Chapter 5

2.6K 81 11
                                    

Chapter 5

( Zamira )


Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Small banana at nanonood ng Banana's in Pajamas, nakaupo siya sa paanan ng kama niya habang yapos ang mahaba niyang stuff toy na saging, at ako naman ay nasa likuran niya't kinukutuhan siya.

Sa ngayon ay wala pa akong nakukuha, malinis din naman kasi sa katawan 'tong si Dexter at talaga namang mahihiya ang mikrobyo na dumikit sa kanya.

“Small banana,” tawag ko dito at sinuklay ang itim at malambot niyang buhok gamit ang kamay ko. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. “Bakit magka-mukha si B1 at B2––” naputol ang sasabihin ko ng marinig ko'ng bumukas ang pinto.

Sumilip si Thea at ngumiti sa'kin, “Pinapatawag ka ni Ser Diether, sa Study room daw niya. Nawna.”

Nangunot ang noo ko. “Sino?” tanong ko.

“Si Ser Diether,” pag-uulit naman niya. Napatingin na sa'min si Small banana.

“Sino 'yun?” takang tanong ko. Pero sa isip ko ay may nabuo na akong ideya.

“Si Ser Pogi, Shunga yu naman e.” sagot niya at tinirikan ako ng mata.

Nakabalik na si Big Banana?

Tumayo ako at bumaba sa kama ni Dexter, “Saglit lang, Small banana ah?” paalam ko dito. Tumango naman siya at muling binalik ang paningin sa pinapanood.

Lumapit ako kay Thea na hinihintay ako sa may pintuan.

“Bakit daw?” tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

“Baka cho-chorvahin ka, hehehez.” sagot niya at nauna ng maglakad. Mukhang sasamahan niya ako hanggang sa Study room ni Big Banana, kunsabagay hindi ko rin naman alam kung saan 'yun.

“Baliw.” sambit ko na tinawanan niya lang.

Mga apat na pinto lang ang nalampasan namin at tumigil din sa paglalakad si Thea, kaya tumigil din ako.

“D'yan ka na chukchaknes..” aniya at binigyan ako ng isang malisyosong tingin. Kingina no'n, andumi ng pag-iisip!

Humarap ako sa kulay maroon na pinto at inangat ang kamay ko para sana kumatok ng may sumagi sa isip ko na alaala. Napatakip ako sa bibig ko at nanlalaki ang mata habang nakatitig sa pinto.

Ganito yung eksena no'n nung nasa kuta pa ako ng mga pokpok! Sakto nasa loob din si Big Banana.

Napasinghap ako.

Hindi kaya––

“Ay, Banana!” napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Big Banana.

“What are you doing?” kunot noong aniya. Tumayo ako ng tuwid at saka umiling.

“Wala po ser.” sambit ko. Nilakihan niya ang siwang ng pinto at sinenyasan akong pumasok.

Humakbang naman ako papasok sa loob ng Study room niya, namangha pa 'ko ng makita ang naglalakihang mga book shelf na puno ng mga libro.

“How's my son?” rinig kong tanong ni Big Banana matapos isara ang pinto.

Nilingon ko siya at binigyan ng thumbs-up. “Ok na ok siya, ser.”

“Good.” aniya at naglakad papunta sa table niya at prenteng naupo do'n. “Did he cause you any trouble?”

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon