KABANATA 33

32 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANTA 33

NAKATINGIN LAMANG SA kawalan si Aika. Hindi pa niya matanggap sa sarili ang nangyari kanina. Pero ano nga ba ang koneksiyon ni Bado sa lalaking iyon?

Muli nanamang nangiligid ang luha. Yumuko siya upang itago ang hinanakit na nadarama.

"'Wag kang umiyak ang pangit mo." ani ni Prince. Oh didn't she tell you that they're in his room? At mag-isa lang pala ang mokong roon.

Pasimple niyang pinunasan ang luhang kumawala at hinarap ito.

Kumuha ito ng panyo sa cabinet at ibinato sakaniya. Thank you ha.

Kinuha niya naman iyon at pinunasan ang mukha. Ngunit hindi naging sapat iyon upang matigil ang kaniyang pag-iyak.

Ano ba kasing relasyon niyo? Ba't ayaw mong sabihin sa'kin?

"You're too noisy, Aika. Stop it." napakamot pa sa kilay ang lalaki saka umupo sa kabilang kamang katapat niya.

She pouted then try to stop her tears. Tangina, ang hirap.

Mataman siya nitong tinitigan. Nailang naman si Aika sa klase ng titig nito. Ugh! 'Yan nanaman siya.

She mentally rolled her eyes.

"Tell me." anito sa seryosong tono.

Kunot noong tinitigan niya rin ito pero agad rin siyang umiwas. "Tell you what?"

"Everything."

"I'm sorry? Why do you want to know?"

"To help you. You want revenge right? Same as me."

Natigilan siya sa huli nitong tinuturan. Huh?!

Umiwas ito ng tingin sakaniya. "I also want revenge from that b-bastard... He didn't treat my friend as his son." hindi naging malinaw sakaniyang pandinig ang huli nitong sinabi.

Ilang minuto silang natahimik bago binasag ni Prince. Tumayo ito at nilahad ang palad. "Let's go. I'll walk you to your dorm."

Nag-alangan pa siya ngunit tinanggap naman niya sa huli.

Tinungo nila ang kaniyang silid. Hindi nakaligtas sakaniya ang bulungan ng tao. Well, pinag-uusapan lang naman nila kung bakit namumula ang mukha at mga mata ni Aika. At ang magkahawak kamay nila ni Prince. Ngunit mukhang wala lamang iyon sa lalaki. Tsk. Iba talaga 'pag playboy.

Narating sila ng dorm niya ngunit hindi pa rin binibitawan ni Prince ang kaniyang kamay.

"M-My hand."

Pilit binabawi ni Aika ang kamay pero dahil malakas si Prince ay parang wala lang ito sakaniya. Seryoso ang anyo ng mukha habang nakatingin sakaniya. Naiilang siya? Yes, hell yes! Sino ba namang hindi maiilang sa klase ng titig nito. Animong may malaki siyang nagawang kasalanan dito. Ugh!

"Aika."

Natigil siya sa paghila at tumingin sa mga mata nito. Damn! Ba't ngayon niya lang napansin ang kulay brown-green nitong mga mata?

"Be brave." nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa biglaan nitong paghila sakaniya. Dahilan upang magkayakap sila. Rinig na rinig niya ang kabog ng dibdib nito.

"Don't ever cry because of him." huh? Ano daw?

Magtatanong na sana siya ng ilayo na siya nito sakaniya. Tumingin siya sa mga mata nito. Ilang segundo silang ganu'n ng biglang nanlaki ang mga mata nito at binitawan ang kaniyang mga balikat.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon