KABANATA 46

27 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 46

HINANDA NA NIYA ang sarili sa pagsugod nang ikalimang lider na kaniyang makakalaban. Konting lapit pa.

Nang makalapit na ito ay inihanda niya ang kutsilyong hawak saka ito tinira. But the guy is good in avoiding. Sumugod muli siya hanggang sa nagkaroon siya ng tyempo upang banggitin ang first love nito.

"Fionna." aniya sapat upang marinig ng lalaki na siyang ikinatigil nito sa pagtira sakaniya.

Tumingin ito sakaniya nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito ngunit napalitan ng galit.

"You can't fool me, woman. Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo sa ibang leader kaya mo sila natalo? Hindi ako magpapaloko sa'yo."

I told you. Failed.

"Really?" bago niya sinipa ito sa tiyan na siyang ikinatumba ng lalaki sa sahig. Nilapat niya ang paa sa dibdib nito.

Tinagilid niya ang ulo. "Then, eto lang ang sasabihin ko sa'yo. Fionna doesn't love you. Fionna just play your feelings. Fionna never love you at all!" malakas niyang saad.

Muling dumaan ang galit sa mga mata nito bago ito mariing pumikit. Nagulat siya sa pagpatak ng luha nito sa kanang mata. Shit!

"Y-Yes I know t-that she doesn't love me. D-Damn!" emosyonal nitong saad.

Nakaramdam ng awa si Aika ngunit isinawalang bahala niya iyon. Sinunggaban niya ito ng daplis sa braso ng limang beses bago nito bitawan ang kukri at sumuko.

Am I being unfair? I'm hurting their feelings?

Umiling siya bago kinuha ang kutsilyo.

"Six down, still in favor of Aika!"

Kung kanina ay masigla niyang gustong tapusin ang laban ngayon ay mukhang hindi na niya kaya. Nandadaya siya. Ngunit sa mata ng iba'y tama lamang ang ginagawa niya.

Umiling siyang muli bago hinarap ang ika-apat na lider. Huminga siya ng malalim bago ito kinalaban.

'Weakness: His hair. Mess it.'

No, I'll fight... fairly.

Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo ng sumugod ito sakaniya. Aika started fighting him. This time, she'll fight fair. Kakalimutan niya ang napag-aralang kahinaan ng mga ito.

Repeating crossbrow for fucking sake. Katulad na rin ito ng baril. Ugh! Tama pa ba ang desisyon niyang hindi mandaya?

Nasimulan na. Tapusin na lang natin 'to.

May nakareserba si Aika ng tatlong kaparehas ng kaniyang kutsilyo sa likuran ng kaniyang damit. Kaya kinuha niya ito at binato ang isa sa kalaban. Naiwasan nito iyon. Damn.

Tumira ang lalaki sakaniya. Dahil sa bilis ay natamaan siya sa kanang braso. Malapit sa sugat niya. Napadaing siya sa sakit.

Ngumisi ang lalaki. "Where's the Aika I know earlier? Ba't parang natatalo na siya?" pang-aasar na tanong ng lalaki.

Ngumisi siya bago tumayo at sinugod ito. Ngunit mabilis ang kamay nito kaya muli siyang natamaan sa kaliwang braso.

"Ugh!" napahawak siya sa braso na ngayo'y hindi na maawat sa pagdugo.

Nanginginig na ang kaniyang tuhod dahil sa hapdi. Ngunit patuloy siyang lumaban. Kailangan niyang patunayan sa sarili na hindi lamang siya magaling magkalkula kundi magaling rin siya sa pakikipaglaban.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon