EPILOGUE

77 3 0
                                    


wyrdaest>>

Epilogue

Callus John "Bado" Buenaventura

"MOM!" he shouted while looking at his Mother who's walking away from him... away from his life.

He was 5 years old when his Mom choose to abandoned him. He was 5 years old when his Mom choose other man than his father. He was 5 years old when he realized that... he was a product of an arrange marriage. At the young age, namulat siya sa kung ano ba talaga ang buhay na meron siya. Matagal na niyang natanggap na hanggang dito na lamang talaga ang lahat. Ang pangarap niyang mabubuo at magsasama sama pa sila bilang pamilya ay unti unting gumuho, naglaho.

Ilang taon niyang kinimkim ang nangyari sa kaniyang buhay. Yes, he gets everything he want, he had a very comfortable life that everyone could wish that they are him. But there's something missing. Marangya nga ang buhay mo pero wala namang nagpaparamdam ng pagmamahal sa iyo, it's all useless.

He can clearly remembered how he saw with his own two eyes how his own mother look to that little girl, like it comes from her own flesh but not. He always saw them together, like a real mother and daughter bonding. Masakit para kay Callus na makita iyon lalo't siya ang tunay na anak nito at hindi ang batang babaeng kasama nito. Siya dapat iyong kasama ng ina, siya dapat iyong katawanan at kakwentuhan ng ina. Siya dapat ang tinatanong kung kamusta ang araw niya. Siya dapat iyon.

Nang hindi makayanan ang nakikita ay umalis siya ng may sugat muli sa puso. But that was his wrong move. Nalaman niya na lamang sa ama nang minsang umuwi ito na mukhang nagsisisi at nagagalit.

Akmang tatawagin niya na ito ng makita niya 'di kalayuan ang kanang kamay ng kaniyang ama. Hindi siya nito napansin dahil nagtungo ang dalawa sa ikalawang palapag ng bahay. Sa library.

Nagtataka si Callus sa kinikilos ng dalawa kaya sinundan niya ang mga ito. Narinig niyang nagsisigawan ang mga ito ngunit isang balita ang klaro niyang narinig.

"Sabi ko yung bata ang barilin mo bakit yung asawa ko, ha?!"

Halos mayanig ang buo niyang pagkatao sa narinig. His Mom. Nanlamig ang kaniyang buong katawan. Unti unti promoseso sakaniyang isipan ang kaniyang narinig.

Tumakbo siya papuntang kwarto niya at dun nanghihinang napaupo habang lumuluha. Ang nanay niya, nabaril ng hindi kung sino lamang kundi tauhan ng kaniyang ama. Namuo ang kaniyang galit at disgusto sa kaniyang ama. Anong karapatan nito upang gawin iyon sa kaniyang ina. Hindi man niya naranasan ang pagiging ina nito sakaniya ay wala itong karapatan dahil kung wala ito ay wala din siya.

Simula noon, naging malayo ang loob ni Callus sa ama ni matignan ay hindi niya magawa at mas lalo lamang siyang nagalit dito ng malamang namatay ang kaniyang ina ng araw ding yoon. He became cold and distant to all the people who are involve to his father.

Gusto na niyang matapos ang lahat ng pahirap at kawalang hiyaan ng ama sa buhay nito, sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niyang manatili sa tabi nito upang matupad ang kaniyang plano. Na humantong sa kanilang pagkikita ng batang babaeng siyang nang-agaw ng atensyon ng ina.

She's too weak. Callus wants to take his revenge to all the people who  makes his life miserable including Aika. Gagamitin niya ang kahinaan nito upang pabagsakin din ito. Lahat na yata ay nagawa niya upang mapaibig ito dahil iyon ang makikita niyang solusyon para tulayan itong mapabagsak.

Pathetic love.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil habang naisasagawa niya ang balak ay nahuhulog din siya sa sariling bitag. Hanggang sa hindi na siya makabangon sa bagsik ng pagmamahal na tumama sakaniya.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now