KABANATA 1

108 5 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 1

Three years later...

"UY BADO!" TAWAG ni Mikay kay Bado.

Kasalukuyang naglalaro ng cellphone si Bado habang siya ay stress na sa plano nila mamaya.

"'Wag kang magulo, Aika. Naglalaro ako." inis nitong saad.

Napanganga naman si Aika sa sinabi nito. Aba'y ang gago!

Inis na tumayo si Aika at kinuha ang cellphone nito.

Sunod sunod na mura ang narinig niya kay Bado.

"Gago! Uunahin mo pa ito kaysa sa plano mamaya? Inaasahan tayo ni Boss." suway niya rito.

Napasimangot naman ang loko.

"Oo na. Tsk."

Ngumisi siya at umupong muli sa mesa. Sa mahigit tatlong taon niyang nanirahan doon nasanay na siya sa gulo roon. Kailangan niya lamang makipagsabayan.

Naalala pa ni Aika kung pa'no siya napadpad roon.

---

"Ma'am andito na po tayo." nagising si Mikay sa boses na gumising sakaniya.

Nagmulat siya ng tingin at tumingin sa bintana.

Magulo.

Maingay.

Awayan.

Sigawan.

Makalat.

Sobrang gulo. Her brows furrowed. Hindi masasabing mga tao pa ang nakatira roon. Mga alagad ata ni santanas.

Huminga siya ng malalim saka nagbayad.

Lumabas na siya ng sasakyan at kinuha ang maleta sa compartment. Tinapik niya ang pwetan ng taxi saka kumaway.

Muling tumingin sa paligid si Mikay. Shit! A living hell, this is their place.

Nanlalambot ang tuhod niya sa nakikita pero kailangan niyang harapin iyon saka napatakip ng ilong. Ang baho ng lugar o sadyang hindi lang siya sanay sa amoy na nalalanghap.

San 'to?

Umiling na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng magulong lugar na iyon.

"Hi miss!"

"Naks! May pangpulutan ngayon!"

"Witwew!"

Patuloy lang sa paglalakad si Mikay. Walang patutunguhan. At hindi nababagay ang katulad niya roon. Itinago ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng blankong mukha.

Pero ito lang ang lugar kung saan hindi tatangkaing hanapin siya ng kaniyang ama kaya no choice.

Lahat ng makakasalubong niya ay iba ang tingin. They stared at her like she is the only person in their world. Oo naman di'ba? Mas mukha siyang tao sa mga naroroon.

"Sino yan?"

"Anak ata ni Ebeng?"

"Kay ganda naman niyan? Baka naman hindi."

"Siguro. Pero pa'no napadpad 'yan dito?"

"Mukhang mayaman."

"Ay! Ang puti!"

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now