag-iyak.

"Shit! Don't cry, please. Hindi na ako magtatanong, I'm sorry." aligagang pagdalo niya sa'kin.

"Ang sakit kasi e! Mahal ko na siya tapos dadali siya ng gano'n? Ang sakit sakit!" palahaw ko ng iyak at ilang beses ko pang pinalo ang dibdib ko.

"Hush, everything's gonna be alright soon. Ano man 'yan, I'm sure maayos niyo 'yan."

Muli kong pinahid ang luha ko at saka ako suminga. "Sa tingin ko'y hindi na, kailangan ko na kasi siyang b-bitawan." ani ko sa mahinang boses. Wala akong narinig na tugon galing sa kaniya kaya nilingon ko na siya.

"Why do you have to do that?" walang ngiti o kahit anong reaksyon sa mukhang tanong niya.

"Kasi.." hinanap ko ang kaputol ng sasabihin ko, pero tila nagtago na ata ito sa ilalim ng aking dila. Napag-isip-isip ko rin kasi na bakit nga ba?

Titig na titig sa'kin ang kulay kalangitan niyang mga mata, "You're scared, that's why." aniya na bahaw kong tinawanan.

"Hindi mo naman kasi alam kung anong nangyari, mali ka." tumingin ako sa mga taong dumadaan hindi kalayuan sa puwesto namin. "Hindi ako takot, hindi ko lang talaga kayang sumaya gayo'ng malalaman ko na may masasaktan pala sa kasiyahang matatanggap ko." malungkot akong ngumiti matapos pahirin ang luhang tumulo mula sa mata ko.

"You mean, it's ok na ikaw ang masaktan kaysa sila?" natatawang tanong niya na sinagot ko ng tango.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin.

"Teka nga, ba't ba 'ko nagsasabi sa'yo?" miya-miya ay sambit ko sabay tayo. "Aalis na 'ko, salamat nalang dito sa tissue mo."

"You know what? That's the dumbest decision I ever heard in my entire life." nakasimangot na aniya at tumayo na din. "It's your decision anyway. And yeah, it's easy to talk to a stranger about your problem because you know that they don't know a thing about you. As simply as that." kibit balikat niya.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon