Chapter 37

1.4K 50 6
                                    

Chapter 37

( Zamira )


Kinagabihan din ay nalaman kong inalis ng malupit na gurang ang lahat kay Ashley, mula sa mamanahin nito hanggang sa mga ari-arian na binigay niya sa anak niya.

Purong awa ang nararamdaman ko para kay Ashley at inis naman para sa matanda, gusto ko siyang tulungan pero kahit ako'y wala ring perang maipapahiram sa kanya. Tanging simpatya lang ang maibibigay ko dahil yun lang ang kaya ng mga mahihirap na katulad ko.

Naisipan ko na nga rin na ibenta ang engagement ring na ibinigay sa akin ni Saging ngunit kasunod ng isipin kong iyon ay baka imbis na pakasalan ay ipatumba niya nalang ako.

Huminga ako ng malalim.

Ngayon ay mistula akong lutang habang katabi sa sasakyan si Big Banana. Kagagaling niya lang sa opisina niya at dinaanan niya lang ako sa bahay para dalhin sa mansyon, ramdam ko ang miya't-miya niyang paglingon sa'kin at ang kamay niyang pumipisil sa kamay ko para kunin ang atensyon ko pero kiber ko lang siya.

"Zam, is there something bothering you? May problema ba?" sa wakas ay pagsasaboses ni Saging.

Nilingon ko siya at tipid na nginitian, "Slight lang." sagot ko.

Kunot noong pinagsalikop niya ang mga palad namin. "What is it? Baka makatulong ako."

Sa sinabi niyang 'yon ay may ideyang pumasok sa isip ko. Oo nga't makakatulong siya, saka isa pa panigurado namang hindi na iba sa kanya si Ashley dahil kaibigan ito ng kapatid niya.

"Ganito kasi 'yon, si Ashley.." panimula ko at tuluyan na siyang hinarap. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mula sa masuyo niyang ngiti ay parang hindi na siya mapakali ngayon. "..Si Ashley, buntis siya." dagdag ko at malungkot siyang tinitigan sa mata. "Stranger daw ang ama."

Inalis niya ang pagkakasalikop ng palad niya sa'kin at parang init na init na niluwagan ang suot niyang kurbata. Kunot noong nilingon ko ang aircon ng sasakyan at saglit din na tinapunan ng tingin ang nagmamaneho ng sasakyan na secretary niya daw.

"Naiinitan ka ba?" tanong ko at hinipan siya sa leeg na kala mo ay kay laking tulong.

Pilit siyang tumawa, "Y-Yeah. Medyo.." sagot niya at iniwas ang paningin sa'kin.

Napatango-tango nalang ako, "So yun nga, sinabi niya kay Gurang kahapon at ito namang isa nagalit at sinaktan si Ash---"

"WHAT!?"

Muntik na kong mapatalon sa gulat ng biglang sumigaw si Saging at nanlalaki ang matang nilingon ako.

Inis na napahawak ako sa dibdib ko at tinignan siya ng masama, "Bakit ba naninigaw ka!" singhal ko. Alam ko namang gulat siya pero sana naman huwag siyang sumigaw ng ganon na parang wala siyang kasama na may sakit sa puso na kahit anong oras ay pwedeng atakihin.

"Oh god, I'm sorry." hinging tawad niya at kinuha ang palad ko para halikan iyon.

My goodness! Ang haba ng hair ko..

Muli akong ngumiti, "So 'yun, tapos nalaman ko kagabi na binawi ng Ina niya yung lahat ng mana niya---"

"Is she alright?" iwas ang tingin at mahinang tanong ni Big Banana.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now