Chapter 6

2.5K 84 2
                                    

Chapter 6

( Zamira )

Naninikip ang dibdib ko sa t'wing maiisip na naglayas si Yura dahil wala akong kwentang kapatid.

Napabayaan ko siya kaya siya napariwara at mas inuna ang pags-syota kesa sa pag-aaral.

Dapat sinaway ko na siya nung una palang na pinaghinalaan ko siyang may boypren. Napaka-walang kwenta kong kapatid.

Napahikbi ako ng maalala ang huling text sa'kin ni Yura.

‘Sorry, ate.’

Maikling mensahe lang ‘yon pero halos durugin na ang buo kong pagkatao. Nangako pa naman ako kay Mama na aalagaan ko ng mabuti si Yura at pagtatapusin sa pag-aaral.

Pero ang nangyari, napabayaan ko siya. Masyado ko kasing nilunod ang sarili ko sa pagt-trabaho. Siguro iniisip ni Yura na wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya? Kasi kung gano'n nga, nagkakamali siya!

Siya nalang ang meron ako, at kung may masamang mangyari sa kanya... Talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Tinuyo ko ang mukha ko at bumangon sa higaan ko. Tanghaling tapat na at hindi ako pumasok sa trabaho. Bakit pa? Wala na ang dahilan kung bakit ako nagpapakakuba sa pagt-trabaho para lang makaipon.

Wala na ang kapatid ko. Nilayasan na ako.

Alam kong ayaw ni Yura na hanapin ko siya, kaya ang magagawa ko nalang ay hintayin siyang bumalik muli dito sa apartment. At kapag dumating ang araw na 'yun, tatanggapin ko parin siya.

Napaangat ako sa kinauupuan ko ng makarinig ng dalawang magkasunod na katok mula sa pintuan sa Sala.

Nangunot ang noo ko at hindi na nag-abala pang ayusin ang itsura ko. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

Baka si Betchay? Manghihingi siguro ng ulam.

Pero ng buksan ko ang pintuan ay isang matangkad at gwapong lalaki ang nabungaran ko. Kunot na kunot ang noo nito at halos magbuhol na ang makapal na kilay dahil sa pagkakadikit nito.

Nakatanga lang ako sa mukha niya ng dire-diretso siyang pumasok sa loob ng apartment ko.

“What kind of house is this? Too small.” sambit niya habang nililibot ang paningin sa loob ng apartment ko.

Nang makabalik ako sa huwisyo ay sinimangutan ko siya. “Malaki ka lang.” sabi ko at inismiran siya.

Nakataas ang isang kilay na nilingon niya 'ko. “So you're saying, I'm huge?” makahulugang aniya at nginisihan ako.

“Ang sinasabi ko, kapre ka.” usal ko at tinalikuran siya.

“Is that your usual clothing?” puna niya sa suot kong damit. Naka-tee-shirt na maluwag lang kasi ako na umaabot hanggang sa kalahati ng hita ko, tapos nakapanty nalang ako sa pambaba.

Tinamad na 'kong mag-ayos simula kagabi.

“Paki mo?” ismid ko sa kanya at dumeretso sa kusina. Wala akong pakielam kahit manyakin niya ko sa paraan ng pagtitig niya sa binti ko, nakita na rin naman niya ‘to noon.

Saka ako, nakita ko na ang malaki niyang saging. Ngayon pa ba kami magkakahiyaan?

“Hindi ka pumasok sa trabaho. Why is that?” aniya na sinundan pala ako hanggang dito sa kusina.

Kinuha ko ang isang balot ng tasty sa grocery bag na binili ko kagabi. Nagpainit na rin ako ng tubig dahil magtitimpla ako ng kape.

“Magre-resign na ‘ko.” tinatamad na sambit ko.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now