Chapter 11

2.2K 84 6
                                    

Chapter 11


( Zamira )


Bakit ‘di niya sinabing simpleng Nanny lang ako ng Anak niya?

Ah, siguro...

Na-fall in-love na sa'kin si Big Banana?

Hindi malayo, maganda ako e.

Pero, baka hindi niya lang narinig ‘yung tanong ng kapatid niya?

Oo, kapatid ni Saging ‘yung babaeng may mahabang buhok na ang pangalan ay Danna. ‘Yung kasama niya, kaibigan daw niya, Ashley ang pangalan.

Mabait si Danna samantalang tahimik at pangiti-ngiti lang naman si Ashley. Hindi ko sinasabing mabait siya, at mas lalong hindi ko rin masasabing masama siya dahil hindi ko pa naman siya gano'n kakilala. Basta ang alam ko lang, tao siya.

Napapansin ko rin ang napapadalas na pagtitig niya kay Big Banana, na hindi naman ata napapansin ng huli dahil busy ito sa pag-e-entertain sa ilang yayamaning bisita.

“Ganda, where's my pet po?”

Napamulagat ako ng bigla akong hampasin ni Dexter sa balakang. Nang ibaba ko ang tingin sa kanya'y kunot na kunot ang noo niya at halos magbuhol na ang cute na kilay.

“Di'ba hawak mo kanina?” sabi ko na ang tinutukoy ay ‘yung regalo ko sa kanyang sisiw.

“Yes po. But, I placed it somewhere po e then I forgot na po where that place is..” nakalabing aniya.  Napasintido ako.

“Baka patay na ‘yun, wag mo na hanapin.” sabi ko. Posible kasing naapakan na yun ng kung sino.

“Nooooo! That's not true poooo!” tili niya at nagpapadyak sa sahig.

“Small banana, tahp.” saway ko rito. Agad naman siyang tumigil pero ang mga mata'y maluha-luha na ngayon.

“You're a liar po..” aniya at sumigok. “Zammy is still alive po.” dagdag pa niya. Oo nga pala, isinunod niya sa pangalan ko ang pangalan ng pet niyang sisew.

“Okey, okey. Buhay kung buhay, hahanapin natin siya.” tinatamad na sabi ko para lang manahimik siya. Nagliwanag naman ang mukha niya at agad na yumapos sa hita ko.

“Yay! Thank you, Ganda!” masayang aniya. Ginulo ko ang buhok niya at iginala ang mga mata ko. Eto na naman kasi ang pakiramdam na may nakatitig sa'kin.

Siya ulit. Si Ashley na kaibigan ni Danna.

Konti nalang talaga at iisipin ko nang kras niya kaming dalawa ni Big Banana e..

Nang magtama ang paningin nami'y siya rin ang unang nag-iwas. Ibinaba niya ang tingin kay Dexter na hanggang ngayo'y nakayapos sa hita ko.

“Small banana, tara hanapin na natin si Zammy.” pag-aaya ko rito at inalis siya sa hita ko.

Tiningala niya ko at nginitian, “I love the idea po!” masayang sigaw niya. Pilit ko siyang nginitian kahit gusto ko na siyang pektusan dahil sa kai-english niya.

“Tara do'n sa loob ng mansyon, itanong natin kay Thea.” sabi ko at giniya na siya papasok sa mansyon. Ini-snob ko lang si Ashley, ‘di ko kasi feel ang makipag-plastikan ngayon.

“Where are you going?” agad akong napalingon ng marinig ang baritonong boses ni Big Banana. Tiningala ko siya at nakitang nakatingin siya sa'kin, “The party's not yet over.” dagdag pa niya.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon