Chapter 33

1.7K 56 11
                                    

Chapter 33

( Zamira )


“Zam, did I already ask you about your type of guy?” pigil ang ngiting tanong ni Big Banana habang ipinagbabalat ako ng mansanas.

Para siyang ‘di ma-tae sa ginagawa niya, kanina pa siya parang ewan na ngingiti tapos magpo-poker face. Tapos ngayon naman pinipigilan niyang ngumiti, nabaliw na ata sa kababantay sa'kin sa loob ng isang linggo.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit nandito pa ako gayo'ng mabuti naman na ang pakiramdam ko.

Umiling ako. Hindi ko matandaan na tinanong niya ‘ko noon.

“Oh, then what is your type of guy?” nakataas ang isang gilid ng labing tanong niya pagtapos ay diretsong naupo.

Tumitig ako sa kawalan, nag-iisip.

“Uh, gusto ko ‘yung may mata.” bungisngis ko.

Sinimangutan niya ‘ko, “Really, Zamira?” sarkastikong tanong niya.

“Joke lang,” ani ko bago tumawa. “Ang gusto ko sa lalaki? Hmm, siguro ‘yung palabiro tulad ko.” sagot ko at tinaas-baba pa ang dalawa kong kilay.

Peke itong umubo bago tuluyang humarap sa'kin, “Alam mo ba kung ilang litters meron ang isang coke?” malaki ang ngiting tanong niya.

Napaisip ako, “Ewan.” kibit balikat na sagot ko ng walang maisip na tamang maisasagot.

“It's four, Zamira. C-O-K-E!” aniya kasunod ang isang malakas na halakhak.

Napatitig lang ako sa kanya at walang imik na pinroseso sa utak ko ang sinabi niya.

Four litters, tapos C-O-K-E?

“Joke ba ‘yon?” naguguluhang tanong ko.

Natigil siya sa pagtawa at saglit na napatitig sa'kin bago bumalik sa ginagawa niya kaninang pagbabalat ng mansanas.

“That wasn't,” pormal na sagot niya at nagkibit-balikat. “Sort of a stupidity.” dagdag pa niya.

Napatango nalang ako.

Makalipas ang ilang segundo ay muli na naman niya akong tinapunan ng tingin, “Anything else?” tukoy niya sa tipo ko sa lalaki.

“Ah, gusto ko ‘yung maalaga saka mabait.” ngiti ko.

Nakita ko ang pahapyaw niyang pagkagat sa ibabang labi niya bago ako haraping muli.

“Just like me, right?” puno ng kumpiyansang aniya.

Walang pagdadalawang isip naman akong tumango, maalagain at mabait naman si Saging, masungit lang talaga sa ilang pagkakataon.

Lumaki ang ngiti nito at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere, “I know that I'm too perfect.” rinig kong usal niya.

Naiiling nalang ako dahil sa inaasta nito. “‘Di ka ba natatakot na baka bumagsak ang negosyo mo kababantay sa'kin dito?” bigla'y tanong ko.

Halos dito na kasi siya tumira kasama ko sa halos isang linggo na pamamalagi ko rito. Uuwi lang siya para kumuha ng damit at pagtapos ay babalik rito para alagaan ako.

“Nah, don't mind it. My business is stable, Secretary Jha can handle all that.” aniya bago lumapit sa'kin dala ang platito kung saan nakalagay ang hinati-hati niyang mansanas. “Here, say ahh..”

Eat My Banana [Book 1]✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu