Chapter 4

2.9K 90 12
                                    

Chapter 4

( Zamira )

Kinabukasan ay hindi ko na naabutan si Big Banana sa mansyon niya. Umalis na daw kaninang madaling araw sabi ng mga katulong.

Kanina ay nagpasa na rin ako ng resignation letter sa Resto-bar bago ako pumunta dito sa mansyon ni saging.

"Nganga," sambit ko at minuwestra ang pagbuka ng bibig ko habang nakatingin kay Dexter--small banana. Pinapakain ko na kasi siya ng umagahan niya, pero ang maliit na saging na ito'y inaartehan ako.

Sinimangutan niya ako at inilingan. "Don't wanna." usal pa niya at sunod-sunod na inilingan ako.

Napahinga ako ng malalim. Pepektusan ko na ang batang 'to e.

"Pag di ka kumain," panimula ko. Humalukipkip naman siya at nakipag-sukatan pa sa'kin ng tingin. "..ako ang kakain ng pagkain mo." dugtong ko.

Nasabi sa'kin kagabi ni Big Banana na pagaling na rin daw si Small banana sa lagnat niya kaya hindi naman daw ako mas'yadong mahihirapan.

Kingina niya. Sa arte nitong anak niya? Hindi ako mahihirapan?

"Ok po." sagot ni small banana at nagkibit-balikat pa.

Cute sana ang batang ito, kung wala lang sungay at buntot. Parang ama niya, tsk.

"Ganito nalang, kain ka na tapos maglalaro tayo mamaya." nakangiting sabi ko at tinaas-baba ang dalawa kong kilay.

Napahawak siya sa baba niya, nag-iisip kuno. "What kind of game po?"

Nag-isip naman ako ng laro na pwede niyang magustuhan. Ano bang nilalaro namin dati ni Yura? Totopik tapos pitikan? Luksong baka? Wrestling? Baka himatayin ang saging na 'to sa mga larong naiisip ko.

Baka pag totopik naman ay mamaga lang ang kamay niya, malakas ako mamitik e, malulugi sa'kin 'to.

"Paliparin nalang kita?" nakangiting sambit ko ng maalala ang dati kong ginagawa kay Yura.

"What's that po?" kunot noong tanong niya. Bahagya rin'g lumabas ang dimple niya sa mamula-mula at matambok niyang pisngi. Four years old na daw ang batang 'to sabi ni Princess Thea Mhab4n6Hiz, isa sa mga mutchacha dito.

"Hahawakan kita sa dalawang kamay mo, tapos iikot kita hanggang sa umangat ka sa ere." nakangiting sambit ko. Lumiwanag naman ang mukha niya.

"I can fly po?" manghang tanong.

"Uu, kasi paliliparin kita." sagot ko at inamba ang kutsara sa bibig niya. "Kaya kumain ka na para makapag-laro na tayo." dagdag ko pa.

Nakangiti naman siyang tumango at agad na ngumanga. Nasilip ko ang mapuputi at maliliit nitong ngipin, ang kyot e.

Kamukhang-kamukha niya talaga ang ama niya kahit saang anggulo. Nasa'n kaya ang nanay nito?

Saka kung four years old na ang maliit na saging na 'to, edi ibig sabihin ay buhay na siya nung makagat ko ang banana ni Big Banana?

Eh anong inaarte niya sa'kin no'n na muntik na daw siyang hindi magka-anak? E meron na pala siyang small banana dito?

"Small banana, wers yor mader?" tanong ko kay small banana habang pinapainom siya ng gatas.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now