KABANATA 34

28 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 34

PATULOY SIYANG HINILA ni Bado palabas ng mansiyong iyon. Hindi pa rin niya alam kung makakaramdam siya ng takot o isasawalang bahala niya lamang iyon. Pero ang tono ng pagsasalita nito. It was a warning tone.

Pero anong sabi niya? Hindi nito pwedeng saktan ang mga ito? Ano nga ba ang relasyon ng lalaking yu'n sa limang lalaking kasama niya ngayon?! Is she knows them enough? Trust issue.

Maging siya ay naguguluhan. Gusto niya mang itanong pero hindi niya magawa. Iniimagine niya pa lang na tanungin ang lima ay nanghihina na siya sa magiging sagot ng mga ito.

Hindi niya namalayang tumigil na sila sa labas ng mansyon. Hinarap siya ni Bado dito. Isa lang ang mababasa niya sa emosyong pinapakita nito. Cold.

Hindi niya akalaing masakit palang makita ng ganito ang kaniyang crush. Pero bakit siya nasasaktan? Hindi gawain ng nagkakacrush ang masaktan ng ganito.

Binitawan nito ang kamay niya. Naguguluhan man siya sa kinikilos ni Bado ay nanatili siyang tikom ang bibig. Inaantay ang sasabihin nito.

"Go." malamig nitong saad na mas lalong nakapagpagulat kay Aika.

Hindi niya magawang kumilos dahil sa sinabi nito. Nanatili siya sa harap nito. Nakikiusap ang mga matang bawiin nito ang sinabi ngunit wala kahit isang salitang muling lumabas sa bunganga nito.

"Umalis ka na." wika nitong muli.

Parang nagkapirapiraso ang kaniyang puso sa sinabi nito. Ni hindi ba siya nito ihahatid? Nangingilid ang kaniyang mga luha sa sinabi nito. Hindi niya akalaing gagawin nito.

"B-Bado." pakiusap niya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Nakakatakot. Natatakot siya, dahil wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Hindi. Hindi ito si Bado. Nasaan na yung Bado'ng nakilala niya?

"A-Anong nangyayari sa'yo? H-Hindi ikaw ito." tuluyan nang pumatak ang luha niya. Nasasaktan siya. Hindi niya rin alam kung bakit.

"Umalis ka na. Hindi ka kailangan dito."

Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. At umiwas ng tingin dito.

"Ganyan ka na ba kabastos ngayon, Callus?" ani ng baritonong boses sakaniyang kanan.

Pareho silang napatingin ni Bado sa pinanggalingan ng boses. It was Andrew with his serious face.

Tumingin si Andrew sa gawi niya at naglakad papalapit sakaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kanang braso. At hinarap si Bado. Hindi pa rin maalis ni Aika ang tingin kay Andrew.

"Hindi ko akalaing nananakit ka na ng damdamin ng isang babae. Are you that rude?" he chuckled sarcastically then shrugged his head.

"Wala kang alam, Andrew." ani ni Bado. Napatingin si Aika dito. Hindi nakatakas sakaniyang paningin ang paggalaw ng panga nito at ang nakakuyom nitong kamao.

Pero anong sabi ni Andrew? Callus? Sino si Callus? Naguguluhan siya. Ni hindi niya nga alam kung magagalit ba siya o masasaktan.

Magulo. Sobrang gulo. Hindi niya alam kung pa'no niya makakayang makinig sa dalawa. Pwede naman na siyang umalis pero may pumipigil sakaniya. Sinasabi ng kaniyang puso na manatili at makinig. Ngunit sumasalungat roon ang kaniyang isip. Sinasabing umalis na siya dahil pinapahamak niya lamang ang sarili.

"Then tell me. Everything. From the start." may diin ang huling sinabi ni Andrew kay Callus na mas lalong nakapagpadilim ng anyo ni Bado. Kailangan niyang pigilan ang dalawa.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now