Chapter 12

2.2K 90 8
                                    

Chapter 12


( Zamira )


“Happy Birthday, Small banana.” bati ko kay Dexter. Tapos na ang party at halos nag-uwian na ang lahat ng bisita, heto nga at pinapatulog ko nalang si Small banana.

“Thank you, Ganda..” aniya sa inaantok na boses. Pinalo-palo ko nalang ang tagiliran niya para makatulog na siya. Pagkatapos kasi nito'y uuwi na ‘ko dahil mag-a-alas-onse na rin.

Ang totoo'y nakalimutan ko'ng batiin si Dexter kanina at ngayon ko lang naalala ng makita ang inaantok niyang mukha.

Napangiti ako, sana maging ganito ka-cute ang magiging anak ni Yuraine. My first pamangkin, hays..

Minuto lang ang binilang ko't agad na rin'g nakatulog si Dexter, itinaas ko ang kumot niya hanggang sa dibdib atsaka ako tumayo para kunin ang dala kong bag.

May kalakihan ito dahil plano ko talaga kahapon palang na mag-subi ng mga tirang handa, para pag-uwi sa bahay ay titibag nalang kami ni Yura. Tamang-tama dahil malakas ng kumain ang kapatid kong ‘yon dahil dalawa na sila ng anak niya na kinakailangan niyang busugin.

Bitbit ang bag ko'y marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Small banana saka ako lumabas ng walang kahit anong ingay na nililikha.

“Hi.”

“Ay, pakwan!” napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Nang tingnan ko kung sino ‘yon ay napahinga nalang ako ng malalim. Si Ashley pala.

Ngumiti siya sa'kin pero hindi ko sinuklian ang ngiti niya'ng ‘yon, poker face lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa kusa na niyang bawiin ang ngiti niya.

“Can we talk?” aniya.

Aamin na ba siyang kras niya ‘ko? Na na-kras at first sight siya sa'kin?

“Sige ba, basta walang inglisan.” naka-ismid na sabi ko. Tipid siyang ngumiti at tumango sa'kin.

Dapat ngayon palang ay maiparamdam ko na sa kanya na hindi ko siya papatulan, na ba-busted-in ko agad siya.

“Girlfriend ka ba ni Diether?” diretsahang tanong niya. Tumaas ang isang gilid ng bibig ko. Sa tono ng pananalita niya ay napunto ko ng si Big Banana pala talaga ang type niya.

Hindi pala ako kasali.

“Hindi.” sagot ko. Kung mala-telenovela ang ganap na ito, malamang na aakalain niyang ako ang magiging hadlang sa pag-iibigan nila. At dahil do'n aawayin niya ‘ko. Tsk, tsk.

Wala ako'ng pakielam sa buhay nila, ang mahalaga sa'kin ay ang makaipon para sa kapatid ko at sa anak niya. Yun lang, wala na akong pakielam pa sa ibang bagay.

“So, wala kayong relasyon?” maliwanag ang mukhang tanong niya.

“Wa––” naputol ang sasabihin ko ng may bigla'ng humablot sa braso ko. Agad naman akong nag-alala para sa mga subi kong ulam, baka kasi matapon kaya mahigpit kong hinawakan ang bag ko.

“Let's go, I'll drive you home. Malalim na ang gabi.” mabilis na sabi ni Big Banana. Saglit niya rin'g tinapunan ng tingin si Ashley na nakatingin sa kamay ni Big Banana na nakakapit sa braso ko. “Have a Good Night sleep, Ash.” aniya at hinila na ‘ko paalis.




Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now