Chapter 19

2K 74 4
                                    

Chapter 19

( Zamira )


"Salamat ate, nag-abala ka pang samahan ako dito.." madamdaming sabi ni Yura sa'kin habang hawak ang isang kahon ng gatas.

"Hay naku, tumigil ka Yuraine sa drama mo ah. Tingnan mo ngang lagi naman ako ang kasama mo sa pamimili ng mga kailangan mo." pabirong irap ko dito. Halos isa't kalahating buwan na ang nakakalipas mula noong manggaling ako sa party ng pinsan ni saging, at masasabi kong may ilan na ring pagbabago kay Yura.

Bukod sa tiyan nito na medyo umbok na ay naging mapili na rin siya sa pagkain, naging emosyonal na rin siya at kahit sa pagkaing pinaglilihian niya ay hindi ko maintindihan kung bakit monay?!

Hindi mahilig sa tinapay si Yura hindi kagaya ko, kaya nagtataka ako kung bakit 'yon pa?

"I love you talaga, Ate.." parang naiiyak na aniya at yumapos pa sa'kin.

Napangiti nalang ako habang hinahagod ang likod niya, natural na siguro sa mga buntis ang maging emosyonal.

"Oo na, loka ka. Bilisan na natin at dadaan pa tayo sa Monay ni Maria," pagtukoy ko sa isang sikat na bakery shop.

Agad naman siyang humiwalay at sinunod ang utos ko, at makalipas nga lang ang ilang minuto ay nakasakay na kami sa tricycle papunta sa bakery.

Nang makarating sa bakery shop ay nauna pa saking bumaba si Yura, samantalang ako'y binayaran muna ang tricycle driver bago sumunod sa kanya.

"Oh Yuraine ano na––" pagtawag ko sa kanya pero agad din akong natigil ng makita siyang nakatayo lang do'n habang nakatingin sa isang direksyon kung saan may nakatayong pamilyar na lalaki.

Nagtititigan lang ang dalawa samantalang ako'y pabalik-balik ang tingin sa dalawa.

Naputol lang ang titigan ng dalawa ng lumipat sa medyo umbok na tiyan ni Yura ang mata ng binata.

"A-ano 'yan?" mahinang sambit ng binata at nagulat ako ng lapitan nito si Yura at hawakan sa braso. "Di'ba sabi ko sa'yo ipalaglag mo 'yan?" pabulong ngunit madiing sambit nito.

"A-aray! Hienritt!" daing ni Yura na nakapagpabalik sa'kin sa huwisyo.

Aba'y gago! Sinasaktan ang kapatid ko!

"Hoy," maangas na hinawakan ko sa kwelyo ang binata at hinila ito palayo kay Yura. "Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang saktan ang kapatid ko?"

"Kapatid!?" kunot noong tanong nito. Mukhang namu-mukhaan niya na rin ako.

"Umalis ka na Hienritt," mariing sambit ni Yura, binalingan ko siya at binigyan ng mapagtanong na tingin.

"But––why, you––" halatang gulong-gulo na ang lalaki habang nakatingin kay Yura at sa tiyan nito, "You said––"

"Akin lang 'to," ani Yura at hinimas ang sariling tiyan, "Sa'kin lang Hienritt, kaya umalis ka na."

Habang pinapanood sila'y may nabubuo ng ideya sa isip ko, kaya naman masama kong tiningnan ang lalaki.

"'Di mo ba narinig ang sinabi ng kapatid ko? Sabi niya umalis ka na!" singhal ko sa seryoso't matigas na tono.

Napipilan naman ito at napatitig nalang kay Yura kaya iniharang ko ang sarili ko sa katawan ng kapatid ko, "At pakisabi sa pinsan mo, magre-resign na 'ko." seryosong sabi ko bago siya talikuran habang akay si Yura.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now