KABANATA 42

30 3 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 42

NAHIHIRAPAN SIYA? ANONG gagawin ko? pagkausap ni Aika sa sarili.

Two days matapos ang nangyari sa kanilang classroom ay nakalabas na sila ng Grave Civis at muling bumalik sa Brgy., kung dati ay napakaingay nila ngayon sobrang tahimik ng mga ito. Ni hindi niya nga makilala ang mga kasama niya.

Pero ang mas nakapagtataka ay bakit kilala nila ang isa't-isa. She mean the five boys she becomes classmates. Ugghhh! Ang hirap talagang basahin ng limang iyon.

Naghahanda si Aika ngayon sa pagsabak mamayang gabi. Ngayong araw din mismo siya sasabak sa sampung lider. And fuck! She's nervous as hell. Isang maling tira niya lang ay laglag siya sa mundo ng mga ito and worst... hindi siya tatantanan ng mga ito.

Damn!

Mariin siyang pumikit at natulog na lamang.

Nagising si Aika pasado alas dos ng hapon. Bumangon siya at naligo saka tinungo ang kusina. Binati siya ng ilang myembrong kaniyang nakakasalubong na nginingitian niya lamang sa huli. Nagluto si Aika ng simpleng meryenda. Bread roll and watermelon juice.

Ngayon lamang napansin ni Aika na wala ang tatlong nakasama niya sa Grave Civis sa bahay. Nasa'n ang mga 'yun?

"France!" tawag niya sa isang myembro na dumaan. Natigil naman ito at ngumiting lumapit sakaniya.

"Ano 'yun, Commander?"

"Sila Bado nakita mo ba?"

Naging mailap ang mga mata nito. Huh?

"Sila Draven at Marcus po ay nasa lungga pero s-si M-Major? Uhmm... k-kasi, C-Commander..."

Kunot noo niya itong tinignan. Hindi ito mapakali. Waring may itinatago sakaniya.

"Where is he?"

Kinagat nito ang ibabang labi at huminga ng malalim.

"H-Hindi ko po alam, Commander. P-Pasensya na." saka ito dali daling umalis. Huh?

Tinignan ni Aika ang daang tinahak ni France. Anong nangyari?

Nagkibit balikat siya bago tinapos ang pagkain. Lumabas siya upang alamin ang paligid. Medyo nanibago siya dahil na rin sa tatlong buwang pananatili sa Grave Civis.

Kamusta na kaya si Froy?

Ngumisi siya at naglakad sa paboritong tambayan nila Froy. Wearing a simple black jersey short and white loose shirt she walks towards them. Natatahimik naman ang lahat kapag dumaraan siya. Taas noo siyang naglakad papuntang tambayan nila Froy.

"Froy, kaibigan." aniya sa magiliw na tono.

Natigil naman ang mga kasamahan nito at napatingin sakaniya. Napalunok ng madiin si Froy saka tumayo.

"C-Commander." anito.

"Kamusta dito? Naghari-harian ka ba uli ng wala ako?"

Ilang beses itong umiling.

"H-Hindi, Commander."

Tumango tango siya at nilapitan ang tindahang nasa harapan nila. Gumilid naman ang mga ito upang makadaan siya.

"Ate Rena, isang alak nga diyan 'yung mabigat sa tiyan tyaka pulutan na rin. Yung chitchirya na lang." agad kumaripas ng kuha ang Ale saka ibinigay sakaniya.

Ngumiti siya dito ng tipid at binigay ang bayad.

"Salamat, Commander." ani ni Ate Rena.

Bumaling si Aika sa harap nila Froy at nilapag ang mga binili sa mesa nila. Nagulat naman ang lahat sa ginawa niya. Umupo si Aika sa tapat ni Froy at sinimulang buksan ang alak maging ang chitchirya.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now