Chapter 20

2.1K 75 3
                                    

Chapter 20

( Zamira )

“Ano't nagbalik loob ka, huh?” pabirong tanong ni Dyesebel habang nagliligpit sa kabilang mesa.

“Gusto ko lang,” sagot ko. Nag-apply kasi ulit ako dito sa Restau-bar na dati kong pinagt-trabahuhan bago pa kay Saging, mabuti nga at tinanggap ulit ako ng manager.

“Sus, baka naman na-miss mo lang ako?” biro niya. Tipid lang akong ngumiti at hindi na siya sinagot pa. “May chika nga pala ako sa'yo,”

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang paglilinis ng mesa.

“Bago na ang owner nitong Restau-bar girl,” sabi niya at kinuhit pa ‘ko. “Ang hawt niya sistah! Like owemji, kahit walang suweldo magta-trabaho ako dito. Kung gusto niya nga pwede na ring tagapaligo sa kanya, hehe. Basta ba papisil sa maskels niya hihihi..”

Napabuga nalang ako ng hangin, wala paring pagbabago sa isang ‘to, maharot parin.

Binuhat ko na ang tray kung saan nakalagay ang mga maduduming pinggan saka ako dumeretso sa kusina.

“Saka 'lam mo girl? Laging nasa office niya sa taas si Fafa boss,” kwento muli ni Dyesebel na sumunod rin pala sa'kin. “Gusto ko ngang puntahan miya't-miya, ang kaso masungit, hmp.”

“Ah..” tangi kong nasabi dahil wala naman akong pakialam sa sinasabi niya.

“Tsk, basta pag nakita mo siya mapapanganga ka dahil sa sobrang ka-gwapuhan niya. Crush nga siya ng halos lahat ng empleyadong babae dito,” aniya at mahina pa kong hinampas. “Jusko! Speaking of..” pabulong na tili niya habang nakatingin sa isang direksyon, hindi ko na rin napigilan ang sariling lingunin ang tinitingnan ni Dyesebel.

“Attention,” baritono ang boses na panimula nito, may iba pa siyang sinasabi pero hindi ko na naintindihan pa iyon at tanging pag titig nalang sa gwapong mukha niya ang nagawa ko.

Magulo ang kulay brown na buhok na bumagay sa makapal niyang kilay at matangos na ilong, abuhin rin ang mga mata nito at talaga namang napakapula ng labi. At ang katawan, halos mag kasing katawan na sila ni Saging! Parehas din ng height, mas mukha nga lang na masungit itong bago kong boss.

“You're the new employee, correct me if I'm wrong.”

Napamulagat ako ng sa'kin na pala ito nakatingin, “Ah, correct po. Tama po kayo, ako nga po.” natatarantang sagot ko, sa likod ko naman ay narinig ko ang mahinang hagikgik ni Dyesebel.

“Hmm, report to my office later before lunch.” anito saka umalis ng kusina. Napatanga nalang ako sa pintuang nilabasan nito, anong report? May gano'n pa ba? Eh waitress lang naman ako ah? Bakit kailangang mag-report!?

Anong ire-report ko!?

“Anong report?” wala sa sariling tanong ko kay Dyesebel. Humalakhak ito at mahina akong hinampas.

“Halos lahat kami pinagganyan ni Fafa boss, ang gagawin mo lang ay magpakilala with family backgrounds etcetera, basta kahit anong tungkol sa'yo. Ayaw daw kasi ni Fafa boss na may nakakalusot na walang bisa dito sa negosyo niya, hay ewan ko do'n!” mahabang lintanya niya. “Good luck nalang sa'yo girl, sana'y wag kang maihi sa harap niya dahil sa kilig!”



***


“Anong nangyari?” malaki ang ngiting bungad sa'kin ni Dyesebel ng makabalik ako sa kusina matapos ang report kuno sa bago naming boss.

“Ayos naman,” tipid na sagot ko.

“Ay!” mabilis niya kong nilapitan at binulungan, “Ayos lang? Eh bakit ang tamlay mo?” tanong niya.

Eat My Banana [Book 1]✓Where stories live. Discover now