Chapter 27

1.8K 63 0
                                    

Chapter 27

( Zamira )


Kasalukuyan akong nagpapahangin sa labas ng malaking bahay, lumabas ako dahil mukhang gustong makapag-isa ng kapatid ko.

Nilalaro ko ang isang piraso ng damo sa kamay ko habang nililibot ko ang paningin sa paligid, nakaupo ako sa isang bato rito sa garden at ginagawang kumportable ang sarili.

Hanggang ngayon ay 'di ako makapaniwala na nasa ganitong tirahan na 'ko, pero napapangiwi parin sa isiping napilitan lang kaming tanggapin ng totoong may ari nito dahil sa tatay namin.

Pero aaminin ko, maganda sa lugar na ito. Masarap ang hangin, preskong-presko 'di tulad sa tinirhan namin noon na isang inhale mo'y amoy ng kanal agad ang maaamoy mo.

Ganitong bahay ang pinangarap ko noong ipatayo kung sakali mang yumaman ako, magara at talaga namang maganda tulad nito ang bahay na ipinangako ko noon kay Mama.

Sinabi ko noon sa kanya na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral at yumaman ay sa ganitong bahay ko siya ititira, pero kahit makapag-patayo ako ng momumento ko rito'y wala na ring halaga dahil wala na siya.

Kinuha na ni Lowrd.

“Magandang umaga ho, Sir Rash at Mam Ashley..”

Napukaw ang atensyon ko ng marinig ang boses ng gwardiya 'di kalayuan sa'kin habang binubuksan ang gate.

Nangunot ang noo ko ng mula roon ay pumasok ang isang may katangkarang lalaki, kasunod nito ang isang pamilyar na pigura.

Hindi pinansin ng lalaki ang gwardiya samantalang isang ngiti naman ang isinagot ng babae bago sumunod sa nakapamulsang lalaki.

Dumiretso ang mga ito papasok sa loob ng bahay, samantalang ako'y pilit na hinuhugot sa sariling alaala kung saan ko ba nakita yung babae kanina.

Friend ni Danna!

Tama, siya 'yung kaibigan ni Danna na kasama niya noon nung kaarawan ni Dexter.

Anong ginagawa no'n dito?

Dahil sa pagtataka'y mabilis akong sumunod sa kanila papasok sa loob ng bahay.

“What the two of you took so long?” rinig kong boses ng gurang. Nadatnan ko itong nakaupo sa sofa hawak ang isang magazine, sa tabi naman nito'y nakaupo ang Ama ko habang umiinom sa isang mug at hawak ang isang dyaryo.

“It's Rash, Mom.” sagot ni Ashley at humalik sa pisngi ng gurang.

“Tss, I have a business to attend to. That's why,” sagot naman nung Rash at tumayo lang sa gitna ng Sala.

“Kumain na ba kayo?” tanong ni Tatay sa dalawa ng lapitan siya ni Ashley para halikan sa pisngi.

“Yes, Dad. We're fine,” sagot ni Ashley. Kibit-balikat naman ang isinagot ng lalaki.

“Seriously, what's the deal here? I still have a meeting.” ani ni Rash at inis na sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

“Your Dad's daughters' staying here, and we want you two to meet them..” kalmado at nakangiting ani ng gurang.

Eat My Banana [Book 1]✓Onde histórias criam vida. Descubra agora